30/09/2026
π’ PABATID SA PUBLIKO
PERSONS WITH DISABILITY (PWD): ALAMIN ANG PAMANTAYAN
Ang pagkakaroon ng sakit, medical condition, o impairment ay hindi awtomatikong nangangahulugan na ang isang tao ay kwalipikadong PWD.
Ang PWD ay taong may kinikilalang kapansanan na nagdudulot ng makabuluhang limitasyon sa kanyang pagkilos, komunikasyon, pagkatuto, paggawa, pagsasagawa ng pang-araw-araw na gawain, o pakikilahok sa lipunan.
Hindi sapat ang diagnosis lamang. Ang pagiging PWD ay kailangang matukoy sa pamamagitan ng wastong pagsusuri, dokumentasyon, at beripikasyon, alinsunod sa umiiral na pamantayan ng DOH at NCDA.
Ang layunin ng prosesong ito ay upang matiyak na ang PWD ID at mga kaukulang benepisyo ay napupunta sa mga taong tunay na kwalipikado, habang pinoprotektahan ang karapatan at dignidad ng bawat PWD.
Para sa tamang impormasyon at pagsusuri, makipag-ugnayan sa PDAO/MSWDO o Municipal Health Office (RHU Lambayong).
Maraming salamat!