29/05/2026
📢 𝐈𝐒𝐀𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐀𝐍𝐆 “𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐊𝐋𝐀𝐑𝐎” 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐒𝐔𝐑𝐆𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐎𝐔𝐓𝐑𝐄𝐀𝐂𝐇 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐑𝐑𝐀, 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍!
Bilang bahagi ng layunin para sa “Global Elimination of Preventable Blindness in the Philippines,” muling ilulunsad ang libreng Medical Surgical Outreach Program para sa mga residente ng Narra at karatig bayan.
Kabilang sa mga serbisyong handog ay libreng check-up sa mata, eye treatment, at operasyon sa mata, biometric procedures, at operasyon para sa mga kaso ng alis bukol, breast mass, lumps, humps, bumps, at iba pang kaugnay na kondisyon.
📍 Schedule of Activities:
🗓 June 7, 2026 – Patients Check-up, TX & Biometric Procedure
📌 Covered Court at Municipal Gym, Narra Municipal Hall Compound
🗓 June 8–12, 2026 – Operations Proper
📌 Narra Municipal Hospital
🗓 June 13, 2026 – Final Post Operation Check-up
📌 St. Joseph the Husband of Mary Parish Church
Ang programang ito ay bunga ng pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Narra, Provincial Government ng Palawan sa pamamagitan ng Narra Municipal Hospital, Rotary Club of Narra at iba’t iba pang medical organizations, foundations at mga katuwang na institusyon upang makapaghatid ng libreng serbisyong medical sa mamamayan.
Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Narra at kalapit na munisipyo na makibahagi at samantalahin ang libreng serbisyong pangkalusugan na ito.
𝑭𝒐𝒍𝒍𝒐𝒘 𝒖𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝒎𝒐𝒓𝒆 𝑫𝒆𝒕𝒂𝒊𝒍𝒔 & 𝑼𝒑𝒅𝒂𝒕𝒆𝒔 : Municipality of Narra - Palawan