Doh-Hrh Masinloc

Directions

Doh-Hrh Masinloc Updates on Health Programs of the Department of Health

Calling all residents of Barangay Tapuac 📢📢📣📣Tayo po ay magkakaroon ng Purokalusugan Health Caravan sa Setyembre 7, 2026...
06/09/2026

Calling all residents of Barangay Tapuac 📢📢📣📣

Tayo po ay magkakaroon ng Purokalusugan Health Caravan sa Setyembre 7, 2026 sa ganap na ika-8:30 ng umaga, sa Barangay Tapuac Covered Court.

Mababasa sa larawan sa ibaba ang mga serbisyong pangkalusugan na maaari nating matanggap.👇

Magkita kita po tayo at magsama sama sa mahalagang aktibidades katulad nito mga Ka-barangay❗

Maraming Salamat Po.🩷
05/09/2026

Maraming Salamat Po.🩷

05/09/2026

🩺🚑💊 PUROKALUSUGAN INITIATIVE & HEALTH CARAVAN
📍 Barangay Sta. Rita | September 3, 2026

Muli na namang naging makabuluhan ang ating PuroKalusugan Initiative and Health Caravan sa Barangay Sta. Rita! Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng ating health workers, katuwang na mga tanggapan, sponsors, at buong komunidad, naihatid natin ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan nang mas malapit at mas accessible sa ating mga kabarangay.

📊 SERVICES RENDERED:
🩺 Medical Consultations – 85
💊 Medicines Dispensed – 102
🩸 NCD Risk Assessment – 47
🤰 Prenatal Check-up – 1
👨‍👩‍👧 Family Planning – 3
👵 Geriatric Screening – 29
🎀 Breast Cancer Screening (CBE) – 26
💉 EPI – 10
💉 MRSIA – 33
🌸 Cervical Cancer Screening (Scheduled for VIA) – 2
🥗 FPE – 5

Bawat konsultasyon, bawat gamot na naipamahagi, bawat screening, at bawat batang nabakunahan ay isang hakbang tungo sa mas malusog at mas ligtas na komunidad. ❤️

🙏 Taos-puso kaming nagpapasalamat sa Barangay Sta Rita barangay officials at sa ating mga sponsors na patuloy na sumusuporta sa ating mga health activities, lalo na sa donasyon ng medicines at foods:
• Municipal Cooperative Development Office (MCDO)
• Masinloc Waterworks System
• Business Permits and Licensing Office
• Cooperative Bank of Zambales
• Metro Zambales Cooperative
• Engr. and Mrs. Aliw Carter Elamparo
• Sam's Drugstore
• Frenchbrew
• Pulayo Masinloqueño Run Club

Maraming salamat sa inyong malasakit at pakikiisa! 💚





Maraming Salamat Po 🩷
05/09/2026

Maraming Salamat Po 🩷

Maraming Salamat po.🩷
04/09/2026

Maraming Salamat po.🩷

04/09/2026

𝙈𝙍𝙎𝙄𝘼 2026 💉🩷

Sa bawat bahay na aming pinuntahan, may kanya-kanyang kwento, paniniwala, tanong, at desisyon.

May mga magulang na tumanggi, at may mga pamilyang nagtiwala at ipinagkatiwala sa amin ang kalusugan ng kanilang mga anak. 💚

Hindi man lahat ay agad nating nakumbinsi, bawat pag-uusap ay isang pagkakataon para makinig, magpaliwanag, magbigay ng tamang impormasyon, at maghatid ng malasakit.

Dahil ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa dami ng mga taong napapayag natin, kundi sa sipag at pusong inilalaan natin upang maabot ang bawat bata at bawat pamilya. 🫶

Educate with patience. Serve with heart. 🩷

Nakakapagod. May mga araw na mabigat ang katawan at parang ubos na ang lakas. Pero sa kabila ng pagod, ang sarap pa ring isipin na kahit paano, nakatulong tayo—may mga batang nabigyan ng proteksyon, may mga magulang na nabigyan ng tamang kaalaman, at may mga pamilyang mas naging mulat tungkol sa kahalagahan ng pagbabakuna.

Grateful to be part of this mission. 🙏

Matagumpay po tayong nakapagbakuna at nakapagbigay ng proteksyon laban sa Tigdas at Tigdas Hangin sa 1,838 na mga bata edad 6 na buwan hanggang 59 na buwan.🩷

At sa pagtatapos ng MRSIA 2026, baon naming mga healthworker hindi lamang ang pagod sa katawan, kundi ang mga kwento ng paglilingkod at pusong puno ng pasasalamat.

Dahil bawat hakbang, bawat katok sa pinto, bawat pakikipag-usap, at bawat batang naprotektahan ay sulit ang lahat ng pagod. 💚🩷

𝗠𝗥𝗦𝗜𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 — 𝙩𝙞𝙧𝙚𝙙 𝙛𝙚𝙚𝙩, 𝙗𝙪𝙩 𝙖 𝙝𝙚𝙖𝙧𝙩 𝙛𝙪𝙡𝙡 𝙤𝙛 𝙜𝙧𝙖𝙩𝙞𝙩𝙪𝙙𝙚 and fullfillment. 🩷💚

Successfully completed the Ligtas-Tigdas Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity! 💉✨

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng misyong ito. Hanggang sa susunod na laban para sa kalusugan ng bawat bata! 🫶

02/09/2026

Isang bata. Isang bakuna. Isang dagdag na proteksyon. 💉❤️

Maaaring maliit itong tingnan sa bilang.
Pero para sa amin na health workers, hindi maliit ang isang batang nabakunahan.

Sa bawat isang bata, may isang na proteksyonan.
Sa bawat isang bakuna, may pag-asang naibigay.
Sa bawat isang “oo,” may pagod na naging sulit.

Patuloy kaming maglilingkod, magpapaliwanag at makikinig—hanggang sa mas marami pang batang mabigyan ng pagkakataong maprotektahan laban sa tigdas at tigdas hangin. ❤️💉

Calling all residents of Barangay Sta Rita📢📢📣📣Tayo po ay magkakaroon ng Purokalusugan Health Caravan sa Setyembre 3, 202...
30/08/2026

Calling all residents of Barangay Sta Rita📢📢📣📣

Tayo po ay magkakaroon ng Purokalusugan Health Caravan sa Setyembre 3, 2026 sa ganap na ika-8:30 ng umaga, sa Barangay Sta rita Covered Court.

Mababasa sa larawan sa ibaba ang mga serbisyong pangkalusugan na maaari nating matanggap.👇

Magkakaroon din tayo ng pagbabakuna laban sa Tigdas at Tigdas Hangin (Measles at Rubella Vaccine) para sa lahat ng batang edad Anim (6) na buwan hanggang 59 na buwan (6 na buwan hanggang 4 na taong gulang). Ito ay karagdagang proteksyon laban sa Tigdas at Tigdas Hangin, kumpleto man ang kanilang regular na mga bakuna o hindi.💉

Magkita kita tayo at magsama sama sa mahalagang aktibidades katulad nito mga Ka-barangay❗

30/08/2026

BRAVING THE WEATHER, PROTECTING OUR CHILDREN! | MRSIA 2026

Despite the unfavorable weather, our dedicated health workers remained committed, going the extra mile to bring the Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) 2026 closer to the children of Brgy. Taltal Sitio Coto and Mandaloy, Barangay Bani, Barangay Baloganon Sitio Ubat, Barangay San Lorenzo and Barangay Sto Rosario on August 27, 2026.

Minsan, ang pagprotekta sa isang bata ay nangangahulugan ng pagpunta sa mas malayo. Ang pag-abot sa mga malalayong komunidad at pagdadala ng bakuna laban sa tigdas at tigdas-hangin (MR vaccine) na mas malapit sa mga pamilya ay isa sa mga paraan upang matiyak na bawat bata ay may access sa proteksyon, saan man sila nakatira. 💙💉

Para sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga, nais naming malaman ninyo na ginagawa namin ito dahil karapatan ng inyong mga anak na maprotektahan laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Ang layunin namin ay hindi pilitin ang sinuman, kundi lumapit, makinig, magpaliwanag, at magbigay sa mga magulang ng sapat at tamang impormasyon upang makagawa sila ng matalinong desisyon para sa kanilang mga anak.

Nauunawaan namin na maraming magulang ang may mga tanong at pangamba, lalo na sa dami ng impormasyong kumakalat sa social media. Sa kasamaang-palad, hindi lahat ng ating nababasa o napapanood online ay totoo. Ang fake news, mapanlinlang na mga post, at hindi beripikadong pahayag tungkol sa mga bakuna ay maaaring magdulot ng takot at kalituhan.

Kaya naman, naririto kami upang ipaliwanag ang mga katotohanan, sagutin ang inyong mga katanungan, at magbahagi ng impormasyong nakabatay sa mapagkakatiwalaang ebidensiyang medikal.

Iginagalang namin ang karapatan ng bawat magulang na magtanong, umunawa, at magpasya para sa kanilang anak. Narito kami upang magturo, magpaliwanag, maglinaw, at sumuporta. Ang aming hangad ay ang bawat desisyon ay nakabatay sa tamang impormasyon at katotohanan—hindi sa takot, sabi-sabi, o maling impormasyon.

Sa bawat magulang na nagbubukas ng kanilang pinto, nakikinig sa ating mga health worker, nagtatanong, at isinasaalang-alang ang pagbabakuna para sa kanilang anak—maraming salamat. ❤️

Mahalaga ang kalusugan ng inyong anak, at bawat bata ay nararapat magkaroon ng pagkakataong lumaki nang malusog at protektado. 👶💙

Walang distansyang napakalayo kapag kaligtasan at kalusugan ng ating mga anak ang pinag-uusapan. 💙💉

Hinihikayat ang mga residente ng North Poblacion at South Poblacion na makiisa sa isasagawang Serbisyong Pangkalusugan n...
26/08/2026

Hinihikayat ang mga residente ng North Poblacion at South Poblacion na makiisa sa isasagawang Serbisyong Pangkalusugan na gaganapin sa Masinloc Gymnasium, bukas, Agosto 27, 2026, sa ganap na ika-8:30 ng umaga.📢📣

Makikita ang mga detalye sa ibaba, sa kung anong mga serbisyo ang maaaring matanggap.👇

Inaanyayahan din ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak na 6–59 buwan ang edad o mga batang wala pang limang taong gulang upang mabigyan sila ng dagdag na proteksyon laban sa tigdas at tigdas hangin. 💉

Makilahok at samantalahin ang serbisyong pangkalusugan para sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga anak at buong komunidad.❗

Address

Masinloc

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doh-Hrh Masinloc posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share