Sta. Lucia Mini Health Center Pasig

Directions

Sta. Lucia Mini Health Center Pasig Open Monday-Friday 8am-5pm

Medical Check-up
Dental (Tuesday & Thursday)
TB DOTS
Family Planning
Pre-natal Check-up
Child Immunization Program
VIA/Pap Smear

16/07/2026
30/06/2026
02/06/2026

Protektahan ang inyong mga anak laban sa tigdas at tigdas-hangin sa pamamagitan ng pagpapabakuna. Mayroong libre bakuna sa lahat ng health center at vaccination site sa inyong lugar. Ito ay ligtas at mabisang paraan upang maiwasan ang malubhang komplikasyon dulot ng mga sakit.

Magtungo na at sama-sama nating panatilihing ligtas at malusog ang bawat bata!






02/06/2026

π—£π—”π—•π—”π—žπ—¨π—‘π—”π—›π—”π—‘ 𝗑𝗔 π—¦π—œ π—–π—›π—œπ—žπ—œπ—§π—œπ—‘π—š π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—§π—œπ—šπ——π—”π—¦ 𝗔𝗧 π—§π—œπ—šπ——π—”π—¦-π—›π—”π—‘π—šπ—œπ—‘!πŸ’‰

Ang mga bakuna ay ligtas, epektibo, at subok na sa loob ng maraming dekada. Dumaan ang mga ito sa masusing pagsusuri at nakapasa sa mahigpit na pamantayan upang maprotektahan ang bawat Pilipino laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

βœ… Subok na
βœ… Libre, ligtas at epektibo
βœ… Para sa lahat

Dalhin ang mga batang edad 6-59 buwang gulang sa pinakamalapit na health center o vaccination site sa inyong lugar.






01/06/2026
01/06/2026

π—Ÿπ—œπ—šπ—§π—”π—¦ π—§π—œπ—šπ——π—”π—¦ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ 𝗑𝗔!

Kaya naman mga magulang, lolo't lola, tito't tita, at mga tagapag-alaga, halina't makiisa! Dalhin ang mga batang edad 6 hanggang 59 buwan sa pinakamalapit na vaccination site sa inyong lugar.

βœ… Ang pagbabakuna ay nagbibigay-proteksyon laban sa pagka-ospital at pagkamatay dulot ng Tigdas at Tigdas-hangin.

πŸ“ Libre at madaling makuha ang bakuna sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

🀝 At kung sakaling may maramdamang hindi pangkaraniwan pagkatapos mabakunahan. Huwag mag-alala handa ang ating mga health workers na umalalay at gumabay.

Dahil mas masaya ang kulitan, habulan, at laro kapag ligtas sa tigdas ang ating mga bata!

LIGTAS TIGDAS.
Handa. BakunaDOH. ProtektaDOH.






πŸ“’ LIBRENG HEALTH SCREENING SA STA. LUCIA MINI HEALTH CENTER, SOLDIERS VILLAGE COVERED COURTMga Kapitbahay at mga  ka Bar...
24/02/2026

πŸ“’ LIBRENG HEALTH SCREENING SA STA. LUCIA MINI HEALTH CENTER, SOLDIERS VILLAGE COVERED COURT

Mga Kapitbahay at mga ka Barangay inaanyayahan ang lahat na lumahok sa ating ONE- DAY COMMUNITY HEALTH SCREENING DRIVE ngayong darating na MARSO 5, 2026 huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa inyong kalusugan.

βœ…οΈ Anu-ano ang mga Libreng serbisyo:

- Libreng Chest X-Ray ( Para sa edad 15 yrs old above)
- Libreng Breast Examination at Papsmear
( Para sa mga kababaihang edad 20-69 yrs. old )

πŸ“ Saan at Kailan:

- Petsa: Marso 5, 2026
- Oras: 8:00 AM hanggang 3:00 PM
- Lugar: STA. LUCIA MINI HEALTH CENTER,SOLDIERS VILLAGE COVERED COURT

PAALALA:

- Magdala po ng anumang Valid ID para sa pagpaparehistro. See you there! 😊

09/02/2026

πŸͺ₯ SIPILYO: Gabay sa Tamang Pagsisipilyo para sa Malusog na Ngipin at Ngiti ng Pamilyang PasigueΓ±o! 😁

Ang tamang pagsisipilyo ay hindi lang tungkol sa malinis at maputing ngipinβ€”ito ay mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na pangangalaga sa kalusugan. Nakakatulong ito upang maiwasan ang tooth decay (pagkabulok ng ngipin), gingivitis (pamamaga ng gilagid), bad breath, at iba’t ibang impeksyon sa bibig na maaaring makaapekto sa pangkalahatang kalusugan ng katawan.

Simulan ang magandang gawi sa loob ng tahanan at hubugin ang disiplina sa kalinisan ng bibig sa murang edad. Turuan ang mga bata (at paalalahanan ang matatanda!) ng tamang paraan ng pagsisipilyo gamit ang SIPILYO method bilang gabay sa wasto, regular, at epektibong pag-aalaga ng ngipin.

✨ Ang malusog na ngipin ay susi sa mas malusog na katawan at mas kumpiyansang ngiti!


Address

Soldiers Village, Covered Court, Brgy. Sta. Lucia
Pasig
1608

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta. Lucia Mini Health Center Pasig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share