11/09/2026
๐ญ๐ต ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฝ ๐ฆ๐บ๐ฒ๐ฎ๐ฟ ๐ฆ๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ด๐. ๐ฃ๐ผ๐ฏ๐น๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ผ๐ป
Labing siyam (19) na kababaihan mula sa Barangay Poblacion, Tantangan, South Cotabato ang nakiisa sa isinagawang Libreng Pap Smear Screening Activity ng Rural Health Unit (RHU) ng Tantangan noong Setyembre 11, 2026.
Sa inisyatiba ni Municipal Health Officer Dr. Renato V. Ureta, pinangunahan nina Arline S. De Guzman, RM at Regine O. Frugalidad, RM, ang nasabing aktibidad. Nakiisa rin sina Franz Karyl M. Rufino, RN, Mercy B. Abalos, RM, kasama sina Kagawad on Health Maliga D. Alay bilang kinatawan ng Barangay Council, mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at Navigators na tumulong sa pagsasagawa ng screening.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang access ng mga kababaihan sa preventive health services at mahikayat silang sumailalim sa regular na cervical cancer screening para sa maagang pagtukoy ng mga abnormal na pagbabago sa cervix.
Ang Pap smear o Papanicolaou test ay isang simpleng screening procedure na kumukuha ng maliit na sample ng mga selula mula sa cervix o kuwelyo ng matris upang matukoy ang mga abnormal na pagbabago sa mga selula na maaaring mauwi sa cervical cancer. Mahalaga ang regular na screening upang matukoy nang maaga ang mga pagbabagong maaaring humantong sa sakit at mabigyan ng angkop na pangangalaga at follow-up ang mga kababaihan.
Patuloy na hinihikayat ng RHU Tantangan ang mga kababaihan na bigyang-prayoridad ang kanilang kalusugan, huwag ipagpaliban ang screening, at kumonsulta sa pinakamalapit na health facility upang malaman ang angkop na screening at preventive services para sa cervical cancer.