St.Roch Pharmacy

Directions

St.Roch Pharmacy Caring beyond prescriptions �

😷
15/09/2026

😷

🦟‼️
04/09/2026

🦟‼️

𝐀𝐥𝐚𝐬 𝐊𝐰𝐚𝐭𝐫𝐨 𝐧𝐚! 𝐓𝐀𝐎𝐁, 𝐓𝐀𝐊𝐓𝐀𝐊, 𝐓𝐔𝐘𝐎, 𝐓𝐀𝐊𝐈𝐏 𝐧𝐚! 📢

Kabi-kabila na naman ang pag-ulan kaya tara na’t hanapin at sugpuin ang mga lugar na posibleng pamugaran ng mga lamok. 🦟

Huwag kalimutang araw-arawin ang Alas Kwatro Kontra Mosquito habit. 🕓

Gawin ang TAOB, TAKTAK, TUYO at TAKIP upang manatiling lamok-free at worry-free sa dengue!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue!

🦟🦟🦟
04/09/2026

🦟🦟🦟

DOH: MAGING ALERTO SA MGA SINTOMAS NG DENGUE; MAGPAKONSULTA AGAD!

Detalye sa comment section.




‼️
04/09/2026

‼️

📊𝗠𝗲𝗮𝘀𝗹𝗲𝘀-𝗥𝘂𝗯𝗲𝗹𝗹𝗮 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗜𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 (𝗠𝗥𝗦𝗜𝗔) 𝗮𝗻𝗱 𝗩𝗶𝘁𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗔 𝗮𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝘃𝗲𝗿𝗮𝗴𝗲 𝗨𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲𝘀 𝘀𝗮 𝗘𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿𝗻 𝗩𝗶𝘀𝗮𝘆𝗮𝘀

| As of September 4, 2026

Bilang bahagi ng MRSIA activity Phase 3 ng Kagawaran ng Kalusugan, patuloy ang pagsubaybay ng DOH-Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EV CHD) sa bawat lalawigan ng Eastern Visayas.

Bilang gabay publiko, narito ang pinakahuling datos ng MRSIA Coverage sa Eastern Visayas mula ika-10 ng Agosto 2026. Base sa aktwal na bilang ng populasyon sa rehiyon, nasa 𝟮𝟳𝟵,𝟵𝟳𝟯 𝗼 𝟵𝟲.𝟱𝟬% na porsyento na ang ating naabot.

Ang bawat porsyento ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap na mailapit ang pagbabakuna sa bawat bata sa komunidad.

Sama-sama nating palakasin ang pagbabakuna at tiyaking walang komunidad ang maiiwan. 💉💚 Dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Bata ay Mahalaga.





[𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖: 𝘼𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙙𝙖𝙩𝙤𝙨 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙨𝙖𝙖𝙙 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖𝙗𝙖 𝙖𝙮 𝙗𝙖𝙩𝙖𝙮 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 '𝙦𝙪𝙞𝙘𝙠 𝙘𝙤𝙪𝙣𝙩' 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙞𝙨𝙞𝙣𝙪𝙢𝙞𝙩𝙚𝙣𝙜 𝙖𝙧𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙪𝙡𝙖𝙩, 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙣𝙖 𝙨𝙪𝙢𝙖𝙨𝙖𝙞𝙡𝙖𝙡𝙞𝙢 𝙥𝙖 𝙨𝙖 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙗𝙚𝙧𝙞𝙥𝙞𝙠𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣.]

🧽💛 AVAILABLE NOW! 💙Keep your little one clean, fresh, and comfortable! 👶✨Our baby cleaning sponge with long handle is no...
31/08/2026

🧽💛 AVAILABLE NOW! 💙

Keep your little one clean, fresh, and comfortable! 👶✨
Our baby cleaning sponge with long handle is now available at St. Roch Pharmacy.

🛒 Get yours today—while supplies last!

Magpabakuna na 💉
31/08/2026

Magpabakuna na 💉

DOH: Nananatiling ligtas at epektibo ang mga bakuna na napatunayang nakapagliligtas ng buhay sa nakalipas na 50 taon

Marami na ang namatay dahil sa sakit na Tigdas at Tigdas-hangin. Walang namatay dahil sa bakuna.

Ang mga naiulat na pagkamatay kasunod ng pagbabakuna ay masusing iniimbestigahan at sinusuri. Batay sa isinagawang imbestigasyon, walang nakitang kaugnayan sa bakuna ang mga kasong ito.

Patuloy na mino-monitor at iniimbestigahan ang anumang naiuulat na Adverse Events Following Immunization upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.




Influenza- like illnesses 😷
29/08/2026

Influenza- like illnesses 😷

Consultation schedule today 👨‍⚕️🤝
29/08/2026

Consultation schedule today 👨‍⚕️🤝

Ligtas tigdas
28/08/2026

Ligtas tigdas

𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒 𝐌𝐑-𝐒𝐈𝐀 𝐄𝐗𝐓𝐄𝐍𝐃𝐄𝐃 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐏𝐓𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 4, 2026! 📢

Pinalawig ng Department of Health ang ating Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) o Ligtas Tigdas Campaign hanggang SEPTEMBER 4, 2026.

Layunin ng extension na ito na maabot pa ang lahat ng batang hindi pa nababakunahan at masiguro na WALANG BATANG MAIIWAN na walang proteksyon laban sa nakakahawa at mapanganib na sakit na Measles at Rubella.

SINO ANG DAPAT PABAKUNAHAN?
Lahat ng bata na may edad 6 buwan hanggang 59 buwan (4 years old at 11 months), kahit pa may bakuna na noon o wala pang bakuna laban sa tigdas. Isang karagdagang dose ito para sa mas matibay na proteksyon.

BAKIT ITO MAHALAGA?
Ang tigdas ay lubhang nakakahawa at maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon tulad ng pulmonya, pagkabulag, at pagkaantala ng paglaki ng bata. Ang pinakamabisang proteksyon ay ang kumpletong bakuna. Ang bakuna ay LIBRE, LIGTAS, at napatunayang EPEKTIBO.

Pumunta lamang sa inyong pinakamalapit na:
📍 Rural Health Unit (RHU)
📍 Barangay Health Station (BHS)
📍 Barangay Vaccination Post / Temporary Post
📍 At sa ating mga house-to-house vaccination teams

Magdala lamang ng Immunization Card / Baby Book ni baby at huwag kalimutang isama si nanay o tatay o guardian.

Huwag na nating hintayin pang magkasakit si baby bago kumilos. Kung hindi pa nabakunahan sa MR-SIA, pumunta na ngayong linggo.


💚
28/08/2026

💚

MGA HEALTHY HABITS HABANG NAGGAGAMUTAN SA TUBERCULOSIS

Detalye sa comment section.




Address

National Highway, Barangay 08
Giporlos
6811

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St.Roch Pharmacy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share