SBHC Salonga Behavioral Health Center - Morong Rizal

Call Contact the business

SBHC Salonga Behavioral Health Center - Morong Rizal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SBHC Salonga Behavioral Health Center - Morong Rizal, Medical and health, 624 Manila East Road, Morong, Rizal.

Yes!!!
14/10/2026

Yes!!!

HUWAG PILITIN ANG BATA NA MAGSALITA AGAD. ITO ANG DAPAT GAWIN.

Isa ito sa mga madalas na concern ng mga magulang sa consultation:

“Paano ko po mapapagsalita ang anak ko?”

Bilang isang Developmental and Speech Language Specialist, mahalagang maintindihan natin na ang pagde-develop ng speech ay hindi dapat minamadali o ipinipilit sa bata.

Hindi ibig sabihin na kapag palagi nating sinasabihan ang bata na “Say this,” “Repeat after me,” o “Sabihin mo muna bago ko ibigay,” ay mas mabilis siyang matututong magsalita.

Para sa ilang bata, ang paulit-ulit na paghingi ng verbal response ay maaaring magdulot ng frustration, pressure, o pag-iwas sa interaction, lalo na kung hindi pa nila kayang sabihin ang hinihingi natin.

Kaya ano ang dapat gawin?

1. HUWAG PILITING ULITIN ANG BAWAT SALITA.

Sa halip na paulit-ulit na sabihing, “Say ball,” maaari mong sabihin, “Ball! Ang ganda ng ball!” habang naglalaro kayo. Pakinggan niya ang tamang model ng salita sa isang natural at masayang interaction.

2. SUNDAN ANG BAWAT INTERES NG BATA.

Kung mahilig siya sa kotse, bubbles, blocks, o paborito niyang laruan, gamitin iyon upang magkaroon kayo ng interaction. Mas nagiging makabuluhan ang communication kapag interesado ang bata sa ginagawa ninyo.

3. KAUSAPIN ANG BATA SA SIMPLENG PARAAN.

Gumamit ng maiikli at madaling maintindihang salita.
Halimbawa:
• “Kain tayo.”
• “Open the door.”
• “Push the car.”
• “More bubbles?”
• “Tapos na!”
Iugnay ang mga salita sa aktuwal na ginagawa ninyo upang mas madaling maunawaan ng bata ang kanilang kahulugan.

4. BIGYAN ANG BATA NG PAGKAKATAON MAKIPAG-COMMUNICATE.

Kapag may gusto siyang laruan o pagkain, huwag agad gawin ang lahat para sa kanya. Magbigay ng pagkakataong makapagpahayag siya ng kanyang gusto. Pero tandaan, hindi kailangang hintayin ang verbal response bago ibigay ang kailangan niya. Puwede siyang gumamit ng pagturo, gestures, pag-abot ng larawan, signs, o AAC upang maipahayag ang kanyang pangangailangan.

5. HINDI LANG SPEECH ANG FOCUS SA BATA PARA MAGSALITA AT MAG-COMMUNICATE.

Bago pa man makapagsalita ang bata, maaari nating suportahan ang iba pang foundational skills tulad ng:
• Attention at engagement
• Imitation
• Joint attention
• Receptive language o pag-unawa sa mga salita
• Functional play
• Social interaction
• Intentional communication
Hindi lahat ng batang delayed ang speech ay may parehong developmental needs. Kaya mahalagang malaman kung anong skills ang mayroon na siya at kung ano ang kailangan pang suportahan.

6. PURIHIN ANG BAWAT PANGTATANGKANG MAKIPAG-COMMUNICATE NG BATA.

Kapag nagturo siya, tumingin sa iyo upang humingi ng tulong, gumamit ng gestures, gumawa ng tunog, o sumubok magsabi ng salita, bigyan siya ng positibong response. Huwag agad itama ang bawat tunog o piliting ulitin ang salita nang paulit-ulit. Ang mahalaga ay maramdaman niyang may saysay ang kanyang pagtatangkang makipag-communicate.

7. KAILAN DAPAT HUMINGI NG PROFESSIONAL HELP?

Kung napapansin mong delayed ang speech ng iyong anak, limitado ang kanyang paraan ng pakikipag-communicate, o nahihirapan siyang umunawa at makipag-interact, huwag basta maghintay na kusang magsalita siya. Magpakonsulta para sa developmental assessment at speech-language evaluation upang matukoy ang kanyang kasalukuyang skills at ang angkop na intervention. Ang speech delay ay maaaring may iba’t ibang dahilan, kaya mahalagang individual ang assessment at intervention para sa bawat bata.

Tandaan, mga magulang: Hindi natin kailangang pilitin ang bata na magsalita bago natin siya pakinggan. Turuan natin siyang makipag-communicate sa paraang kaya niya ngayon, habang unti-unti nating sinusuportahan ang pag-develop ng kanyang speech at language skills.

Communication comes first. Speech can develop through meaningful interaction, appropriate support, and consistent practice.

And remember, always practice kindness! 💙💙💙

We are proud to announce that Salonga Behavioral Health Center (SBHC) has once again been granted a License to Operate b...
07/10/2026

We are proud to announce that Salonga Behavioral Health Center (SBHC) has once again been granted a License to Operate by the Professional Regulation Commission (PRC). This renewed authorization allows SBHC to continue providing professional services addressing behavioral, developmental, communication, and verbal language concerns, serving children, adolescents, neurodiverse individuals, and families in Eastern Rizal. This recognition reflects our continued commitment to professional, ethical, and quality developmental and behavioral services.

Maraming Salamat Po! ❤️

05/10/2026

Please be informed.

🎉 Congratulations to all who passed the SBDP Level 1 Certification Exam! 💙Welcome to our SBDP Level 1 Certified Therapis...
01/10/2026

🎉 Congratulations to all who passed the SBDP Level 1 Certification Exam! 💙

Welcome to our SBDP Level 1 Certified Therapists (SBDP-1CT)! 🧠🌱

Your dedication to supporting the behavioral and developmental needs of neurodiverse children is truly commendable.

Congratulations! 🎓👏

Sharing the SBDP — Salonga Behavioral and Developmental Program through training with Behavioral and Developmental Thera...
29/09/2026

Sharing the SBDP — Salonga Behavioral and Developmental Program through training with Behavioral and Developmental Therapists. 💙

From understanding the framework to putting it into practice, the training focuses on developing practical knowledge and skills that can help therapists better support neurodiverse children in their development, communication, learning, behavior, and everyday functioning. Every training is an opportunity to share knowledge, strengthen practice, and create more meaningful support for children and their families. 💙💙💙

03/09/2026

Madalas nating isipin na ang development ng bata ay parang checklist. Kapag natutunan na niya ang isang skill, expected natin na tuloy-tuloy na agad ang progress.

Pero sa totoo lang, ang developmental journey ng isang bata ay hindi straight line.

May mga panahon na mabilis ang progress, may mga panahon naman na mabagal, at minsan ay parang walang malaking pagbabago. May mga skills ding nauunang ma-develop kaysa sa iba. Lalo na sa neurodivergent children, maaaring hindi pantay ang development sa iba’t ibang areas.

Bilang isang Developmental and Speech Language Specialist, ito ang madalas kong ipinapayo sa mga magulang:

✅ Huwag ikumpara ang development ng inyong anak sa ibang bata. Ang bawat bata ay may sariling developmental journey.

✅ Tingnan ang progress over time. Huwag lamang tingnan kung ano ang hindi pa niya kayang gawin. Balikan din kung ano ang mga skills na natutunan na ng bata.

✅ Huwag panghinaan ng loob kapag may developmental plateau. Ang mabagal na progress ay hindi nangangahulugang walang progress.

✅ I-celebrate ang small wins. Ang pagtingin, pag-request, pagsunod sa instruction, pag-iimitate, o pag-try ng bagong activity ay maaaring mahalagang hakbang sa development ng bata.

✅ Ipagpatuloy ang practice at support sa bahay. Consistency at repetition are important, pero dapat nakaayon ang mga activities sa developmental level at needs ng bata.

✅ Kung kaya, ipagpatuloy ang professional therapy. Malaking tulong ang structured intervention para matukoy kung anong skills ang kailangang unahin at kung paano ito masusuportahan.

Tandaan, ang development ay hindi isang straight line at hindi rin ito isang race. May mga pause, detours, at moments na parang mabagal ang progress. Ang mahalaga ay patuloy nating binibigyan ng pagkakataon ang bata na ma-discover ang kanyang kakayahan at potential.

And remember, always practice kindness! 💙💙💙

A meaningful partnership for a healthier and more inclusive community.Salonga Behavioral Health Center is grateful to co...
22/07/2026

A meaningful partnership for a healthier and more inclusive community.

Salonga Behavioral Health Center is grateful to collaborate with the Municipality of Taytay, under the leadership of Mayor Allan De Leon, in advancing accessible and evidence based behavioral and developmental healthcare for every child and family.

Together, we make a difference.

TAYTAY LGU, PRIVATE MEDICAL INSTITUTIONS UNITE TO MAKE QUALITY HEALTHCARE MORE AFFORDABLE FOR TAYTAYEÑOS

Mas magiging abot-kaya na ang ilang serbisyong medikal para sa mga Taytayeño matapos lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamahalaang Bayan ng Taytay at ilang pribadong medical institutions sa bayan.

Layunin ng kasunduang ito na mabawasan ang gastusin ng mga residente sa pagpapagamot sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kaya at kalidad na serbisyong medikal.

Pinangunahan ni Mayor Allan Martine S. De Leon ang paglagda sa MOA kasama sina Vice Mayor JV Cabitac, mga miyembro ng ika-13 Sangguniang Bayan, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga partner medical institutions ang Taytay Chemotherapy Center na kinakatawan ni Dr. John Paul Aclan, BDM Imaging Center Inc. na kinakatawan ni Engr. Rogelio Serrano, Medisense Laboratory Center Inc. na kinakatawan ni Ms. Julita Y. Dayandayan, RN, at Salonga Behavioral Health Center na kinakatawan ni Dr. Ferdinand Zandro Salonga.

Sa pamamagitan ng partnership na ito, mas maraming Taytayeño ang magkakaroon ng pagkakataong makapagpa-chemo, makapagpa-laboratory, MRI, at makatanggap ng iba pang serbisyong medikal sa mas abot-kayang halaga.

Isa itong hakbang ng Pamahalaang Bayan ng Taytay upang matulungan ang mga residente na mapangalagaan ang kanilang kalusugan nang hindi gaanong nabibigatan sa gastusin.

Patuloy na nakikipagtulungan ang Pamahalaang Bayan sa iba't ibang sektor upang makapaghatid ng mga programang may tunay na pakinabang sa bawat Taytayeño, bilang bahagi ng layuning magbigay ng Serbisyong may Ngiti para sa lahat.


17/07/2026

Madalas kong sinasabi ito sa mga magulang sa consultation ko: “Hayaan ninyong maglaro ang inyong anak.” Hindi ito simpleng pampalipas-oras o paraan lang para maging abala or busy ang bata. Ang paglalaro ay isang mahalagang bahagi ng kanyang development.

Bilang isang Developmental and Speech Language Specialist, habang naglalaro ang bata unti-unti niyang nade-develop ang kanyang thinking skills, attention, memory, problem solving, language and communication, social skills, emotional regulation, at creativity. Kaya nga sinasabi nating play is the work of a child.

So for example, kapag nagbu-build siya ng blocks, natututo siyang magplano at mag-solve ng problems. Kapag nagpe-pretend play siya bilang doctor o teacher, nade-develop ang imagination, language, at social interaction. Kapag naman naglalaro siya ng board games o simpleng turn-taking games, natututo siyang maghintay, sumunod sa rules, at kontrolin ang kanyang emotions.

Ano ang puwedeng gawin ng mga magulang sa bahay?

✅ Maglaro ng puzzles at matching games para mahasa ang problem solving, visual perception, at attention.

✅ Gumamit ng blocks o LEGO upang ma-develop ang creativity, planning, at spatial thinking.

✅ Magbasa ng picture books at magtanong tungkol sa kuwento upang mapalawak ang vocabulary, comprehension, at critical thinking.

✅ Mag-pretend play tulad ng bahay-bahayan, tindahan, doktor-doktoran, o luto-lutuan upang mapaunlad ang imagination, communication, social skills, at problem solving.

✅ Maglaro ng memory games, turn-taking games, at simpleng board games upang mahasa ang memory, concentration, impulse control, at pagsunod sa rules.

✅ Isaama ang bata sa mga simpleng activities sa bahay tulad ng pagluluto, pag-aayos ng mesa, o pagligpit ng laruan. Kahit simpleng gawain lang ito, malaki ang naitutulong nito sa kanyang cognitive at adaptive development.

Bilang mga magulang, hindi ninyo kailangang bumili ng mamahaling laruan para matuto ang inyong anak. Kayo mismo ang pinakamahalagang “learning partner” niya. Ang 20 hanggang 30 minuto ng quality play araw-araw, na walang gadgets at puno ng interaction, ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kanyang cognitive, language, social, at emotional development. Minsan, ang pinakamagandang therapy ay nagsisimula sa simpleng paglalaro kasama ang pamilya.

And remember, always practice kindness 💙💙💙

❤️❤️❤️
09/07/2026

❤️❤️❤️

Isa ito sa mga madalas na tanong ng mga magulang sa consultation ko: “Ano po ba ang puwede naming gawin kapag nagkakaroon ng sensory overload ang anak namin?”

Ang sensory overload ay nangyayari kapag nahihirapan ang isang bata na iproseso ang sobrang daming sensory input gaya ng malakas na ingay, matinding ilaw, maraming tao, o iba pang stimuli sa paligid. Dahil dito, maaaring umiyak, magtakip ng tainga, sumigaw, tumakbo, o magkaroon ng meltdown ang bata.

Narito ang mga general recommendation ko sa mga magulang:

✅ Sikaping manatiling kalmado. Mas makakatulong ang kalmado ninyong boses at kilos kaysa sa pagsigaw o pagalit.
✅ Kung maaari, ilayo muna ang bata sa source ng sensory overload at dalhin siya sa mas tahimik at mas komportableng lugar.
✅ Huwag pilitin ang bata na magsalita o magpaliwanag habang overwhelmed pa siya. Bigyan mo muna siya ng oras at space na hanggang siya ay kumalma.
✅ Kung may mga bagay na nakakapag-regulate sa kanya tulad ng paboritong laruan, headphones, o iba pang sensory tools na inirerekomenda ng therapist, maaari itong gamitin.
✅ Kapag kalmado na ang bata, saka ninyo alamin kung ano ang posibleng naging trigger upang mas maiwasan ito sa susunod.

Bilang isang Developmental and Speech Language Specialist, gusto kong ipaalala na ang sensory overload ay hindi pagiging aggressive o pasaway. Ito ay senyales na nahihirapan ang bata na iproseso ang kanyang kapaligiran. Bilang mga magulang, mas makakatulong kung uunahin natin ang pag-unawa kaysa ang ating emotion na magalit. Sa tamang suporta at intervention, unti-unting matututo ang bata na mas ma-manage ang kanyang sensory challenges.

And remember, always practice kindness! ❤️❤️❤️

❤️❤️❤️
07/07/2026

❤️❤️❤️

Bilang isang Developmental and Speech Language Specialist, nais kong linawin ang isang karaniwang maling paniniwala at madalas na tanong sa akin ng mga magulang. Ano ang ang level sa autism?

Marami ang nagsasabing “Level 1 autism,” “Level 2 autism,” o “Level 3 autism.” Sa katunayan, ang tinutukoy ng mga level na ito ay Level of Support at hindi ang “level” o “severity” ng autism.

May tatlong Levels of Support:

Level 1 – Requiring Support
Level 2 – Requiring Substantial Support
Level 3 – Requiring Very Substantial Support

Ang mga Levels of Support ay batay sa kung gaano kalaking suporta ang kailangan ng isang bata or individual sa communication, social interaction, behavior, at mga pang-araw-araw na gawain. Hindi ito sukatan ng talino, kakayahan, o magiging kinabukasan ng isang bata.

Mahalagang tandaan na ang Level of Support ay maaaring magbago habang umuunlad ang development ng bata at unti-unting naabot ang kanyang kakayahan sa pamamagitan ng tamang intervention, edukasyon, at suporta.

Mas mahalagang unawain ang pangangailangan ng bata kaysa mag-focus sa kanyang Level of Support. ❤️❤️❤️

Address

624 Manila East Road, Morong
Rizal

Telephone

+639604822416

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SBHC Salonga Behavioral Health Center - Morong Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to SBHC Salonga Behavioral Health Center - Morong Rizal:

Shortcuts

Share