17/10/2026
📢 IMPORTANT ANNOUNCEMENT PARA SA ATING MGA RESELLERS! 🍌💛
Hello, mga ka-Pards! 😊 May kaunting pagbabago po tayo sa ating banana chips, kaya huwag po kayong magtaka kung mapansin ninyong iba na ang itsura ng ating produkto.
Mula sa dating pahabang slice, lumipat na tayo sa pabilog na slice. 🔄
Bakit po tayo nagpalit? Napansin natin na ang dating pahabang slice ay madaling madurog kapag naiipit o nadadaganan, lalo na habang nasa delivery. Bukod dito, mas maraming space ang nakokonsumo nito kaya mas bulky tingnan ang laman ng packaging.
Kaya naghanap tayo ng mas magandang alternative sa pamamagitan ng paggamit ng pabilog na slice para mabawasan ang pagiging bulky at makatulong na maiwasan ang sobrang pagkadurog ng chips.
Pero huwag po kayong mag-alala! 💛
✅ 75 grams pa rin ang ating banana chips, gaya ng dati.
✅ Naglalagay din tayo ng kaunting allowance sa timbang para makatulong na masigurong hindi bababa sa target na timbang ang laman.
✅ Ang nagbago lamang ay ang hugis o slice ng banana chips, hindi ang timbang na ating ipinapangako.
Kaya kung mapansin ninyong parang mas kaunti ang tingnan ng laman kumpara sa dating pahabang slice, normal lang po iyon dahil mas compact ang pabilog na slice. Magkaiba lang sa itsura, pero 75 grams pa rin ang ating produkto.
Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagtitiwala at suporta sa Banana Chips ni Pards Dy! 🫶
Patuloy tayong nag-i-improve para mas mapaganda ang ating produkto at mas maging maayos ang experience ng ating mga customers at resellers. 💛🍌