07/09/2026
"Icheck Mo Ang Neck Mo!"
Ang maagang pagpapasuri ay mahalaga para sa ating kalusugan!
Sa paggunita ng Thyroid Cancer Awareness, inaanyayahan kayo ng Cagayan Valley Medical Center, Department of Otorhinolaryngology - Head and Neck Surgery na dumalo sa aming talakayan at konsultasyon ukol sa kalusugan ng thyroid.
Sino-sino ang inirerekomendang magpacheck-up?
Mga may kilalang karamdaman sa thyroid (tulad ng goiter o hyper/hypothyroidism)
-Pamamaos o pagbabago sa boses na ayaw mawala
- Hirap sa paglunok
- Masakit na leeg o lalamunan
- Patuloy na pag-ubo na hindi dahil sa sipon o trangkaso
- Mga may bukol o pamamaga sa leeg
Mga Detalye ng Kaganapan:
📍 Lugar: Anquiray, Amulung, Cagayan
📅 Petsa: Setyembre 11, 2026
⏰ Oras: 8:00 AM – 12:00 NN
Magpa-check up at magdala ng kapamilya o kakilala upang masigurong ligtas at malusog ang ating leeg at thyroid. Kitakits tayo, mga Kakailian! 🩺✨