19/10/2026
Magandang Buhay, Kailyan!
Para sa mga nagnanais magpakonsulta sa ating mga Medical Specialists, maaari kayong magtungo sa Super Health Center – Mayantoc o magpadala ng mensahe sa aming opisyal na page na Telemedicine Mayantoc upang kayo ay magabayan at mabigyan ng nararapat na serbisyong medikal.
Ang ating Online Video Medical Consultation ay mahigpit na isinasagawa sa pamamagitan ng appointment. Narito ang mga espesyalidad na kasalukuyang maaaring pagpilian:
• Family Medicine
• General Surgery
• Oncology
• Pediatrics
• Endocrinology
• Neurology
• Internal Medicine
• Ophthalmology
• ENT (Tainga, Ilong at Lalamunan)
• Orthopedics
• Rheumatology
🕗 Oras ng Serbisyo: 8:00 am-5:00 pm mula Lunes hanggang Biyernes
✅ Libreng serbisyo ang ating Online Video Medical Consultation bilang bahagi ng ating layunin na makapaghatid ng dekalidad, ligtas, at mas madaling maabot na serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayan ng Mayantoc.
Ang maagang pagpapakonsulta ay mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na pamumuhay.