27/05/2026
✨ 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐈 𝟐𝟎𝟐𝟔 ✨
Isang serbisyong naihandog para sa ating mga kabataan—ligtas at maayos!
Nagkaroon ng Free Circumcision Program noong May 24, 2026, 7:00 AM sa Barangay Sibul, Talavera, Nueva Ecija, sa pangunguna ng Accupro Medical Services katuwang ang mga dedikadong doktor at medical team. Naisagawa ang isang ligtas, mabilis, at maayos na proseso para sa mga batang nakiisa.
Lubos din po naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa pakikiisa at suporta ng ating lokal na lider 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐫𝐢𝐬 𝐋𝐢𝐦, sa kanyang patuloy na pagsusulong at pagsuporta sa mga programang pangkalusugan para sa komunidad.
Malugod ding pinasasalamatan ang Brgy. Sibul at Brgy. Collado sa kanilang pakikiisa at pagtulong upang maging matagumpay ang programang ito.
✅ Ligtas at malinis
✅ Alagang propesyonal
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at nagtiwala sa 𝐀𝐜𝐜𝐮𝐩𝐫𝐨 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬. Sa pamamagitan ng programang ito, sama-sama nating naitaguyod ang tamang pangangalaga sa kalusugan ng ating komunidad.