19/10/2026
🤢🤢 mga paalala ni tita doc
Nagsu-s**a ba ang anak mo? Huwag muna mag-panic, parents!
Pero importante na malaman natin kung ano ang dapat gawin at kung kailan kailangang magpatingin sa pediatrician.
🤮 QUICK GUIDE WHEN YOUR CHILD VOMITS/PAGSUSUKA
1. Observe and assess. 👀
Pagkatapos mags**a, obserbahan ang:
- Kulay at itsura ng s**a
- Ano ang posibleng laman ng sinuka
- Pang-ilang beses na siyang nagsus**a
- May kasamang lagnat, diarrhea, sakit ng tiyan, o ibang sintomas ba?
- Aktibo pa ba siya, at nakakainom at umiihi pa ba nang normal?
2. Huwag piliting pakainin o painumin agad nang marami. 🥤
Magpahinga muna ng 1-2 hours pagkatapos mags**a. Kapag kumalma na ang pagsus**a, pwede nang subukang magbigay ng oral rehydration solution (ORS) nang paunti-unti.
3. Small sips muna! 💧
Simulan sa maliit at madalas na pagbigay ng ORS, example, 1 teaspoon (5 mL) every 1–2 minutes. Kung mags**a ulit, maghintay nang mga 5-10 minutes, then subukan ulit nang mas mabagal. wasang biglain ang pagpapainom dahil maaari itong mag-trigger ng panibagong pagsus**a.
4. Kapag kaya nang uminom, unti-unting ibalik ang pagkain o magbigay ng gamot 🍚
Huwag pilitin kung ayaw pang kumain. Continue breastfeeding for breastfed infants.
5. Kailan dapat magpatingin sa pediatrician? 👩⚕️
Kung paulit-ulit ang pagsus**a, hindi nakaka tolerate ng fluids, hindi bumubuti ang kondisyon, o may iba pang mga sintomas mag punta agad sa clinic o emergency room para malaman ang sanhi at tamang lunas/gamot.
🚨 HUWAG NA MAGHINTAY KUNG MAY MGA DANGER SIGNS:
- 💚 Green or bilious vomit — maaaring senyales ng intestinal obstruction.
- 🩸 Dugo o parang coffee grounds ang s**a.
- 😴 Matinding antok, hirap gisingin, confusion, o panghihina.
- 💧 Signs of dehydration: kaunting ihi, tuyong bibig, walang luha kapag umiiyak, o lubog na mata o bumbunan.
- 🤕 Matindi o lumalalang sakit ng tiyan, o lumalaki ang tiyan.
- 🤒 Pagsus**a na may matinding headache, stiff neck, o seizure.
- 👶 Vomiting in a young infant, especially forceful or projectile vomiting.
-🌡️Lagnat
❤️ Tandaan, Mommy and Daddy: Hindi lahat ng pagsus**a ay simpleng kabag o upset stomach. Mahalaga ang tamang hydration, close observation, at pagkilala sa danger signs.
Kapag may red flags o hindi tumalab sa paunang lunas, huwag nang hintayin ang reply sa chat. Dalhin agad ang bata sa Emergency Room o Bumisita sa pinaka malapit na Clinic.
— Tita Doc