New Bambang Health Center Pasig

Directions

New Bambang Health Center Pasig A DOH-Accredited PCF, an accredited Philhealth YAKAP Clinic, under the City Health Department of Pasig, providing DOH health programs for all ages.

This page is for health information dissemination only. Please visit us from Monday-Friday, 8am to 5pm.

📢 LIBRENG FAMILY PLANNING SERVICES SA BARANGAY BAMBANG, PASIG CITY! 💙💗🚚 FAMILY PLANNING ON WHEELS IS COMING TO YOU!May p...
09/10/2026

📢 LIBRENG FAMILY PLANNING SERVICES SA BARANGAY BAMBANG, PASIG CITY! 💙💗

🚚 FAMILY PLANNING ON WHEELS IS COMING TO YOU!

May plano ka ba para sa kinabukasan ng iyong pamilya? Tara na at samantalahin ang pagkakataong makatanggap ng LIBRENG FAMILY PLANNING SERVICES para sa mga bagong acceptors na may edad 20–49 taong gulang!

👨‍👩‍👧‍👦 Planuhin ang pamilya, pangalagaan ang kalusugan, at ihanda ang mas magandang kinabukasan!

✨ MGA SERBISYONG AALOK:
✅ Family Planning Counseling
✅ Impormasyon tungkol sa iba't ibang family planning methods
✅ Reproductive Health Education
✅ Referral Services at iba pang serbisyong pangkalusugan

📅 Petsa: October 29, 2026 (Thursday)
⏰ Oras: 8:00 AM – 12:00 NOON
📍 Lugar: Multi-Purpose Building, E. Jacinto St., Barangay Bambang, Pasig City

💖 SINO ANG MAAARING SUMALI?
Mga bagong family planning acceptors na may edad 20–49 taong gulang.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Magtungo sa aming Mobile Family Planning Clinic upang makakuha ng impormasyon at gabay sa pagpili ng angkop na family planning method para sa iyo.

📣 LIBRENG SERBISYO PARA SA MAS MALUSOG NA PAMILYA AT MAS MATATAG NA KOMUNIDAD!

📌 Tara na, Barangay Bambang! Plan today for a healthier tomorrow!





07/10/2026

𝗟𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗯𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮𝗱𝗼 𝘀𝗶 𝗰𝗵𝗶𝗸𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴!
Samahan si Ma'am B na alamin ang mga detalye tungkol sa 𝗕𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲.
Mula 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 hanggang 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲, LIBRENG ihahatid ng DOH-MMCHD at DepEd ang bakuna laban sa tigdas, tigdas hangin, tetano, dipterya, at HPV sa ating mga mag-aaral.
Ang mga bakunang ito ay dumaan sa masusing pagsusuri at subok na LIGTAS at EPEKTIBO. Kaya sa ating mga magulang at tagapag-alaga, huwag palampasin ang pagkakataong ito. Maging UNA sa kalusugan dahil ang batang bakunaDOH, proteksyon ay siguraDOH!






📢 BAKUNA ESKWELA 2026! 💉🏫Magpabakuna na laban sa Measles, Rubella, Tetanus, Diphtheria at HPV!Mga magulang at mag-aaral,...
21/09/2026

📢 BAKUNA ESKWELA 2026! 💉🏫

Magpabakuna na laban sa Measles, Rubella, Tetanus, Diphtheria at HPV!

Mga magulang at mag-aaral, oras na para protektahan ang ating mga anak laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna! ❤️

🗓️ OCTOBER – DECEMBER 2026
💉 LIBRE ang pagbabakuna sa mga pampublikong paaralan!

📅 OCTOBER 08, 2026
💉 Schedule ng Bakuna BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL

👧👦 PARA KANINO ANG BAKUNA?

🔵 GRADE 1 at GRADE 7
💉 Measles-Rubella (MR)
💉 Tetanus-Diphtheria (Td)

🩷 GRADE 4 at GRADE 5 – FEMALE ONLY
💉 HPV (Human Papillomavirus Vaccine)
🛡️ Proteksyon laban sa HPV at cervical cancer

💙 BAKUNA AY PROTEKSYON!

Ang pagbabakuna ay isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

📣 Huwag palampasin ang LIBRENG BAKUNA!
Siguraduhing makilahok at makipag-ugnayan sa inyong paaralan para sa mga kinakailangang impormasyon tungkol sa pagbabakuna.

💉 BAKUNA ESKWELA 2026

Magpabakuna. Magkaroon ng proteksyon.
Sama-sama nating labanan ang sakit! 💙🇵🇭

LIBRE SA PAMPUBLIKONG PAARALAN!

📢 Para sa mga Private Schools na nais magpa bakuna, Maari lamang po na pumunta sa New Bambang Health Center every Wednesday and Friday 1pm to 4pm. Para sa karagdagang impormasyon, magtanong sa inyong paaralan o pinakamalapit na Health Center.

09/09/2026
Congrats FIC Babies for the whole month of August 2026!Ano ang ibig sabihin Fully Immunized Child 👶? Ito ang mga batang ...
09/09/2026

Congrats FIC Babies for the whole month of August 2026!
Ano ang ibig sabihin Fully Immunized Child 👶?
Ito ang mga batang edad 1 taon gulang (less than 13 months old), na nakatanggap at nakakumpleto ng bakuna simula pagka- panganak hanggang maka-isang taong gulang.
Ano- ano ang mga bakunang 💉 sakop nito?
1 dose ng BCG
3 doses ng Pentavalent vaccine (DPT-Hib-HepB)
3 doses ng Oral Polio vaccine
2 doses ng MMR (Measles containing vaccine)
Disclaimer: All photos posted with consent
👶 Ang lahat ng bakunang ito ay LIBRE dito sa New Bambang Health Center

Congrats FIC Babies for the whole month of July 2026!Ano ang ibig sabihin Fully Immunized Child 👶? Ito ang mga batang ed...
05/08/2026

Congrats FIC Babies for the whole month of July 2026!

Ano ang ibig sabihin Fully Immunized Child 👶?
Ito ang mga batang edad 1 taon gulang (less than 13 months old), na nakatanggap at nakakumpleto ng bakuna simula pagka- panganak hanggang maka-isang taong gulang.

Ano- ano ang mga bakunang 💉 sakop nito?
1 dose ng BCG
3 doses ng Pentavalent vaccine (DPT-Hib-HepB)
3 doses ng Oral Polio vaccine
2 doses ng MMR (Measles containing vaccine)

Disclaimer: All photos posted with consent
👶 Ang lahat ng bakunang ito ay LIBRE dito sa New Bambang Health Center

Proud of you tatay Rizaldo Fagutan! 👏Nawa'y marami ka pang ma-inspire at matulungan sa iyong kasipagan sa ating barangay...
17/07/2026

Proud of you tatay Rizaldo Fagutan! 👏

Nawa'y marami ka pang ma-inspire at matulungan sa iyong kasipagan sa ating barangay 🥬🥬🥬

Kasama tayo dito ka-barangay ✅️📢💙 Pasigueño, may serbisyong pangkalusugan na mas malapit para sa iyo at sa iyong pamilya...
14/07/2026

Kasama tayo dito ka-barangay ✅️

📢💙 Pasigueño, may serbisyong pangkalusugan na mas malapit para sa iyo at sa iyong pamilya!

Hindi na kailangang lumayo para malaman ang mga serbisyong maaaring makatulong sa inyong kalusugan. Hatid ng inyong mga Barangay Health Center at Super Health Center ang mga serbisyong ito nang libre sa pamamagitan ng PhilHealth YAKAP!

🏥 Nakapagpa-check up na ba kayo sa inyong mga health center? Kung hindi pa, bisitahin na ang pinakamalapit na Barangay Health Center o Super Health Center at alamin ang mga serbisyong maaari ninyong mapakinabangan para sa inyong kalusugan.

💙 Sa pamamagitan ng PhilHealth YAKAP, mas pinalawak ang mga serbisyong pangkalusugan na maaari ninyong makuha sa ating mga health facilities—mas malapit at mas accessible sa bawat Pasigueño.

Ka-barangay? 🧐Alam mo ba kung ano ang NCDs or Non Communicable Diseases? Ito ang mga sakit na HINDI nakahahawa, tulad ng...
10/07/2026

Ka-barangay? 🧐

Alam mo ba kung ano ang NCDs or Non Communicable Diseases?

Ito ang mga sakit na HINDI nakahahawa, tulad ng Hypertension, Diabetes, COPD, Cancer etc.. Ito ay mga sakit na maaaring namamana (hereditary) o acquired dahil sa unhealthy lifestyle. Ito ay karaniwang nagdudulot ng mga kumplikasyon at kalaunang maaaring makamatay kung hindi ma-kontrol o maagapan.

Ating basahin anginfographics mula sa Pasig City Health Promotion ↙️

🚨 Hindi nakahahawa, pero puwedeng makasira ng buhay! 🚨

Ang Non-Communicable Diseases (NCDs) tulad ng high blood pressure, diabetes, cancer, at chronic lung diseases ay unti-unting nabubuo dahil sa hindi malusog na pamumuhay. Ang magandang balita? Marami sa mga ito ay maaaring maiwasan! 💙

🌿 Simulan ang healthy lifestyle ngayon:
🥗 Kumain ng masustansya
🏃‍♀️ Mag-ehersisyo araw-araw
🚭 Iwasan ang sigarilyo, v**e, at labis na alak
😴 Matulog nang sapat at i-manage ang stress
🩺 Magpa-check up at magpa-screening nang regular

✨ Ang pinakamagandang investment ay ang iyong kalusugan. Huwag hintaying magkasakit bago kumilos. Simulan ang pagbabago ngayon para sa mas malusog na bukas!

💙 Healthy choices today, healthier life tomorrow!

Congrats FIC Babies for the whole month of June 2026!Ano ang ibig sabihin Fully Immunized Child 👶? Ito ang mga batang ed...
10/07/2026

Congrats FIC Babies for the whole month of June 2026!

Ano ang ibig sabihin Fully Immunized Child 👶?
Ito ang mga batang edad 1 taon gulang (less than 13 months old), na nakatanggap at nakakumpleto ng bakuna simula pagka- panganak hanggang maka-isang taong gulang.

Ano- ano ang mga bakunang 💉 sakop nito?
1 dose ng BCG
3 doses ng Pentavalent vaccine (DPT-Hib-HepB)
3 doses ng Oral Polio vaccine
2 doses ng MMR (Measles containing vaccine)

Disclaimer: All photos posted with consent
👶 Ang lahat ng bakunang ito ay LIBRE dito sa New Bambang Health Center

Address

Col. F. Victorino Street , Villa Alfonso Brgy. Bambang
Pasig
1600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when New Bambang Health Center Pasig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby health & beauty businesses