Alcala Municipal Health Office

Call

Alcala Municipal Health Office Para sa mas Malusog na Alcala

02/10/2026

Warmest birthday greetings to our dedicated and compassionate Municipal Health Officer, Dr. Karen Ana A. Narag! 💐

Your unwavering commitment, exemplary leadership, and genuine dedication to serving the people of Alcala continue to inspire the entire Municipal Health Office team. May your special day be filled with joy, love, good health, and countless blessings.

May you continue to be blessed with strength, wisdom, and passion as you lead us in our mission of providing quality healthcare and better health for every Alcaleno. 💕

16/09/2026
16/09/2026
11/09/2026

DOH: MAGING ALERTO SA MGA SINTOMAS NG DENGUE; MAGPAKONSULTA AGAD!

Detalye sa comment section.




Congratulations sa pagkamit ng 96.05% vaccination coverage sa MR SIA Vaccination 2026! 💉👏Ang tagumpay na ito ay bunga ng...
03/09/2026

Congratulations sa pagkamit ng 96.05% vaccination coverage sa MR SIA Vaccination 2026! 💉👏

Ang tagumpay na ito ay bunga ng mahusay na pamumuno at patuloy na suporta nina Municipal Mayor Atty. Tin Antonio at Municipal Health Officer Dr. Karen Ana A. Narag, kasama ang ating buong Healthcare Team ng Alcala Municipal Health Office, BHWs, BNS, Barangay Officials, CVCHD, PDOHO at iba pang mga katuwang sa programang ito.

Higit sa isang numero, ang tagumpay na ito ay patunay ng ating sama-samang malasakit upang maibigay sa bawat batang Alcaleño ang proteksiyon nararapat sa kanila. Magpapatuloy tayo para sa mas malusog at mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga anak.

29/08/2026

𝗘𝗫𝗧𝗘𝗡𝗗𝗘𝗗 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗥-𝗦𝗜𝗔! 💉📣

May dagdag na panahon para sa pagbabakuna ng mga batang 6 hanggang 59 buwan laban sa tigdas at rubella (MR)!

📅 EXTENDED HANGGANG SEPTEMBER 4, 2026

Kung hindi pa nabakunahan ang inyong anak, huwag nang maghintay! Dalhin siya sa pinakamalapit na vaccination site o health center at magpabakuna.

✅ Ligtas
✅ Libre
✅ Proteksyon laban sa tigdas at rubella

Bakuna para sa bata, proteksyon para sa buong pamilya at komunidad.

📍 Makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Station, Rural Health Unit, o City/Municipal Health Office para sa schedule at pinakamalapit na vaccination site.

YAKAP DAY / PUROKALUSUGAN CARAVAN / MR SIA CATCH-UP IMMUNIZATION 🩺👩‍⚕️💉 Patuloy ang ating serbisyong pangkalusugan dito ...
20/08/2026

YAKAP DAY / PUROKALUSUGAN CARAVAN / MR SIA CATCH-UP IMMUNIZATION 🩺👩‍⚕️💉

Patuloy ang ating serbisyong pangkalusugan dito sa Brgy. Calantac, Alcala, Cagayan. Isinasagawa ngayon ang Yakap Day at Purokalusugan Caravan, kasama ang MR SIA Catch-Up Immunization, upang mailapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kabarangay. Target nating mapaglingkuran ang 4Ps members and beneficiaries, PhilHealth members, at lahat ng eligible residents.

Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Dr. Karen Ana A. Narag at sa suporta ng ating butihing Mayor Atty. Tin Antonio. Maraming salamat din sa mga Brgy. officials at representatives, BNS at BHWs sa kanilang mainit na pagtanggap, pakikiisa, at suporta sa ating programa.

Patuloy nating isinusulong ang serbisyong pangkalusugan na mas malapit sa bawat Alcaleño.

YAKAP Day × PuroKalusugan Caravan sa  Baybayog, Alcala 🩺👩‍⚕️ Kasalukuyang isinasagawa ngayon sa Dapun Market, Baybayog, ...
19/08/2026

YAKAP Day × PuroKalusugan Caravan sa Baybayog, Alcala 🩺👩‍⚕️

Kasalukuyang isinasagawa ngayon sa Dapun Market, Baybayog, Alcala, Cagayan ang patuloy nating paglalapit ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng YAKAP Day at PuroKalusugan Caravan, kasama ang ating mga kinatawan mula sa PhilHealth na handang tumulong at magbigay ng gabay sa ating mga benepisyaryo.

Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Dr. Karen Ana A. Narag, Municipal Health Officer, at ni Hon. Mayor Cristina “Tin” Antonio, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mailapit ang dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa bawat Alcaleño.

Mula sa ating health consultations at screening hanggang sa PhilHealth assistance at iba pang serbisyong pangkalusugan, patuloy nating ihahatid ang serbisyo kung saan ito higit na kailangan, sa bawat barangay at sa bawat purok ng Alcala.

17/08/2026

🦸‍♀️🦸‍♂️ MRSIA 2026: LIGTAS TIGDAS! 💉

Protektahan ang bawat bata laban sa Tigdas at Rubella!

Ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) ay isang vaccination campaign ng ating Municipal Health Office at ng Department of Health na naglalayong maprotektahan ang mga bata laban sa tigdas at rubella at makatulong na maiwasan ang pagkalat at paglaganap ng mga sakit na ito.

SINO ANG DAPAT MAGPABAKUNA?
Lahat ng batang edad 6–59 buwan ay kabilang sa target ng MRSIA 2026. Sa supplemental vaccination activities, maaaring bakunahan ang mga kwalipikadong bata kahit mayroon na silang naunang bakuna laban sa tigdas.

BAKIT MAHALAGA ANG BAKUNA?
Ang tigdas ay lubhang nakahahawa at maaaring magdulot ng mataas na lagnat, ubo, sipon, pamumula ng mata at pantal. Maaari itong humantong sa malubhang komplikasyon gaya ng pneumonia, encephalitis at pagkamatay.
Ang rubella naman ay karaniwang banayad sa mga bata ngunit mapanganib sa buntis, dahil ang infection sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magdulot ng Congenital Rubella Syndrome sa sanggol, kabilang ang mga problema sa pandinig, paningin at puso.

LIGTAS BA ANG MR VACCINE?
Oo. Ang measles-containing vaccines ay matagal nang ginagamit at itinuturing na ligtas at epektibo. Patuloy na sinusuportahan ng WHO ang measles-rubella vaccination bilang mahalagang bahagi ng pagkontrol at laban sa mga sakit na ito.

TANDAAN!
✅ LIBRE ang bakuna sa mga itinalagang vaccination sites
✅ Dalhin ang inyong anak na 6–59 buwan sa vaccination site
✅ Dalhin ang immunization card/bakuna card kung mayroon ma
✅ Para sa eksaktong schedule at vaccination site sa Alcala, makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Workers o sa Alcala Municipal Health Office

Maging superhero ng inyong anak, Magpabakuna Na!

Address

Centro Norte, Alcala
Cagayan
3507

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639951005899

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alcala Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share