Paniqui Super Health Center

  • Home
  • Paniqui Super Health Center
Call Website Contact the business

Paniqui Super Health Center Medical, Dental, Maternal and Child Care, Sanitary and iDOTS Facility

12/10/2026
Healthy Paniquenios!Narito na ang Schedule ng FREE CHEST XRAY SCREENING ng TB Mass Screening na hatid sa inyo ng ating M...
18/09/2026

Healthy Paniquenios!
Narito na ang Schedule ng FREE CHEST XRAY SCREENING ng TB Mass Screening na hatid sa inyo ng ating Municipal Government of Paniqui sa pangunguna ng ating Mayor Kat Roxas at Vice Mayor Jake Roxas katuwang ang Paniqui Super Health Center at PBSP (Philippine Business for Social Progress) sa pagbibigay ng libreng serbisyong medikal para sa ating mga kababayan ngayong buwan ng SEPTEMBER 2026.

Ang Free Chest X-ray na ito ay para sa mga sumusunod na vulnerable population sa ating komunidad gaya ng sumusunod:
* Senior Citizen
* Clients with Commorbidities (lalo na ang may Diabetes)
* Smokers
* Daycare Workers
* Person's With Disabilities (PWD)
* Brgy Officials
* Civil Society Organization
* TODA Drivers
at mga PAMILYA ng ating mga TB Patients

Magkita-kita po tayo mga Healthy Paniquenios at samasama nating tuldukan ang TB sa ating Komunidad at maging

!



16/09/2026

: MEDICAL & DENTAL MISSION SCHEDULE — SEPTEMBER 2026 🩺🏥

Patuloy po ang hatid-serbisyo ng Municipal Government of Paniqui para sa kalusugan ng ating mga Paniqueño! 💜

Narito po ang schedule ng ating Medical & Dental Mission ngayong Setyembre:

📅 September 17, 2026 (Thursday)
📍 Barangay Dapdap

📅 September 24, 2026 (Thursday)
📍 Barangay Salomague

📅 September 29, 2026 (Tuesday)
📍 Barangay Cayanga

🩺 Mga serbisyong hatid:
• Medical Check-up
• Dental Check-up
• Laboratory Services / Blood Chemistry
• Libreng Gamot

📌 Paalala: Magdala po ng Xerox copy ng ID ng pasyente.

Serbisyong pangkalusugan na mas malapit, mas accessible, at para sa bawat Paniqueño. 💜

SERBISYONG HATID MULA SA:
Municipal Government of Paniqui
Paniqui General Hospital
Rural Health Unit Paniqui

PAANYAYA SA LAHATAng ating Municipal Government of Paniqui sa pangunguna ng ating butihing Mayor Kat Roxas at Vice Mayor...
16/09/2026

PAANYAYA SA LAHAT
Ang ating Municipal Government of Paniqui sa pangunguna ng ating butihing Mayor Kat Roxas at Vice Mayor Jake Roxas ay magsasagawa ng Blood Donation Program katuwang ang Philippine Red Cross - Tarlac Chapter on:

📅 September 17, 2026
🕗 8:00 AM to 3:00 PM
📍 Paniqui Super Health Center,
Sitio Basio Poblacion Norte Paniqui Tarlac

📅 September 24, 2026
🕗 8:00 AM to 3:00 PM
📍 St. Paul Colleges Foundation Paniqui Tarlac Inc.

Ito ay bukas sa LAHAT ng ating mga kababayan na sakop ng ating Paniqui Super Health Center na mga qualified blood donors.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong lalong makatulong sa mga kababayang nangangailangan ng dugo na makakapagdugtong sa kanilang buhay.



September 16, 2026PhilHealth Yakap Caravan 2026 sa Paniqui Kasalukuyang isinasagawa ang PhilHealth Yakap Caravan sa atin...
16/09/2026

September 16, 2026
PhilHealth Yakap Caravan 2026 sa Paniqui

Kasalukuyang isinasagawa ang PhilHealth Yakap Caravan sa ating bayan upang makapag bigay ng mga impormasyon ukol sa programang ito at makapaghatid din ng libreng serbisyong medikal bilang Yakap provider ang Paniqui Super Health Center.

Prioridad ngayong araw na mabigyang serbisyo ang ating mga Daycare Center Workers, kanilang pamilya, Job Order personnels ng Munisipyo at mga 1st time job seeker. Ngayong araw ay mabibigyan sila ng pagkakataong makapagrehistro ng kanilang record upang maging miyembro ng
PhilHealth at makapag avail at marehistro din sa PhilHealth YAKAP Program ng ating gobyerno.

Ito matagumpay na naisagawa sa bilang pagtugon ng ating Municipal Government of Paniqui na mapataas pa ang kalidad ng pagbibigay ng mga medical services sa ating bayan, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Kat Roxas at Vice Mayor Jake Roxas. Katuwang ang ating PhilHealth LHIO Tarlac sa pangunguna ni Ms. Irene Yalung at ng kanyang mga kasama, MSWDO Paniqui, Tarlac sa pangunguna ni Mr. Eugene Raxy Galanga at ang ating Paniqui Super Health Center personnels.



.

NATIONAL HEROES DAY 2026 | MGA FRONTLINER SA GITNA NG KALAMIDAD Sa paggunita natin ngayong National Heroes Day, ating bi...
31/08/2026

NATIONAL HEROES DAY 2026 | MGA FRONTLINER SA GITNA NG KALAMIDAD

Sa paggunita natin ngayong National Heroes Day, ating binibigyang-pugay ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at paglilingkod para sa kalayaan at kapakanan ng ating bayan.

Ngunit ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa mga dakilang sakripisyo ng nakaraan. Makikita rin ito sa bawat taong handang tumulong, magmalasakit, at kumilos para sa kapwa sa panahon ng pangangailangan.

Bilang pakikiisa sa diwa ng kabayanihan, ang Paniqui Super Health Center, Paniqui RHU 2 at DOH Paniqui Tarlac ay nagsagawa ng Disaster Response at pagbibigay ng mga gamot para sa ating mga kababayan sa Bayan ng Paniqui na naapektuhan ng bagyo at pagbaha. 🫂❤️

Kaisa tayo sa adhikain ng ating Municipal Government of Paniqui sa pangunguna ng ating Mayor Kat Roxas at Vice Mayor Jake Roxas na makapagbigay ng mga libre at abot kamay ng mga serbisyong pangkalusugan sa atin bayan sa ganitong mga panahon.

Ang tunay na kabayanihan ay nanatiling buhay sa bawat kamay na tumutulong, pusong nagmamalasakit, at taong nagsisilbi para sa kapwa.

Serbisyong Makatao, Serbisyong Para sa Paniqueño.


.


August 28, 2026Medical at Dental Mission sa Brgy. Estacion Mula sa mga programang medikal ng ating Municipal Government ...
28/08/2026

August 28, 2026
Medical at Dental Mission sa Brgy. Estacion

Mula sa mga programang medikal ng ating Municipal Government of Paniqui sa pangunguna ng ating Mayor Kat Roxas at Vice Mayor Jake Roxas ay naisagawa ang Medical and Dental Mission sa Brgy Estacion ngayong araw.

Nakapagbigay ng libreng check-up, mga gamot, bunot ng ngipin at bigas para sa ating mga kababayan sa pagtutulungan ng mga staff ng Paniqui Super Health Center, Paniqui General Hospital, Municipal Government of Paniqui at Local Government of Barangay Estacion. Nakapagserbisyo tayo ngayong araw ng 390+ medical services at 31 dental services para sa mga taga Barangay Estacion at sa ilang kalapit barangay nito.

Ang mga ganitong aktibidad ang isa sa mga adhikain at prioridad ng ating Municipal Government of Paniqui para sa ating mga kababayan, lalo na ganitong panahon.

20/08/2026

Address

Sitio Basio, Poblacion Norte, Paniqui

2307

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 20:00
Friday 08:00 - 20:00

Telephone

+639494741959

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Paniqui Super Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Paniqui Super Health Center:

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed health & beauty business?

Share