21/08/2026
โLord, Ayaw Ko Naโฆโ
May mga araw talagang mapapagod ka.
Pagod ka na sa problema.
Pagod ka na sa utang.
Pagod ka na sa paulit-ulit na pagsubok.
Pagod ka nang maging strong para sa lahat.
At ang tanging nasasabi mo na lang:
โLord, ayaw ko naโฆโ
Pero alam mo?
Pwede mong sabihin โyan kay Lord.
Hindi mo kailangang magpanggap na okay ka.
Sabihin mo sa Kanya ang totoo.
โLord, pagod na ako.โ
โLord, hindi ko na alam ang gagawin ko.โ
โLord, tulungan Mo ako.โ
Kahit ang mga taong malalakas ang faith ay nakakaranas din ng panghihina.
Si Elias, matapos ang matinding ministry, ay umabot din sa puntong sobrang pagod at gusto nang mamatay (1 Hari 19:4).
At ano ang ginawa ng Diyos?
Hindi Niya siya pinagalitan.
Pinahinga Niya.
Pinakain Niya.
At saka Niya muling kinausap.
Kaya kung pagod ka na ngayonโฆ
Magpahinga ka muna.
Huminga ka.
Umiyak ka kung kailangan.
Lumapit ka kay Lord.
Hindi mo kailangang ayusin ang buong buhay mo ngayong araw.
Isang araw muna. Isang hakbang muna.
Sabi sa Mateo 11:28:
โLumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan, at kayoโy bibigyan ko ng kapahingahan.โ
Kaya kapag sinabi mong:
โLord, ayaw ko naโฆโ
Sana ang kasunod ay:
โโฆpero Ikaw pa rin ang kakapitan ko.โ
Hindi mo kailangang maging malakas palagi. Minsan, ang tunay na faith ay ang pag-amin na mahina ka at paglapit sa Diyos na nagbibigay ng lakas. โค๏ธโ๐ฅ