17/09/2026
Ngayong September 17, 2026, ginugunita natin ang World Patient Safety Day. Siguraduhing ligtas at tama ang inyong pangangalaga sa sarili laban sa non-communicable diseases (NCDs)—mula sa tamang pag-inom ng maintenance para sa sakit sa puso at diabetes, hanggang sa regular na gamutan at health monitoring sa bawat hakbang ng inyong health journey.
Dahil ang safety sa healthcare ay hindi lang pang-isang araw—ito'y habang-buhay.
SAFE CARE FOR LIFE!
Magtulungan tayo para sa mas ligtas na pangangalaga. Huwag matakot magtanong sa doktor o health worker, alamin ang inyong mga gamot at tamang pag-inom nito, at maging aktibong katuwang sa pag-aalaga ng inyong kalusugan.
Kasangga ninyo ang Parañaque City Health Office sa paglaban sa mga non-communicable diseases at sa pagpapanatili ng ligtas, tama, at epektibong healthcare para sa bawat Parañaqueño.
Parañaque City Government