21/10/2026
Bakit nga ba maraming nanghihina sa 1st-3rd week Transitioning Phase ng lowcarb?
Bro, hindi kapa titirik heto ang totoo sa iyong transition:
1.INSULIN EXIT: Sa phase na ito bumababa ang insulin mo kaya naglalabas ng tubig ang kidneys mo kasama na ang mahahalagang electrolytes. Ang resulta? Pagka lowbat.
2.METABOLIC SHIFT: Ang katawan mo ay nasa gitna ng pag-adjust mula sugar burner papuntang fat burner. Parang makina na nagpapalit ng krudo.
Para Makalusot sa Transitioning Phase:
*Dagdagan ang ASIN sa tubig o pagkain.
*Huwag tipirin ang PROTEIN (Target: 1.5g to 2g per kg body weight ).
Huwag matakot sa Healthy Fats:
*Kapag mababa ang carbs, kailangan ng katawan ang fats ( gaya ng taba ng baka, baboy, eggs,MCT o olive oil ) para maging energy. Ito ang magsisilbing "diesel" mo para hindi ka manghina sa transitioning phase
*Maging Merry Heart dahil pagnaka lagpas ka dito fat adapted kana.
Kayo naramdaman nyo rin ba itong panghihina sa simula? Share nyo lang story nyo sa ibaba.👇
SpsDios*,Road Runner Merry Heart.
For educational purposes only, not medical advice.