07/09/2026
DOH: ALAMIN ANG MGA POSIBLENG PINAGMUMULAN NG LEPTOSPIROSIS
Hindi lang sa baha nakukuha ang Leptospirosis, maaari rin itong makuha sa maruming lupa, putik, at iba pang lugar na may latak ng ihi ng daga. Basahin ang post na ito para malaman ang iba't ibang posibleng pinagmumulan ng sakit at maiwasan ang panganib nito.
Kung lumusong sa baha o naexpose sa alinman sa mga nabanggit sa post, agad na magtungo sa health center o YAKAP clinic, may sintomas man o wala. Tumawag sa National Emergency Hotline 911 kapag kailangan ng tulong.