Ate Cham Vlog

Call

Ate Cham Vlog Even to your old age & gray hairs,
i will sustain u, i will carry u and i will rescue u. Isaiah 46:4

10/18/2026
ANG KANYANG PAGLAGOOKTUBRE 11, 2026 “Ang kaharian ng langit ay tulad sa pampaalsa na kinuha ng isang babae, at inihalo s...
10/11/2026

ANG KANYANG PAGLAGO
OKTUBRE 11, 2026

“Ang kaharian ng langit ay tulad sa pampaalsa na kinuha ng isang babae, at inihalo sa tatlong takal na harina, hanggang sa ang lahat ay malagyan ng pampaalsa.”
—Mateo 13:33

Kamakailan lang, kinailangan kong gumawa ng ilang lubusang pagbabago sa aking hardin. Apat na taon na ang lumipas nang kami ay lumipat sa bahay na ito, ilang mga halaman ang aming napili kasama na ang mga rosas para sa bakuran. Makalipas ang apat na taon, dalawa sa mga halamang iyon ay lumago nang husto hanggang sa nasakop nito ang isang bahagi ng hardin. Kinailangan kong umupa ng isang may propesyonal sa paghahalaman para alisin ang dalawang halaman kasama ang kanilang magulong ugat, na halos napaka-imposibleng tanggalin. Ito ang uri ng larawan na ginamit ni Hesus upang ipaliwanag ang nakamamanghang paglago ng kaharian ng langit sa lupa.

Sa Mateo 13, sinabi ni Hesus ang kaibahan ng dalawang talinghaga na kung saan ay hindi nalalaman ang pinagmulan ng kaharian ng langit at ang nakamamanghang paglago nito na hindi maikakaila ng sinuman. Sa simula’y hindi maipahiwatig ang parehong paglalarawan nito. Ang unang talinghaga ay tungkol sa buto ng mustasa: “Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang butil ng binhi ng mustasa na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kanyang bukid” (Mateo 13:31). Ang buto ng mustasa ay itinuturing na pinakamaliit na buto noong panahon na iyon, at ito ay pinatutunayan din ng mga karagdagang sanggunian na labas sa Bibliya. Ginamit ito bilang simbolo ng isang bagay na napakaliit sa simula ngunit lumalaki at nakakaapekto nang malaki sa paligid nito.

Ang ikalawang talinghaga ay tungkol sa isang babae na gumamit ng pampaalsa: “Ang kaharian ng langit ay tulad sa pampaalsa na kinuha ng isang babae, at inihalo sa tatlong takal na harina, hanggang sa ang lahat ay malagyan ng pampaalsa” (Mateo 13:33). Ang pampaalsa ay hindi halata, ngunit tinitiyak ni Hesus na ang impluwensya nito ay hindi maikakaila. Ganoon din ang totoo sa kilusan ni Hesus at sa mapagkumbaba nitong simula — sa kalaunan ay naging malawak at malakas ang impluwensya nito sa buong mundo, kahit na hindi agad nakikita ang epekto sa simula. Lahat tayo ay may pamilya at mga kaibigan na nais nating makilala ang Panginoon. Ang dalawang talinghagang ito ay nagpapaalala sa atin na huwag maliitin ang anumang pagtatangka nating ibahagi ang pagmamahal ng Diyos — kahit sa pinakamaliit na paraan. Ang Diyos ang gumagawa sa likod ng ating mga pagsisikap, at ang Kanyang gawa ay palaging lumalago nang higit pa sa ating inaakala. Bigyan natin ng oras ang Salita ng Diyos na gumawa ng pagbabago sa ating buhay at sa buhay ng mga taong nakapaligid sa atin.

10/11/2026
10/05/2026
10/04/2026

Ang sweet nmn ni ate Cham ❤️

Address

San Pablo City
San Fransisco, CA

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+14157282564

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ate Cham Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share