Tuy Municipal Nutrition Council

Tuy Municipal Nutrition Council "Sustansyang Sapat, Para sa Lahat!"

Let's Connect! Join us in our mission to make Tuy a model of health and vitality.

Follow us for tips, event updates, and local nutrition success stories!

BREASTFEEDING AWARENESS MONTH CELEBRATION “BREASTFEEDING FOR A SUSTAINABLE START IN LIFE: STRENGTHENING WHAT WORKS”Matag...
02/09/2026

BREASTFEEDING AWARENESS MONTH CELEBRATION

“BREASTFEEDING FOR A SUSTAINABLE START IN LIFE: STRENGTHENING WHAT WORKS”

Matagumpay na isinagawa ng Rural Health Unit (RHU) ng Tuy, Batangas ang pagdiriwang ng Breastfeeding Awareness Month, na dinaluhan ng ating mga breastfeeding mothers, Barangay Nutrition Scholars (BNS), health workers, at iba pang katuwang sa pagsusulong ng kalusugan at nutrisyon sa ating komunidad.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, higit nating binigyang-diin ang kahalagahan ng Exclusive Breastfeeding at Maternal Nutrition sa pagbibigay ng pinakamagandang simula sa buhay ng bawat sanggol.

Kabilang sa mga naging bahagi ng programa ang:

🍼 Lecture tungkol sa kahalagahan ng Exclusive Breastfeeding at Maternal Nutrition
🤱 Demonstration ng Proper Breastfeeding Positioning and Latching
💬 Open Forum para sa mga katanungan at pagbabahagi ng karanasan
🏆 Pagkilala sa ating mga Breastfeeding Mothers at Barangay Nutrition Scholars
📚 Pamamahagi ng Information, Education, and Communication (IEC) Materials

🤱💙 Pagbuo ng Breastmilk Donor Support Group

Isa sa mga mahalagang naging bunga ng aktibidad ay ang pagbuo ng isang grupo ng mga ina na boluntaryong handang tumulong sa pamamagitan ng pagdo-donate ng breastmilk para sa mga sanggol na nangangailangan nito, alinsunod sa wastong proseso, screening, at mga pamantayan ng kaligtasan na itinatakda ng mga awtoridad sa kalusugan.

Layunin ng inisyatibang ito na makabuo ng isang mas matatag na support system para sa mga ina at sanggol sa ating komunidad, lalo na sa mga pagkakataong may sanggol na nangangailangan ng breastmilk.

Ang matagumpay na breastfeeding journey ay hindi lamang responsibilidad ng isang ina. Kinakailangan nito ang suporta ng pamilya, komunidad, health workers, at buong lipunan.

Patuloy nating hikayatin, suportahan, at bigyang-kapangyarihan ang ating mga ina upang maibigay nila ang pinakamahusay na nutrisyon para sa kanilang mga anak.

🤱💗 Ngayong 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗕𝗿𝗲𝗮𝘀𝘁𝗳𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵, ang ating tema ay "𝗕𝗿𝗲𝗮𝘀𝘁𝗳𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗿 𝗮 𝗦𝘂𝘀𝘁𝗮𝗶𝗻𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗦𝘁𝗮𝗿𝘁 𝗶𝗻 𝗟𝗶𝗳𝗲: 𝗦𝘁𝗿...
04/08/2026

🤱💗 Ngayong 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗕𝗿𝗲𝗮𝘀𝘁𝗳𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵, ang ating tema ay "𝗕𝗿𝗲𝗮𝘀𝘁𝗳𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗿 𝗮 𝗦𝘂𝘀𝘁𝗮𝗶𝗻𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗦𝘁𝗮𝗿𝘁 𝗶𝗻 𝗟𝗶𝗳𝗲: 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗻𝗴𝘁𝗵𝗲𝗻 𝗪𝗵𝗮𝘁 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀."

Ang temang ito ay nagpapaalala sa atin na ipagpatuloy at palakasin ang mga napatunayang epektibong hakbang sa pagsusulong, pagprotekta, at pagsuporta sa breastfeeding, upang mabigyan ang bawat sanggol ng isang sustainable at healthy start in life.

Ang breast milk ang pinakamahusay na unang pagkain ng sanggol. Ito ay nagbibigay ng kumpletong sustansya na kailangan sa unang anim na buwan ng buhay, tumutulong sa pagpapalakas ng resistensya, at sumusuporta sa tamang paglaki at pag-unlad. Bukod dito, may pangmatagalang benepisyo rin ito para sa kalusugan ni mommy at ng kanyang anak. 🌱

Sa NFP, kaisa tayo sa pagsusulong ng tamang impormasyon, suporta, at breastfeeding-friendly na kapaligiran para sa bawat ina at sanggol.

💬 Ikaw, ano ang pinakamahalagang natutunan mo tungkol sa breastfeeding? I-share sa comments at tulungan nating palaganapin ang tamang kaalaman!

04/08/2026

𝙿𝚛𝚘𝚝𝚎𝚔𝚝𝚊𝚑𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚊𝚗𝚊𝚔 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝙻𝚒𝚐𝚝𝚊𝚜 𝚃𝚒𝚐𝚍𝚊𝚜 𝚗𝚊 𝙱𝚊𝚢𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚃𝚞𝚢! 💙💚

From reducing carbon footprints and adopting sustainable production practices, the private sector can help shape healthi...
20/07/2026

From reducing carbon footprints and adopting sustainable production practices, the private sector can help shape healthier food systems for all. We encourage industry and private sector stakeholders to work with government, non-government organizations, and communities toward building sustainable food systems and protecting the environment. Together, let us achieve through sustainable action! 🌱🌳🌏

Alam mo bang long-term ang epekto sa First 1,000 days? Kapag mahina ang pag-aalaga sa unang dalawang taon ng buhay ng ba...
20/07/2026

Alam mo bang long-term ang epekto sa First 1,000 days? Kapag mahina ang pag-aalaga sa unang dalawang taon ng buhay ng bata - may epekto ito sa kinabukasan niya. 😢

Ngayong Nutrition Month, ipagpatuloy natin ang pag-aalaga sa health and nutrition ng ating mga bata. Una na dito ang pagtawag ng atensyon sa delay ng implementing rules ng RA 12199, mula sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Council.

Read more: https://edcom2.gov.ph/one-year-delay-of-ra-12199-irr-stalls-early-childhood-reforms-edcom-2/

Alam mo bang long-term ang epekto sa First 1,000 days? Kapag mahina ang pag-aalaga sa unang dalawang taon ng buhay ng bata - may epekto ito sa kinabukasan niya. 😢

Ngayong Nutrition Month, ipagpatuloy natin ang pag-aalaga sa health and nutrition ng ating mga bata. Una na dito ang pagtawag ng atensyon sa delay ng implementing rules ng RA 12199, mula sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Council.

Read more: https://edcom2.gov.ph/one-year-delay-of-ra-12199-irr-stalls-early-childhood-reforms-edcom-2/

🌿🚶‍♂️ 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐚𝐧! 🌱💚Bilang ikalawang bahagi ng paggunita ng  𝐢𝐤𝐚-𝟓𝟐 𝐧𝐚 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧...
20/07/2026

🌿🚶‍♂️ 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐚𝐧! 🌱💚

Bilang ikalawang bahagi ng paggunita ng 𝐢𝐤𝐚-𝟓𝟐 𝐧𝐚 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 na may temang "𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐚𝐧," matagumpay na nagsagawa ang 𝐋𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐲, sa pangunguna ng 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥, katuwang ang iba't ibang sektor ng ating bayan, ng isang 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢-𝐖𝐚𝐥𝐤 𝐚𝐭 𝐓𝐫𝐞𝐞 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 noong ika 17 ng Hulyo, 2026.

Nagsimula ang 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢-𝐖𝐚𝐥𝐤
sa 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐲
at nagtapos sa 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐲𝐰𝐚𝐧𝐚𝐤, kung saan itatayo ang 𝐓𝐮𝐲 𝐓𝐨𝐰𝐧 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫. Bilang simbolo ng ating sama-samang pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng mabuting nutrisyon, nagtanim ang mga kalahok ng iba't ibang punong namumunga tulad ng 𝐜𝐡𝐢𝐜𝐨, 𝐤𝐚𝐩𝐞, 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐬𝐢.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng gawaing ito ay patunay na sa pamamagitan ng 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚, 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐮𝐭𝐮𝐥𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐬𝐞𝐤𝐭𝐨𝐫, mas mapapalakas natin ang adbokasiya para sa mas malusog na mamamayan at mas luntiang kinabukasan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng suporta sa programang ito. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalikasan para sa mas masustansya at mas maunlad na pamayanan! 🌳🍃

For the NNC, this year’s subtheme serves as a reminder that protecting the environment is also a way of protecting the c...
14/07/2026

For the NNC, this year’s subtheme serves as a reminder that protecting the environment is also a way of protecting the country’s food supply — and ultimately, the health of every Filipino.

NUTRITION, ENVIRONMENT

Read story here: l.cdn.ph/NutritionMonthSubtheme

A healthy environment is just as important as healthy eating in the fight against malnutrition.

Nitong nakaraang Lunes, Ika-13 ng Hulyo 2026, matagumpay nating isinagawa ang 𝑺𝒂𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒑𝒖𝒑𝒖𝒓𝒈𝒂 dito sa Bayan ng Tuy, ...
14/07/2026

Nitong nakaraang Lunes, Ika-13 ng Hulyo 2026, matagumpay nating isinagawa ang 𝑺𝒂𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒑𝒖𝒑𝒖𝒓𝒈𝒂 dito sa Bayan ng Tuy, Batangas! Ang inisyatibong ito ay bahagi ng ating pagdiriwang ng 𝐢𝐤𝐚-𝟓𝟐 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 na may temang: "𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏, 𝑨𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒂𝒏."

Bilang bahagi ng ating masayang pagdiriwang ng Nutrition Month, layunin ng aktibidad na ito na maging masigla at malusog ang ating mga kabataan. Hindi lang tayo nag-diwang, bagkus, binigyang-diin din natin ang 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐫𝐠𝐚 para sa ating mga anak.

Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng Tuy Municipal Nutrition Council, katuwang ang ating masisipag na Child Development Workers, Barangay Nutrition Scholars, Day Care students at kanilang mga mapagmahal na guardians.

Maraming salamat sa pakikiisa at pagsuporta, lalo na sa ating kagalang-galang na 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐉𝐞𝐜𝐞𝐫𝐞𝐥𝐥 𝐂. 𝐂𝐞𝐫𝐫𝐚𝐝𝐨, at sa iba pang opisyales ng konseho na nakiisa sa ating layunin.

Samahan niyo po kaming magpatuloy sa pagtataguyod ng maayos na nutrisyon at kalusugan para sa ating komunidad!

📢 BAYAN NG TUY KASADO NA PARA SA NUTRITION MONTH 2026!Bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Nutrition Month, ang Mu...
08/07/2026

📢 BAYAN NG TUY KASADO NA PARA SA NUTRITION MONTH 2026!

Bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Nutrition Month, ang Municipal Nutrition Council (MNC) ng Bayan ng Tuy, sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Tuy at sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Nutrition Council, mga pambansa at lokal na ahensya, mga paaralan, at iba pang katuwang, ay magsasagawa ng iba't ibang programa at aktibidad na naglalayong isulong ang wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay sa ating komunidad.

Ngayong taon, tampok ang temang:

"Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat! Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan."

Sama-sama nating isulong ang isang malusog, masigla, at matatag na Bayan ng Tuy!

Address

Tuy Rural Health Unit
Tuy
4214

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tuy Municipal Nutrition Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share