01/07/2026
𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐊𝐈𝐃𝐍𝐄𝐘 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝑰𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒌𝒂𝒃𝒖𝒍𝒖𝒉𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒘𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑨𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑲𝒊𝒅𝒏𝒆𝒚 𝑾𝒂𝒓𝒓𝒊𝒐𝒓𝒔! 🩺🩸✨
Sa buwan ng Hunyo, nakiisa ang buong bansa sa pagdiriwang ng National Kidney Month. Nakiisa rin ang Premieree Dialysis Center sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad na may kaugnayan sa pagkain at nutrisyon upang mas mapalaganap ang tamang kamalayan sa pangangalaga ng mga bato. Dagdag pa rito, naghanda rin ng modified renal meals para sa mga dialysis patients upang mas mabigyang-diin ang kahalagahan ng paghahanda ng mga pagkaing ligtas at sapat para sa kanila. Isa rin sa mga layunin ng mga aktibidad na ito ay ang ibahagi sa kanila ang bagong timpla at sining ng pagluluto, upang aktwal nilang mapagtanto na maaari pa ring katakam-takam ang kanilang mga pagkain.
Ang esensya ng buwang ito ay ang pagpapaalala sa ating mga pasyente na hindi kayo nag-iisa sa laban na ito. Mahalagang tandaan na ang bawat renal diet ay magkakaiba at sadyang inilaan para sa bawat indibidwal, kaya't ang gabay sa nutrisyon ay ibinibigay base sa aktwal na laboratoryo at kondisyon ng bawat isa. Kaming inyong mga renal dietitians, kasama ang mga nephrologists, physicians, nurses, at technicians, ay laging nasa lingkod ninyo.
Sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo, nawa'y magpatuloy ang ating pangangalaga sa ating mga bato. Sa ating mga Kidney Warriors, bilib kami sa inyong lakas at rurok ng pag-asa. Patuloy tayong kakain nang tama, lalaban nang sabay-sabay, at aalagaan ang regalong buhay! 💪💖
𝘾𝙖𝙥𝙩𝙪𝙧𝙚𝙙 𝙗𝙮:
📸 𝙅𝙪𝙡𝙞𝙪𝙨 𝙇𝙪𝙘𝙚𝙨
📸 𝙁𝙝𝙖𝙞𝙩𝙝𝙚 𝙋𝙚𝙧𝙚𝙯
📸 𝙇𝙤𝙪𝙞𝙨𝙚 𝙁𝙧𝙖𝙣𝙘𝙞𝙨𝙘𝙤