26/10/2026
📢 **LIBRENG FLU AT PNEUMONIA VACCINE PARA SA MGA SENIOR CITIZENS!** 💉💚
Mga minamahal naming Senior Citizens, narito po ang iskedyul ng pagbabakuna laban sa flu at pneumonia.
📅 **KAILAN:** October 28, 2026
⏰ **ORAS:** 1:00 PM – 3:00 PM
📍 **LUGAR:** Moonwalk Health Center
❗ **MGA MAHALAGANG PAALALA** ❗
✅ Ang maaaring mabakunahan ay ang mga senior citizen na kasama lamang sa opisyal na listahang ibinigay ng OSCA.
✅ Bago pumunta sa Health Center, mangyaring magtungo muna sa opisina ng OSCA sa inyong area upang tiyaking kayo ay kasama sa listahan.
✅ Ang pagbabakuna ay **FIRST COME, FIRST SERVED** dahil limitado lamang ang suplay ng bakuna.
❌ Ang listahan ng mga benepisyaryo ay mula sa OSCA. Ang Health Center ay magsasagawa lamang ng pagbabakuna batay sa opisyal na listahan.
📌 **MGA KAILANGANG DALHIN:**
✅ OSCA ID
✅ YAKAP ID / PhilHealth ID o PhilHealth Number
✅ Dating Vaccination Card (kung mayroon)
📌 **PAALALA:** Ang pneumonia vaccine ay ibinibigay ayon sa naaangkop na iskedyul ng pagbabakuna. Karaniwang may pagitan na limang taon ang ilang uri ng pneumococcal vaccine, ngunit maaaring mag-iba ito depende sa uri ng bakuna at vaccination history. Dalhin ang inyong dating vaccination card para sa tamang pagsusuri.
✅ eGovPH App sa inyong cellphone 📱
💡 **Paalala:** Kumpletuhin ang mga kinakailangang dokumento upang maging maayos at mabilis ang proseso ng pagbabakuna.
💚 Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga lolo at lola! Magpabakuna at protektahan ang sarili laban sa pneumonia.
See less