Cuyapo Municipal Health Office

Directions Contact the business

Cuyapo Municipal Health Office OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF
CUYAPO MHO

29/05/2026
28/05/2026

𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐅𝐋𝐀𝐆 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 🇵🇭

Sa bisa ng 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐨. 𝟑𝟕𝟒, 𝐬. 𝟏𝟗𝟔𝟓, sama-sama nating ginugunita ang 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐅𝐥𝐚𝐠 𝐃𝐚𝐲𝐬 mula ngayong ika-𝟐𝟖 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐲𝐨 hanggang ika-𝟏𝟐 𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔 bilang pagpupugay sa ating 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐭 ng Pilipinas sagisag ng kalayaan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.

Dinisenyo sa pamumuno ni 𝐇𝐞𝐧. 𝐄𝐦𝐢𝐥𝐢𝐨 𝐀𝐠𝐮𝐢𝐧𝐚𝐥𝐝𝐨 kasama ang iba pang mga pinuno, ang ating watawat na tinawag na “𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐚𝐭 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐢𝐭𝐮𝐢𝐧” ay sumasalamin sa pag-asa, kapayapaan, katotohanan, hustisya, kagitingan, at pagmamahal sa bayan.

Ang 𝐰𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 ay sumisimbolo sa unang walong lalawigan na nanguna sa pakikibaka laban sa pananakop ng Espanya kabilang ang ating lalawigan ng 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚. Bilang isa sa mga ito, ipinagmamalaki natin ang mahalagang ambag ng mga 𝐍𝐨𝐯𝐨 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚𝐧𝐨 sa kasaysayan at kalayaan ng ating bansa.

Ang 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐭𝐮𝐢𝐧 naman ay sumisimbolo sa 𝐋𝐮𝐳𝐨𝐧, 𝐕𝐢𝐬𝐚𝐲𝐚𝐬, at 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨 na nagpapaalala ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.

Sa bawat pagwagayway ng ating watawat, ating binibigyang-pugay ang sakripisyo ng ating mga bayani at ang kalayaang kanilang ipinaglaban. Nawa’y manatiling buhay sa puso ng bawat isa ang diwa ng pagkakaisa, dangal, at pagmamalaki sa ating bayan.

𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐭.
𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬. 🇵🇭

28/05/2026

Address

Corpuz Street , District 1, Nueva Ecija
Cuyapo
3117

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cuyapo Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Cuyapo Municipal Health Office:

Shortcuts

Share