23/09/2026
Ang sobrang hirap talaga, as in. Wala siguro makakapantay sa hirap ng mga pinagdadaanan namin. Ang hirap pagsabayin ang pagiging mabuting ina at pagiging hardworking. Pero bilang magulang, wala naman tayong choice kundi maging matatag dahil may mga anak tayong umaasa sa atin.
Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ang daming taong nakapaligid sa akin na sinasamantala ako? Akala nila okay lang sa akin. Akala nila tanga ako at wala akong napapansin. Hindi nila alam, pinipili ko lang hindi pansinin kasi ayoko nang dumagdag pa sa mga iniisip at problema ko.
Nakikita nila sa social media, okay naman si Hannah. “Mabait naman si Hannah, madali naman siyang kausapin, okay lang ’yan sa kanya.” Hindi nila alam kung gaano karaming problema ang dala-dala ng isang tao. Hindi nila alam kung gaano na kabigat ang pinagdadaanan ko, tapos dadagdagan pa nila ng problema.
Hahaha, wala lang. May hugot talaga ako. 😅 Kasi parang ako lagi ang pinipiling bigyan ng problema. Sa susunod, baka kailangan ko na talagang matutong tumanggi at huwag akuin ang problema ng ibang tao. Bakit ba kasi hindi ko maalis sa ugali ko na ganon? Siguro dahil alam ko feeling na tinanggihan kaya ayaw ko mafeel nyo yun. Kaya eto ako pati mental health ko naaapektuhan.
At ano nga ba ang connect ng nasa post ko sa sinasabi ko? My point is, isipin niyo rin naman na may mga taong umaasa sa akin. Lalo na si Kyro. Kailangan kong isipin at siguraduhin ang kinabukasan niya. Kung sakaling mawala ako, gusto kong kahit papaano ay secured siya. Wala namang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa buhay natin—Diyos lang ang nakakaalam.
Akala niyo ba dahil nakikita niyo akong okay sa social media, okay talaga ako araw-araw? Hindi. Araw-araw akong natutulog na may pangamba. Iniisip ko kung ano ang mangyayari kay Kyro kapag wala na ako. Iniisip ko kung paano ko masisigurado ang kinabukasan ng mga anak ko.
Kaya sana, bago niyo ako dagdagan ng problema, isipin niyo rin kung ano ang pinagdadaanan ng taong tinatakbuhan niyo. Hindi porke’t matatag ako, ibig sabihin kaya kong akuin lahat. Hindi porke’t tahimik ako, ibig sabihin wala akong nararamdaman. At hindi porke’t nakikita niyo akong nakangiti sa social media, ibig sabihin wala akong sariling laban.
May mga bagay akong pinipiling tiisin at hindi pansinin dahil mas mahalaga sa akin ang mga anak ko. Pero tao lang din ako. Napapagod, nasasaktan, at nauubusan din ako.
Ang gusto ko lang naman, huwag niyo nang dagdagan yung bigat na matagal ko nang pasan. Yung oras, lakas, at perang meron ako, gusto kong ilaan sa kinabukasan ng mga anak ko—hindi sa problemang hindi naman dapat maging problema ko.