RHU Angadanan Clinical Laboratory

Call Directions Contact the business

RHU Angadanan Clinical Laboratory Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RHU Angadanan Clinical Laboratory, Medical and health, CENTRO/3, Angadanan.

🩸 𝑩𝑳𝑶𝑶𝑫 𝑳𝑬𝑻𝑻𝑰𝑵𝑮 𝑨𝑪𝑻𝑰𝑽𝑰𝑻𝒀  🩸Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa isang makabuluhang gawain ng pagbibigay ng dugo at pa...
20/08/2026

🩸 𝑩𝑳𝑶𝑶𝑫 𝑳𝑬𝑻𝑻𝑰𝑵𝑮 𝑨𝑪𝑻𝑰𝑽𝑰𝑻𝒀 🩸

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa isang makabuluhang gawain ng pagbibigay ng dugo at pagbibigay-buhay sa kapwa. ❤️

📅 𝑨𝒖𝒈𝒖𝒔𝒕 24, 2026 (𝑳𝒖𝒏𝒆𝒔)
📍 𝑳𝑵𝑩 𝑯𝒂𝒍𝒍, 𝑳𝑮𝑼 𝑨𝒏𝒈𝒂𝒅𝒂𝒏𝒂𝒏
⏰ 8:00 AM – 12:00 NN

Isang patak ng dugo, isang buhay na maaaring mailigtas. 🩸❤️

Tara na at maging bayani sa simpleng paraan—mag-donate ng dugo!

Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa ❤️

(𝘈𝘯𝘨 𝘣𝘭𝘰𝘰𝘥𝘭𝘦𝘵𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢 𝘴𝘱𝘰𝘯𝘴𝘰𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘓𝘕𝘉 𝘗𝘳𝘦𝘴. 𝘞𝘦𝘯𝘥𝘦𝘭𝘭 𝒥. 𝒫𝒶𝓃𝑔𝒶𝓃𝒾𝒷𝒶𝓃 .)

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa TB Caravan na gaganapin sa Brgy. Victory, Angadanan, Isabela sa Agosto 17, 2026.Ang...
13/08/2026

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa TB Caravan na gaganapin sa Brgy. Victory, Angadanan, Isabela sa Agosto 17, 2026.

Ang TB Caravan ay isang mahalagang programa na naglalayong isulong ang maagap na pagtuklas, pagsusuri, at paggamot sa Tuberculosis (TB).

Huwag balewalain ang ubo at iba pang sintomas. Ang tamang impormasyon at maagap na pagpapatingin ay malaking hakbang tungo sa pag-iwas sa pagkalat ng TB.

🤝 Makiisa. Magpasuri. Magpagamot. Sama-sama nating wakasan ang TB!

🩸❤️ 2026 𝑩𝑳𝑶𝑶𝑫 𝑫𝑶𝑵𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 𝑼𝑷𝑫𝑨𝑻𝑬 ❤️🩸Ipinagmamalaki at buong pusong nagpapasalamat kami sa lahat ng matagumpay na blood don...
09/08/2026

🩸❤️ 2026 𝑩𝑳𝑶𝑶𝑫 𝑫𝑶𝑵𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 𝑼𝑷𝑫𝑨𝑻𝑬 ❤️🩸

Ipinagmamalaki at buong pusong nagpapasalamat kami sa lahat ng matagumpay na blood donors ngayong 2026! 🙌❤️ Ang inyong kabutihang-loob at malasakit ay malaking tulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo.

As of 𝑨𝒖𝒈𝒖𝒔𝒕 7, 2026, nakapagtala na po tayo ng kabuuang 𝟔𝟓𝟎 successful blood donors sa ating bayan! 🎉🩸

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating butihing 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐉𝐨𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐌𝐚𝐭𝐡𝐞𝐚 𝐒. 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐢𝐛𝐚𝐧 sa patuloy na suporta sa ating Blood Donation Program. Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating masipag na Municipal Health Officer, 𝐃𝐫. 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐏. 𝐏𝐞𝐧𝐞𝐭𝐫𝐚𝐧𝐭𝐞, sa kanyang walang sawang suporta at paggabay sa programa.

Maraming salamat din po sa bawat 𝐛𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐝𝐨𝐧𝐨𝐫, 𝐯𝐨𝐥𝐮𝐧𝐭𝐞𝐞𝐫, 𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲, 𝐚𝐭 𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐰𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫 na patuloy na nakikiisa at nagbibigay ng oras, dugo, at malasakit upang makatulong sa mga nangangailangan. ❤️

650 𝒅𝒐𝒏𝒐𝒓𝒔, 650 𝒂𝒄𝒕𝒔 𝒐𝒇 𝒌𝒊𝒏𝒅𝒏𝒆𝒔𝒔, 𝒂𝒕 650 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒊𝒃𝒊𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒏𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏. 🩸✨

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbibigay ng dugo at buhay. Dahil bawat patak, mahalaga. ❤️

📢 𝙿𝙰𝚁𝙰 𝙿𝙾 𝚂𝙰 𝙺𝙰𝙰𝙻𝙰𝙼𝙰𝙽 𝙽𝙶 𝙻𝙰𝙷𝙰𝚃 📢Narito ang step-by-step na proseso para sa maayos at tamang pag-withdraw ng dugo sa 𝑹𝑯𝑼 ...
09/08/2026

📢 𝙿𝙰𝚁𝙰 𝙿𝙾 𝚂𝙰 𝙺𝙰𝙰𝙻𝙰𝙼𝙰𝙽 𝙽𝙶 𝙻𝙰𝙷𝙰𝚃 📢

Narito ang step-by-step na proseso para sa maayos at tamang pag-withdraw ng dugo sa 𝑹𝑯𝑼 𝑨𝑵𝑮𝑨𝑫𝑨𝑵𝑨𝑵 𝑪𝑳𝑰𝑵𝑰𝑪𝑨𝑳 𝑳𝑨𝑩𝑶𝑹𝑨𝑻𝑶𝑹𝒀. 🏥❤️

📌 𝚂𝚞𝚗𝚍𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚜𝚞𝚖𝚞𝚜𝚞𝚗𝚘𝚍:

1️⃣ Humingi ng withdrawal letter mula sa inyong Kapitan.
2️⃣ Dalhin ito sa 𝑹𝑯𝑼 𝑨𝑵𝑮𝑨𝑫𝑨𝑵𝑨𝑵 𝑪𝑳𝑰𝑵𝑰𝑪𝑨𝑳 𝑳𝑨𝑩𝑶𝑹𝑨𝑻𝑶𝑹𝒀 kasama ang BLOOD REQUEST FORM galing sa hospital kung saan naka-admit ang pasyente.
3️⃣ Kunin sa 𝑹𝑯𝑼 𝑨𝑵𝑮𝑨𝑫𝑨𝑵𝑨𝑵 𝑪𝑳𝑰𝑵𝑰𝑪𝑨𝑳 𝑳𝑨𝑩𝑶𝑹𝑨𝑻𝑶𝑹𝒀 ang withdrawal form
4️⃣ Kunin ang dugo sa SIMC Blood Bank.
5️⃣ Ibalik ang Stock Inventory Card kay Kapitan pagkatapos ng proseso.

🩸 𝙋𝘼𝘼𝙉𝙔𝘼𝙔𝘼 𝙎𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙇𝙀𝙏𝙏𝙄𝙉𝙂 𝘼𝘾𝙏𝙄𝙑𝙄𝙏𝙔🩸 Ang Rural Health Unit Angadanan, sa pakikipagtulungan ng Southern Isabela Medical ...
06/08/2026

🩸 𝙋𝘼𝘼𝙉𝙔𝘼𝙔𝘼 𝙎𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙇𝙀𝙏𝙏𝙄𝙉𝙂 𝘼𝘾𝙏𝙄𝙑𝙄𝙏𝙔🩸

Ang Rural Health Unit Angadanan, sa pakikipagtulungan ng Southern Isabela Medical Center, ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng kwalipikado at malulusog na indibidwal na makiisa sa ating Blood Letting Activity.

📅Petsa: 𝘼𝙜𝙤𝙨𝙩𝙤 7, 2026 (𝘽𝙞𝙮𝙚𝙧𝙣𝙚𝙨)
📍 Lugar: 𝙇𝙤𝙧𝙞𝙖 𝘾𝙤𝙢𝙢𝙪𝙣𝙞𝙩𝙮 𝘾𝙚𝙣𝙩𝙚𝙧

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong blood donors na maging kabahagi ng gawaing ito para sa kalusugan at kapakanan ng ating komunidad.

𝙈𝙜𝙖 𝙋𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝘽𝙡𝙤𝙤𝙙 𝘿𝙤𝙣𝙤𝙧𝙨:

• Magdala ng isang (1) valid ID.
• Kumain ng sapat na pagkain bago mag-donate.
• Uminom ng maraming tubig bago ang aktibidad.
• Magkaroon ng sapat na pahinga sa gabi bago ang blood donation.
• Tiyaking ikaw ay nasa mabuting kalagayan ng kalusugan sa araw ng pagdo-donate.
• Bawal manigarilyo at uminom ng alak bago ang aktibidad.

Sama-sama nating palakasin ang ating suplay ng ligtas na dugo at ipagpatuloy ang adhikain ng boluntaryong blood donation para sa isang mas malusog na komunidad.

"𝓜𝓪𝓰𝓫𝓲𝓰𝓪𝔂 𝓷𝓰 𝓓𝓾𝓰𝓸. 𝓜𝓪𝓰𝓵𝓲𝓰𝓽𝓪𝓼 𝓷𝓰 𝓑𝓾𝓱𝓪𝔂."

🩸 Blood Letting Activity | July 17, 2026📍 La Suerte, Angadanan, IsabelaIsang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng 90 succ...
20/07/2026

🩸 Blood Letting Activity | July 17, 2026
📍 La Suerte, Angadanan, Isabela

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng 90 successful blood donors na naglaan ng oras at nagbahagi ng bahagi ng kanilang sarili upang makapagbigay ng pag-asa at makapagligtas ng buhay. Ang inyong kabutihang-loob ay tunay na inspirasyon sa ating komunidad.

Lubos din po kaming nagpapasalamat kay Hon. Mayor Joelle Mathea S. Panganiban sa kanyang buong suporta sa programang ito, gayundin kay Dr. Princess Faith P. Penetrante, Municipal Health Officer, sa kanyang pamumuno at dedikasyon sa patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkalusugan para sa ating bayan.

Maraming salamat din sa lahat ng mga katuwang, volunteers, at mga organisasyong tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Ang bawat patak ng dugo ay may kapalit na pag-asa. Maraming salamat sa pagiging tunay na lifesaver! ❤️🩸

🩸 Be a hero. Save a life. 🩸Join us for the Bloodletting Activity on July 17, 2026, at La Suerte, Angadanan, Isabela.Your...
16/07/2026

🩸 Be a hero. Save a life. 🩸

Join us for the Bloodletting Activity on July 17, 2026, at La Suerte, Angadanan, Isabela.

Your single donation can make a life-saving difference for someone in need. It only takes a few minutes of your time, but the impact can last a lifetime.

See you there! ❤️ Donate blood. Give hope. Save lives.

🫁 AGAPAN ANG UBO. TAPUSIN ANG TB.Ang Tuberculosis (TB) ay naiiwasan, nasusuri, at nagagamot. Ang bawat Pilipino ay may m...
07/07/2026

🫁 AGAPAN ANG UBO. TAPUSIN ANG TB.

Ang Tuberculosis (TB) ay naiiwasan, nasusuri, at nagagamot. Ang bawat Pilipino ay may mahalagang papel sa pagpigil sa pagkalat ng sakit na ito.

Kung may ubo na tumatagal ng dalawang linggo o higit pa, huwag ipagwalang-bahala. Magpatingin agad sa pinakamalapit na Rural Health Unit.

✔️ Libreng TB screening
✔️ Libreng konsultasyon
✔️ Libreng gamutan

Maagang pagpapasuri + Kumpletong gamutan = Protektadong pamilya at komunidad.

Sama-sama nating wakasan ang TB. Healthy Pilipinas, Healthy Komunidad.

📢 **PUBLIC ADVISORY**Due to the scheduled power interruption, the Blood Chemistry services scheduled for teachers at the...
02/07/2026

📢 **PUBLIC ADVISORY**

Due to the scheduled power interruption, the Blood Chemistry services scheduled for teachers at the Rural Health Unit Angadanan Clinical Laboratory is cancelled.

We sincerely apologize for any inconvenience this may cause.

🕡 Affected Schedule: Friday July 03,2026 6:30 AM – 5:00 PM

Please be advised that:

* Release of laboratory results may take longer than usual.
* Some laboratory procedures may be temporarily affected until power is restored.

Thank you for your cooperation and understanding.

----Rural Health Unit Angadanan Clinical Laboratory

‼️DOH: MAG-INGAT SA W.I.L.D. NGAYONG TAG-ULAN!‼️
06/06/2026

‼️DOH: MAG-INGAT SA W.I.L.D. NGAYONG TAG-ULAN!‼️

‼️DOH: MAG-INGAT SA W.I.L.D. NGAYONG TAG-ULAN!‼️

Detalye sa comment section.

Address

CENTRO/3
Angadanan
3307

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm
Friday 7am - 6pm
Saturday 7am - 6pm
Sunday 7am - 6pm

Telephone

+639532376041

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Angadanan Clinical Laboratory posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RHU Angadanan Clinical Laboratory:

Shortcuts

Share