IPHO LDS Health Education and Promotion Unit

IPHO LDS Health Education and Promotion Unit Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from IPHO LDS Health Education and Promotion Unit, Health & Wellness Website, Marawi City, Lanao del Sur.

⸻🐾🌍 WORLD RABIES DAY 2026 πŸŒπŸΎβ€œSTRONGER TOGETHER”Every September 28, the world comes together to raise awareness and take ...
29/09/2026

βΈ»

🐾🌍 WORLD RABIES DAY 2026 🌍🐾

β€œSTRONGER TOGETHER”

Every September 28, the world comes together to raise awareness and take action against rabies.

This year’s theme, β€œSTRONGER TOGETHER,” reminds us that preventing rabies is not the responsibility of one person or one sector alone. It takes all of usβ€”families, pet owners, communities, health workers, veterinarians, and local leadersβ€”to protect lives. πŸ€πŸ’š

🦠 Rabies is 100% fatal once clinical signs appearβ€”but it is 100% preventable.

Let us do our part:

🐢🐱 Vaccinate our pets regularly against rabies.
🏑 Practice responsible pet ownershipβ€”provide proper care, supervision, and prevent pets from freely roaming.
🚫 Avoid approaching unfamiliar or stray animals.
🧼 Wash bites and scratches immediately with soap and running water for about 15 minutes.
πŸ₯ Seek immediate medical attention and consult the nearest Animal Bite Treatment Center (ABTC) after any possible exposure.
πŸ’‰ Complete the recommended post-exposure treatment as advised by healthcare professionals.
πŸ“’ Share accurate information and help your family and community recognize how rabies can be prevented.

Remember: Do not wait for symptoms. Once symptoms appear, rabies is almost always fatal. Prevention and early action can save a life.

πŸ’š One vaccinated pet.
πŸ’š One responsible owner.
πŸ’š One informed family.
πŸ’š One united community.

Together, we can move closer to our goal of a Rabies-Free Lanao del Sur by 2030. 🐾

🐾 STRONGER TOGETHER.

πŸ›‘οΈ PREVENT RABIES. PROTECT LIVES.

πŸ’š RABIES-FREE BY 2030.

Integrated Provincial Health Office – Lanao del Sur
Rabies Prevention and Control Program






πŸ’š PROTEKTAHAN ANG ATING MGA BATANG BANGSAMORO SA PAMAMAGITAN NG HPV VACCINATION πŸ’‰Ang Human Papillomavirus (HPV) ay isang...
27/09/2026

πŸ’š PROTEKTAHAN ANG ATING MGA BATANG BANGSAMORO SA PAMAMAGITAN NG HPV VACCINATION πŸ’‰

Ang Human Papillomavirus (HPV) ay isang karaniwang virus na maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit, kabilang ang cervical cancer. Dahil maaaring walang sintomas ang HPV infection sa simula, mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman at proteksyon laban dito.

πŸ‘§ Para sa mga batang Bangsamoro edad 9–14:
Ang HPV vaccine ay mahalagang proteksyon laban sa HPV at mga sakit na maaaring dulot nito. Mas mainam itong maibigay bago pa ma-expose sa HPV.

🏫 Saan maaaring makakuha ng HPV vaccine?
β€’ Sa mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng Bakuna Eskwela
β€’ Barangay Health Station o Rural Health Unit (RHU)
β€’ Mga pampublikong ospital
β€’ Mga accredited na pribadong health facilities

πŸ’š Sa pamamagitan ng tamang impormasyon, pagbabakuna, at pakikipagtulungan ng mga magulang, paaralan, at health workers, sama-sama nating mapoprotektahan ang kalusugan ng ating mga batang Bangsamoro.

Bakuna ngayon, proteksyon para sa kinabukasan. πŸ’‰πŸ’š








πŸ’‰ BAKUNA ESKWELA 2026! 🏫Protektahan ang ating mga anak laban sa vaccine-preventable diseases! πŸ’šNgayong Oktubre 2026, isa...
26/09/2026

πŸ’‰ BAKUNA ESKWELA 2026! 🏫

Protektahan ang ating mga anak laban sa vaccine-preventable diseases! πŸ’š

Ngayong Oktubre 2026, isasagawa ang Bakuna Eskwela sa mga pampublikong paaralan sa buong Pilipinas. Makipag-ugnayan sa inyong paaralan at health center para sa karagdagang impormasyon.

Bakuna para sa mas ligtas at mas malusog na kabataan! πŸ’‰β€οΈ

πŸ’‰ MAGPABAKUNA: LABAN SA CERVICAL CANCER! πŸ’—Ang HPV vaccine ay isang mahalagang proteksyon laban sa Human Papillomavirus (...
26/09/2026

πŸ’‰ MAGPABAKUNA: LABAN SA CERVICAL CANCER! πŸ’—

Ang HPV vaccine ay isang mahalagang proteksyon laban sa Human Papillomavirus (HPV), na maaaring magdulot ng cervical cancer at iba pang HPV-related cancers.

πŸ‘§ Para kanino?
Inirerekomenda ang HPV vaccination para sa mga batang edad 9–14, bago pa sila ma-expose sa HPV. Ang maagang pagpapabakuna ay nagbibigay ng pangmatagalang proteksyon.

πŸ’ͺ Bakit mahalaga?
Ang HPV vaccination ay maaaring makabawas nang malaki sa panganib na magkaroon ng cervical cancer. Kaya huwag nang maghintayβ€”protektahan ang ating mga anak habang maaga.

πŸ“ Para sa HPV vaccination, maaaring magtanong sa:
🏫 Pampublikong paaralan / Bakuna Eskwela
πŸ₯ Barangay Health Center o Rural Health Unit
πŸ₯ Pampublikong Ospital ng DOH
πŸ₯ Akreditadong pribadong ospital o klinika

🌸 Tandaan: Bakuna, screening, at tamang paggamot ang susi sa pag-iwas sa cervical cancer.

MAGPABAKUNA. MAGPA-SCREEN. ALAGAAN ANG SARILI AT PAMILYA. πŸ’—

πŸ’‰ TANDAAN: ALAMIN ANG MMR AT MR!MMR – Measles, Mumps, RubellaMR – Measles, RubellaBagama’t parehong nagbibigay ng protek...
02/09/2026

πŸ’‰ TANDAAN: ALAMIN ANG MMR AT MR!

MMR – Measles, Mumps, Rubella
MR – Measles, Rubella

Bagama’t parehong nagbibigay ng proteksyon laban sa Measles at Rubella, magkaiba ang kanilang gamit.

🟒 MMR – PARA SA ROUTINE IMMUNIZATION
Ito ay bahagi ng regular na pagbabakuna ng mga bata upang maprotektahan sila laban sa tigdas, beke, at rubella (tigdas-hangin). Karaniwang ibinibigay sa 9 months at 1 year old, ayon sa routine immunization schedule.

πŸ”΅ MR – PARA SA SPECIAL IMMUNIZATION ACTIVITIES (SIA)
Ginagamit ang MR kapag may outbreak o banta ng outbreak upang mabilis na mapataas ang proteksyon ng komunidad at makatulong na mapigilan ang pagkalat ng tigdas at rubella.

❓ Kung may MMR naman, bakit kailangan pa ng MR?

πŸ‘‰ Magkaiba ang kanilang gamit.

πŸ’š MMR = REGULAR NA PROTEKSYON
Parte ng routine immunization ng mga bata.

πŸ›‘οΈ MR = OUTBREAK RESPONSE
Ginagamit sa special immunization activities upang mabilis na maprotektahan ang mas maraming tao kapag may outbreak o banta ng outbreak.

✨ HEALTHY TIP:
Huwag palampasin ang bakuna ng inyong mga anak. Siguraduhing updated ang kanilang immunization ayon sa schedule at makipag-ugnayan sa inyong RHU/health center para sa tamang impormasyon.

Bakuna ay proteksyon para sa bata, pamilya, at buong komunidad. πŸ’‰β€οΈ

🌫️ MGA DAPAT TANDAAN SA PANAHON NG HAZEAng HAZE ay kondisyon kung saan maraming maliliit na particles o pollutants ang n...
02/09/2026

🌫️ MGA DAPAT TANDAAN SA PANAHON NG HAZE

Ang HAZE ay kondisyon kung saan maraming maliliit na particles o pollutants ang nasa hangin, na maaaring magdulot ng malabong visibility at panganib sa kalusugan.

πŸ’š Para maprotektahan ang sarili at pamilya:

🏠 Manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari, lalo na kung makapal ang haze.
😷 Magsuot ng face mask kung kinakailangang lumabas.
πŸšͺ Isara ang mga bintana at pinto upang mabawasan ang pagpasok ng polluted air.
πŸƒβ€β™€οΈ Iwasan ang matinding outdoor activities o pag-eehersisyo kapag mataas ang haze.
πŸ’§ Uminom ng sapat na tubig at panatilihing hydrated ang katawan.
πŸ“± Manatiling updated sa mga abiso at health advisories ng mga awtoridad.
πŸ‘ΆπŸ‘΄ Bigyang-pansin ang mga bata, buntis, matatanda, at may sakit sa baga o puso, dahil mas sensitibo sila sa epekto ng polluted air.

⚠️ MAGPAKONSULTA kung makaranas ng matinding o tuloy-tuloy na ubo, hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib, pagkahilo, o matinding iritasyon sa mata.

🌿 Tandaan: Ang pag-iingat sa panahon ng haze ay proteksyon para sa ating kalusugan at kaligtasan.

MAGING LIGTAS. MAGING HANDA. ALAGAAN ANG KALUSUGAN. πŸ’š

🫁 LUNG MONTH 2026 🫁Alagaan ang Baga, Para sa Malusog na Bukas πŸ’šAlagaan ang ating baga iwasan ang paninigarilyo at va**ng...
20/08/2026

🫁 LUNG MONTH 2026 🫁
Alagaan ang Baga, Para sa Malusog na Bukas πŸ’š

Alagaan ang ating baga iwasan ang paninigarilyo at va**ng, umiwas sa usok at polusyon, kumain nang masustansya, maging aktibo, at magpakonsulta kapag may sintomas.

Malusog na Baga, Malusog na Pamayanan! πŸ’™

Ang matagumpay na pagpapasuso ay kailangan ng suporta ng buong pamilya! β€οΈπŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§Tulungan si Nanay na magkaroon ng sapat n...
06/08/2026

Ang matagumpay na pagpapasuso ay kailangan ng suporta ng buong pamilya! β€οΈπŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§

Tulungan si Nanay na magkaroon ng sapat na pahinga, masustansyang pagkain, at alaga para sa masiglang kinabukasan ni Baby. 🍼




πŸ’œπ€π§π  𝐒.𝐌.𝐀.𝐑.𝐓. 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐒π₯𝐲𝐚, 𝐏𝐚𝐧𝐚π₯𝐨!πŸ’œNgayong "National Family Planning Month", sama-sama nating itaguyod ang responsablen...
03/08/2026

πŸ’œπ€π§π  𝐒.𝐌.𝐀.𝐑.𝐓. 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐒π₯𝐲𝐚, 𝐏𝐚𝐧𝐚π₯𝐨!πŸ’œ

Ngayong "National Family Planning Month", sama-sama nating itaguyod ang responsableng pagpapamilya para sa mas ligtas, mas malusog, at mas maunlad na kinabukasan ng bawat pamilya.

✨ S – Sama-samang Nagpaplano
✨ M – May Tamang Kaalaman
✨ A – Aktibong Nagpapasya para sa Kalusugan
✨ R – Responsableng Pagpapamilya
✨ T – Tiyak na May Maginhawang Kinabukasan

Ang bukas na pag-uusap at tamang impormasyon ay susi sa matalinong pagpapasya. Kumonsulta sa inyong pinakamalapit na healthcare provider upang malaman ang angkop na family planning method para sa inyo.

πŸ’– "Ang S.M.A.R.T. na pamilya ay handa, responsable, at may planong kinabukasan. Tara, usap tayo sa family planning!"





Maging Bayani Laban sa Bulate! πŸ’ͺπŸͺ±Ngayong National Deworming Month, sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng ating m...
27/07/2026

Maging Bayani Laban sa Bulate! πŸ’ͺπŸͺ±

Ngayong National Deworming Month, sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng ating mga kabataan laban sa soil-transmitted helminths (STH) o mga bulateng nakahahawa sa bituka. Ang regular na deworming, wastong kalinisan, at tamang gawi ay mahalagang sandata upang mapanatiling malusog, aktibo, at handang matuto ang bawat bata.

Tandaan ang W.O.R.M.S.:
🧼 W – Wash Hands (Maghugas ng kamay)
🚽 O – Observe Proper Toilet Use (Gumamit ng palikuran nang wasto)
🍽️ R – Refrain from Eating Uncooked Food (Iwasang kumain ng hilaw na pagkain)
πŸ’Š M – Mass Deworming / Magpapurga
πŸ‘Ÿ S – Slippers/Shoes When Walking on Soil (Magsuot ng tsinelas o sapatos kapag naglalakad sa lupa)

✨ Malusog na bituka, masiglang bata, mas maliwanag na kinabukasan!





Address

Marawi City
Lanao Del Sur
9700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IPHO LDS Health Education and Promotion Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share