Bañag Health Center

Directions

Bañag Health Center � OFFICIAL PAGE of BAÑAG HEALTH CENTER
�Delivering Primary Health Care Services

15/09/2026
𝐁𝐀Ñ𝐀𝐆 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐓𝐄𝐀𝐌𝐃𝐄𝐍𝐆𝐔𝐄 𝐏𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐑𝐎𝐋 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘🗓 Date: September 11–12, 2026📍 Areas Covered:Purok 4, Purok 1 & P...
13/09/2026

𝐁𝐀Ñ𝐀𝐆 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐓𝐄𝐀𝐌

𝐃𝐄𝐍𝐆𝐔𝐄 𝐏𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐑𝐎𝐋 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘

🗓 Date: September 11–12, 2026
📍 Areas Covered:Purok 4, Purok 1 & Purok 2
Barangay Bañag, Daraga, Albay

Noong September 11–12, 2026, isinagawa ng Bañag Health Team ang Dengue Prevention and Control Activity sa Purok 4, 1 at Purok 2 ng Barangay Bañag, Daraga, Albay.

Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa ang Health Team ng house-to-house campaign upang maabot at mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga residente tungkol sa dengue. Namahagi rin ng mga flyers at posters na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa dengue, mga paraan ng pag-iwas dito, at mga dapat gawin upang mapanatiling malinis at ligtas ang kapaligiran.

Sa isinagawang health education, ipinaliwanag sa mga residente ang kahalagahan ng maagang pagkilala sa mga sintomas ng dengue, pagpapanatili ng kalinisan sa paligid, at agarang pagpapatingin sa health center kapag may mga sintomas tulad ng mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit ng katawan at kasu-kasuan, pagsusuka, pantal, o iba pang senyales na maaaring kaugnay ng dengue.

Binigyang-diin din ng Health Team ang pagsasagawa ng 4Ts Strategy laban sa dengue:

𝐓𝐚𝐨𝐛– Itumba o baligtarin ang mga lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig.
𝐓𝐚𝐤𝐭𝐚𝐤– Itapon o alisin ang naipong tubig sa mga lalagyan at iba pang posibleng pamugaran ng lamok.
𝐓𝐚𝐤𝐩𝐚𝐧– Takpan nang maayos ang mga imbakan ng tubig.
𝐓𝐮𝐲𝐨– Panatilihing tuyo at malinis ang paligid at huwag hayaang magkaroon ng stagnant water.

Ipinaalala rin ang 5S Strategy for Dengue Prevention and Control na kinabibilangan ng:

1.𝐒𝐞𝐚𝐫𝐜𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐬𝐭𝐫𝐨𝐲 𝐦𝐨𝐬𝐪𝐮𝐢𝐭𝐨-𝐛𝐫𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐥𝐚𝐜𝐞𝐬 – Hanapin at sirain ang mga posibleng pamugaran ng lamok.
2.𝐒𝐞𝐥𝐟- 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐦𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐞𝐬 – Gumamit ng mosquito repellent, magsuot ng damit na may mahabang manggas at pantalon, at gumamit ng mosquito nets o screen kung kinakailangan.
3.𝐒𝐞𝐞𝐤 𝐞𝐚𝐫𝐥𝐲 𝐜𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧– Agarang kumonsulta sa health center o pinakamalapit na health facility kapag may sintomas ng dengue.
4.𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐟𝐨𝐠𝐠𝐢𝐧𝐠/𝐬𝐩𝐫𝐚𝐲𝐢𝐧𝐠 – Makipagtulungan sa mga awtoridad sa fogging o spraying kung ito ay inirekomenda sa mga lugar na may outbreak o clustering ng kaso.
5.𝐒𝐮𝐬𝐭𝐚𝐢𝐧 𝐇𝐲𝐝𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 - Uminom ng sapat na tubig, lalo na kapag may lagnat.

Sa pamamagitan ng house-to-house information dissemination at health education, layunin ng Bañag Health Team na mapataas ang kamalayan ng mga residente at mahikayat ang bawat pamilya na makiisa sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran at pagsasagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang dengue.



📢 Attention sa lahat ng mga Magulang /Guardians ng Barangay Bañag!💉 Narito na ang MR-SIA 2026 (Measles-Rubella Supplemen...
23/07/2026

📢 Attention sa lahat ng mga Magulang /Guardians ng Barangay Bañag!

💉 Narito na ang MR-SIA 2026 (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity)!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang at guardians na dalhin ang kanilang mga anak sa ating LIBRENG pagbabakuna laban sa Measles (Tigdas) at Rubella.

🗓 Petsa ng MR-SIA:
August 10–28, 2026

📍 ISKEDYUL NG PAGBABAKUNA

🟢 August 10, 2026
📌 Bañag Covered Court
👶 Para sa mga bata mula sa Purok 1, 2, 3, at 6

🟡 August 11, 2026
📌 Purok 7 Chapel
👶 Para sa mga bata ng Purok 7

🔵 August 12, 2026
📌 Barangay Health Center
👶 Para sa mga bata mula sa Purok 4 at 5

✅ Libre ang bakuna!
✅ Ligtas at de-kalidad!
✅ Mahalagang proteksyon laban sa Tigdas at Rubella!

❤️ Ang bawat bakuna ay hakbang tungo sa mas malusog at ligtas na kinabukasan ng ating mga anak.

📣 Inaasahan po namin ang inyong buong suporta at pakikiisa!

💙 Magpabakuna. Magprotekta. Magkaisa para sa isang malusog na Barangay Bañag! 💙





17/05/2026

Sa pagtaas ng heat index, uso na ang mga heat-related illnesses. Ito ay nagdudulot ng dehydration, heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke. ☀️🥵

Gawin ang mga sumusunod para iwas sa sakit ngayong mainit ang panahon:

🌞Iwasan lumabas ng bahay mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM.

💧Laging uminom ng sapat na baso ng tubig araw-araw.

☂ Gumamit ng payong, pamaypay, o sombrero kapag lalabas.

👕Magsuot ng magaan, maluwag, at light colored na damit.

Kung nakararanas ng pagkahilo, lagnat, pangangalay, mainit at namumulang balat, o pagkawalang malay, agad na gawin ang mga sumusunod:

✅Ilipat ang pasyente sa lugar na malilim, malamig, at iwas sa tirik na araw.
✅Tumawag agad sa Emergency #911 o komunsulta sa pinakamalapit na health center.
✅Tanggalin ang mga damit na nakadadagdag sa init ng katawan.
✅Palamigin ang katawan gamit ang ice packs, pamaypay, at tubig.

Let’s beat the heat sa tulong ng mga reminders sa tag-init. 💪

17/05/2026

Today is World Hypertension Day.
High blood pressure - or hypertension - often shows no warning signs, yet it increases the risk for heart disease, stroke, blindness, dementia, and other complications.

A simple blood pressure check can be life-saving.

Getting your blood pressure measured the right way helps ensure accurate results.
Incorrect positions can lead to incorrect readings.

✔ Sit with your back supported
✔ Legs uncrossed and feet flat on the floor
✔ Arm supported with the cuff at heart level
✔ Use correct cuff size
✔ Rest for at least 5 minutes before the reading
✔ Do not talk during or between measurements
✔ Avoid exercise, tea/coffee, and smoking for at least 30 minutes before reading

Small steps can make a big difference in protecting your health.

𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲🩸     April 28, 2026 | Tuesday📍 Bañag Covered Court, Bañag, Daraga, Albay"𝐃𝐮𝐠𝐨 𝐦𝐨, 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧...
17/05/2026

𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲🩸
April 28, 2026 | Tuesday
📍 Bañag Covered Court, Bañag, Daraga, Albay

"𝐃𝐮𝐠𝐨 𝐦𝐨, 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚 - 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐤 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚."

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng dugo sa isinagawang 𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲. Ang inyong kabutihang-loob at malasakit ay malaking tulong sa mga nangangailangan at tunay na nagbibigay-buhay at pag-asa sa ating kapwa.

Ang gawaing ito ay isang magandang halimbawa ng tunay na bayanihan, pagkakaisa, at pagmamalasakit sa komunidad.

Lubos din po naming pinasasalamatan ang 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 sa pangunguna ni 𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐚𝐱𝐢𝐦𝐨 𝐋. 𝐌𝐚ñ𝐨 𝐉𝐫., 𝐁𝐚ñ𝐚𝐠 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐓𝐞𝐚𝐦 (Nurse, Midwife, BHWs & BNS), 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 sa pangunguna ni 𝐃𝐫. 𝐅𝐫𝐞𝐲𝐚 𝐁. 𝐓𝐚𝐧, 𝐌𝐞𝐝.𝐓𝐞𝐜𝐡𝐬, 𝐇𝐑𝐇𝐬, at mga estudyante ng Divine World College of Nursing sa kanilang dedikasyon at suporta.

Higit sa lahat, taos-pusong pasasalamat po sa ating mga masisipag at mapagkawanggawang blood donors na naglaan ng oras at kusang-loob na tumulong para makapagligtas ng buhay.

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Nawa’y patuloy nating suportahan ang mga programang pangkalusugan at makataong gawain para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

📢 𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐛𝐢 𝐬𝐚𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭!📣𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐃𝐀𝐘!💉👶📅 May 6, 2026 (Wednesday)🕣 8:30 AM – 12:00 NN📍 Barangay Health CenterSa ng...
04/05/2026

📢 𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐛𝐢 𝐬𝐚𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭!

📣𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐃𝐀𝐘!💉👶

📅 May 6, 2026 (Wednesday)
🕣 8:30 AM – 12:00 NN
📍 Barangay Health Center

Sa ngayong buwan ng Mayo, ang unang schedule po natin ng pagbabakuna ay gaganapin sa Wednesday.
Inaanyayahan po namin kayo, mga mommies na dalhin si baby upang mabakunahan, lalong lalo na ang mga

✅Naka-schedule para sa bakuna.
✅Hindi nabakunahan noong nakaraan schedule.

Pakitandaan dn po:
• Pakidala Baby book / Immunization card
• Dapat Busog si baby at wala nararamdaman/sakit.

💙 Libre ang bakuna — proteksyon para sa malusog na kinabukasan ng ating mga bata!



02/05/2026

𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐀𝐒𝐇𝐅𝐀𝐋𝐋 | 𝐁𝐔𝐋𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐍 🌋

Dahil sa kasalukuyang alert status ng Bulkang Mayon, posibleng maranasan ang pag-ulan ng abo (ashfall) sa ilang lugar sa lalawigan. Ang abo mula sa bulkan ay maaaring magdulot ng iritasyon sa mata, ilong, lalamunan, at iba pang panganib sa kalusugan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, sundin ang mga health advisory, at gawin ang mga angkop na hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang pamilya—lalo na ang mga bata, buntis, matatanda, at may karamdaman.

Ang kaligtasan ng bawat Albayano ang ating prayoridad.

Makinig lamang sa opisyal na abiso mula sa PHIVOLCS, DOH, at sainyong lokal na pamahalaan.


27/04/2026

Address

Bañag
Daraga
4501

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bañag Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby health & beauty businesses