26/08/2026
📣 📣 MEASLES-RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY
𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔:
🥰Patuloy ang MR-SIA Campaign dito sa ating bayan ng Iba, Zambales, kung saan sama-samang kumikilos ang ating mga healthcare workers upang mailapit ang bakuna sa mga batang nangangailangan ng karagdagang proteksyon laban sa tigdas at rubella.
💜Mula sa pag-iikot sa mga komunidad, pag-abot sa mga pamilya, hanggang sa aktuwal na pagbabakuna at pagbibigay ng tamang impormasyon, patuloy na ginagampanan ng ating mga health workers ang kanilang tungkulin upang matiyak na walang batang maiiwan.
💙Kaya hinihikayat namin ang mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang inyong mga anak edad 6–59 buwang gulang, anuman ang kanilang vaccination status, sa pinakamalapit na vaccination site.
🤎Bawat pagpunta ng health worker sa komunidad, bawat batang nababakunahan, at bawat magulang na nabibigyan ng tamang impormasyon ay isang hakbang tungo sa mas ligtas na komunidad. 💉❤️
💚Maraming salamat sa lahat ng ating mga healthcare workers at katuwang na LGUs na patuloy na naglilingkod, nag-aalaga, at nagpoprotekta sa bawat bata.
Magpabakuna. Makiisa. Sama-sama nating gawing Ligtas Tigdas ang bayan ng Iba. Road to TIGDAS FREE IBA, ZAMBALES