Imus City Health Office

Directions

Imus City Health Office Health Services

13/10/2026

FYI po lamang:

Ang lahat po ng health services at mga gamot/bakuna na binibigay sa ating mga City Health Offices ay libre / wala pong bayad.

CHO Activity: Philhealth YAKAP Caravan sa Imus!Isinagawa na muli ang Philhealth YAKAP Caravan sa ating siyudad noong nak...
11/10/2026

CHO Activity: Philhealth YAKAP Caravan sa Imus!

Isinagawa na muli ang Philhealth YAKAP Caravan sa ating siyudad noong nakaraang miyerkules, Oktubre 7,2026 sa Imus Complex na pinangunahan ng ating masipag na City Health Officer-Dr. Ferdinand P.Mina,RMT katuwang ang ilang mga doktor at nurses ng city health office.

Sa naturang kaganapan, nasa 368 na mga Imuseño ang nabigyan ng pagkakataon na ma-rehistro/ma-update sa Philhealth YAKAP program samantalang nasa 589 naman ang napabilang sa YAKAP assignment.

Layunin ng caravan na lalo pang mailapit sa ating mga kababayan ang benepisyo ng YAKAP program at mabigyan ng tulong ang ilan nating mga ka-lugar na hindi pa miyembro.

!

REGULAR NA BREAST CANCER SCREENING, SUSI SA MAAGAP NA PAGGALING!Nananatiling nangungunang uri ng kanser sa Pilipinas ang...
08/10/2026

REGULAR NA BREAST CANCER SCREENING, SUSI SA MAAGAP NA PAGGALING!

Nananatiling nangungunang uri ng kanser sa Pilipinas ang Breast Cancer na may higit 33,000 na bagong kaso at higit 11,000 na namamatay taon-taon. Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso nito, mahalagang matuklasan ang sakit habang maaga pa.

Upang maprotektahan ang ating kababaihan, inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang mga sumusunod:

MANDATORY SCREENING (EDAD 50–69 TAONG GULANG):
Magpatingin sa pinakamalapit na health facility para sa Clinical Breast Examination (CBE) o Mammogram bawat 2 taon. Ito ang pinakakritikal na paraan upang matukoy ang kanser sa pinakamaagang yugto.

SA TAHANAN:
Maging pamilyar sa sariling katawan sa pamamagitan ng Breast Self-Examination (BSE). Kung may makapang kakaibang bukol o anumang pagbabago sa dibdib, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na doktor o health center.

Huwag matakot magpasuri! Ang maagang pagtuklas ay nagbibigay ng mas malaking tsansa sa paggaling!









FYI po lamang…
07/10/2026

FYI po lamang…

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INITAng El Niño ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karaga...
07/10/2026

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INIT

Ang El Niño ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karagatang Pasipiko. Dahil dito, mas mainit ang panahon at mas kaunti ang ulan sa loob ng ilang buwan. May ulan pa rin, pero hindi ito kasing dalas ng karaniwan.

Kung may makitang palatandaan ng heat stroke, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o dalhin sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar.



Ating alamin ang ilang detalye tungkol sa nalalapit na Bakuna Eskwela na gaganapin sa darating na Oktubre ng taong kasal...
29/09/2026

Ating alamin ang ilang detalye tungkol sa nalalapit na Bakuna Eskwela na gaganapin sa darating na Oktubre ng taong kasalukuyan.



28/09/2026

FYI po:
Ang lahat po ng City Health Offices ay balik na sa regular operation schedule,mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon ngayong September 29,2026

28/09/2026

Paunawa:
Bilang pakiki-isa sa pagdiriwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day” ang lahat po ng City Health Offices ay bukas hanggang 1:00 pm (September 28,2026) po lamang.

CHO activity:2026 eFHSIS Data Validation in supervision of Office of the Provincial Health Officer-Provincial Government...
25/09/2026

CHO activity:

2026 eFHSIS Data Validation in supervision of Office of the Provincial Health Officer-Provincial Government of Cavite headed by Ms. Cristina Amulong and Mr. Reynaldo Domingo


The 4 R’s Training Program on Recognizing, Reporting, Recording and Referring Cases of Abuse was recently conducted in t...
17/09/2026

The 4 R’s Training Program on Recognizing, Reporting, Recording and Referring Cases of Abuse was recently conducted in the City of Imus, in collaboration with the Regional Health Office IV-A through Adolescent Health and Development Program (AHDP) represented by Dra. Monica Stephanie Romero, RMT with support from the Provincial Government of Cavite-represented by Mr. Dominic Macalalag,Nurse II of Health and Education Promotion Office (HEPO).

The activity aimed to enhance participants knowledge and skills in applying appropriate strategies for reporting of various cases of abuse, conducting sensitive and appropriate interviews and identifying relevant stakeholders who can provide assistance and support to affected individuals and families.


Address

Tahimik Street , Poblacion 3-B
Imus
4103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Imus City Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share