31/08/2026
𝐌𝐑-𝐒𝐈𝐀 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐥𝐮𝐚𝐧 | 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐝𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧
Sa bawat alon na tatawirin, daang lalakbayin, at hamong haharapin, patuloy ang ating mga health workers sa pag-abot sa bawat komunidad ng Bayan ng Paluan para sa 𝐌𝐞𝐚𝐬𝐥𝐞𝐬-𝐑𝐮𝐛𝐞𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐈𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 (𝐌𝐑-𝐒𝐈𝐀).
Sa kabila ng ulan at hirap ng paglalakbay, dala ang bakuna, malasakit, at dedikasyon, sinisikap nating maihatid ang serbisyong pangkalusugan hanggang sa mga malalayong lugar—dahil walang komunidad na dapat maiwan at walang batang dapat mapagkaitan ng proteksyon.
Para sa bawat batang Palueño. Para sa mas ligtas na Paluan. Para sa isang komunidad na nagkakaisa para sa kalusugan.
Serbisyong Pangkalusugan, Hatid Hanggang Saan Man.
Bayan ng Paluan — Sama-sama, Walang Iwanan!