15/08/2019
BAKIT KARAMIHAN ng Pinoy Hindi Nakakapag- negosyo?
Basahin mo 'to. ☺
1. SIGURISTA
Hindi pa nagsisimula ang nasa isip, lugi na. Gusto agad kita. Empleyado mindset pa din. Gusto akense o a-trenta may sasahurin. Sa business UNSTABLE ang income pero once nakuha mo ang SISTEMA, walang ibang choice kundi ang umasenso ka talaga.
2. MAHILIG SA NEGATIVE SINASABI NG IBA
Karaniwang Pilipino, hindi pa nasusubukan. Ayaw na agad. Nasabihan lang ng negative ng kaibigan o kamaganak, ayaw na. End up. Kung anong buhay ng nag-advise, ganun din ang buhay nya. Iniisip agad kung ano sasabihin ng iba pag nagkaroon ng di masyadong magandang situation. (makinig sa advice ng isang successful na tao, hindi sa kung kani kanino lang na wala namang naabot sa buhay kundi ang makialam sa buhay ng ibang tao. pwede mo silang pakinggan pero nasa sayo kung papakinggan at diringgin mo ang advice nila. Walang masama tumanggi kung ikakabuti naman.
3. PURO DAHILAN
Wala pang nasisimulan. Puro na problema ang tinitignan.
'Keso ganyan, keso ganun.'
'Si ano kasi, si ganyan kasi.'
'Yung ano kasi, yung ganyan kasi.'
'Kulang pa, masyadong ano ang ganyan.'
'Kasi hindi ako marunong, hindi ako magaling dyan'
Halos lahat ng pagbuntungan ng sisi ginawa, hinanap at sinabi na. Wala pa namang nasisimulan, sabi nga "Paanong may matatapos, wala namang sinisimulan?"
4. WALANG TIWALA SA SARILI
Pinangungunahan na agad ng takot at duda ang sarili.
5. PLAY SAFE
Ayaw magfail. Takot magfail. Gusto parating komportable. Gusto gawin yung mga bagay na kaya nya lang. Ayaw ng sumubok ng bago kaya end up, walang nagbabago. Stagnant.
6. ABANGER MOVES
Gusto parating siya ang may gain o ganansya. Dapat meron siyang parating malaking parte agad.
7. TAMAD
Ayaw ng gumawa for some extra-mile. Kung ano lang nakasanayan, gusto parating yun na lang. Mahirapan lang ng konte, ayaw na. Hindi lang gusto ang nangyare. Ayaw na. Masyadong tamad at ayaw magsakripisyo. Tamad mag-aral ng negosyo. Gusto na lang parating pahinga PERO di naman talaga totoong pagod.
8. MAHILIG MAGSAYANG NG ORAS
Busy daw siya pero halos ilang oras nakababad sa Facebook. Naglalaro ng kung ano-anong application. Busy nga. Pag inutusan sasabihin, "may ginagawa ako eh". Masyadong nakafocus sa mga bagay na hindi naman productive at hindi nakakatulong. Kaya bottom line, feeling sobrang busy pero ang totoo busy-busyhan lang naman.
9. WALANG PERA
Ito ang may pinakamarami at pinakamataas na percentage. Parating WALANG P_ _ A? Ang totoo meron naman pero nasa 1-8 na rason ang totoong problema. Gusto umasenso financially pero ang ginagawa puro bili ng kung ano-ano. Travel daw kasi reward to myself. "Gift to myself" Hashtag pa ng "YOLO". Mag-iipon pero uubusin lang naman for how many days, weeks at month ang inipon. Don't you find it so ironic? Nag-ipon para ubusin? Wag bili at gastos ng gastos kung hindi naman kelangan. Learn to know what you NEED and what you WANT. Classify it para nagagamit ang pera sa tamang bagay.
10. NEXT TIME NA LANG
Tawag dyan. 'PROCRASTINATING' o 'PROCRASTINATOR'. In tagalog "MANYANA HABIT".. sobrang hilig magpabukas at mamaya. Kaya end up, sige next month na lang. next year na lang. tapos uulitin na naman pagdating ng oras. Next time na lang, next month na lang. Next year na lang. Kaya naubos na ang oras. Tumatanda na. Paulit ulit pa din.
Nahanap mo ba sarili mo dyan? Okey lang yan. Isa lang naman ang solution dyan. 3 letra. Just "TRY". Decide and take Action. Ask advice(s) to a right person. Hanap ka ng mga taong successful na tao and approach them. They love to share ideas. Wag ka mahihiyang lumapit. At ang pinakamagandang paraan dyan, PRAY FOR IT and ASK GUIDANCE KAY LORD.
Ang promise nya sa ating lahat " I will never leave you nor forsake you' and then "Ask and you shall receive, Seek and you will find, Knock and the door will be opened"
Kaya ano mang gagawin mo, pray for it and He will established it. 🙂