Patnanungan Rural Health Unit

Directions Contact the business

Patnanungan Rural Health Unit The municipality of Patnanungan is part of the Polillo Group of Islands located at the northern part of Quezon Province.

The Rural Health Unit of Patnanungan serves as a primary care facility and aims to improve the health status of the community.

13/10/2026
Patnanungan PCF Staff Meeting Noong October 12, 2026, nagkaroon ng staff meeting ang Patnanungan Rural Health Unit upang...
13/10/2026

Patnanungan PCF Staff Meeting

Noong October 12, 2026, nagkaroon ng staff meeting ang Patnanungan Rural Health Unit upang talakayin ang mga strategies at plano para sa mas maayos na pagpapatupad ng mga programa ng ating pasilidad, partikular ang PhilHealth at School-Based Immunization.

PhilHealth

Tinalakay ni Dr. Dioquino ang mga strategies at innovations upang mas maparami pa ang PhilHealth claims at registrations ng mga taga kababayan natin sa Patnanungan. Layunin nitong mas maraming kababayan natin ang maabot ng PhilHealth services at mas mapalakas ang resources ng ating pasilidad na magagamit sa patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyong pangkalusugan.

School-Based Immunization (SBI)

Tinalakay naman ni Nurse Marnel ang objectives ng School-Based Immunization, ang performance ng Patnanungan noong 2024 at 2025, at ang mga strategies upang maabot muli ang mga target at mapanatili ang magandang performance ng Patnanungan.

Nakakatuwang makita ang aktibong pakikilahok ng bawat staff, na nagbahagi ng kanilang mga suggestions at ideas para sa mas matagumpay na implementasyon ng programa.

Nakiisa rin sa meeting ang aming Development Management Officer IV Ma’am Eileen F. Rutaquio, na nagbahagi ng mahahalagang suggestions at recommendations para sa mga tinalakay na programa.

13/10/2026

MAHALAGANG PABATID PUBLIKO

Sa aming mga minamahal na kababayan ng Patnanungan,

Ipinababatid po namin na pansamantala munang ihihinto ang mga regular na serbisyo ng Rural Health Unit RHU dahil sa isasagawang isang araw na pagsasanay ng aming mga kawani.

Gayunpaman, ang mga sumusunod na serbisyo ay mananatiling bukas:

1. Pagbabakuna para sa mga sanggol at bata ng 8-12nn

2. Bunutan ng ngipin ng 1-5pm

3. Emergency case lamang ang pansamantalang tatanggapin ng aming pasilidad.

Humihingi po kami ng inyong pang-unawa sa pansamantalang pagbabagong ito sa aming mga serbisyo. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at suporta.

12/10/2026

📢 PABATID PUBLIKO

Magkakaroon po ng Konsultasyon sa Ngipin at Libreng Bunot sa ating lugar. Narito po ang iskedyul ng ating dentista:

🦷 Oktubre 12, 2026 (Lunes)
Para sa mga sanggol na may edad 0–11 buwan para sa dental fluoride application.

🦷 Oktubre 13–14, 2026
⏰ 1:00 PM – 5:00 PM
Para sa libreng bunot at dental check-up. Tatanggap lamang ng 15 pasyente bawat araw.

🦷 Oktubre 15, 2026
⏰ 8:00 AM – 11:00 AM
Para sa konsultasyon sa ngipin at iba pang serbisyong dental.

📌 Paalala:

* First come, first served po ang pagtanggap ng mga pasyente.
* Magkakaroon muna ng pagkuha ng vital signs bago ang konsultasyon.
* Mangyaring dalhin ang inyong PhilHealth ID, kung mayroon.

Maraming salamat po! Inaasahan namin ang inyong pakikiisa para sa mas malusog na ngiti at mas maayos na kalusugan ng ating mga ngipin. 🦷😊

– Patnanungan Municipal Health Office

4 PM HABIT: SEARCH AND DESTROY KONTRA DENGUE!Ngayong araw, pormal nang sinimulan ang 4 PM Habit: Search and Destroy tuwi...
09/10/2026

4 PM HABIT: SEARCH AND DESTROY KONTRA DENGUE!

Ngayong araw, pormal nang sinimulan ang 4 PM Habit: Search and Destroy tuwing Biyernes sa mga tanggapan ng LGU at mga barangay sa Patnanungan, alinsunod sa Memorandum ng Municipal Health Office, sa gabay at mungkahi ng ating Mayor, Hon. Marie Claire A. Larita-Natividad, na palakasin ang mga preventive measures laban sa dengue.

Pinangunahan ng Patnanungan Primary Care Facility ang paglilinis sa bawat sulok ng pasilidad, gayundin ang paghahanap at pagsira sa mga posibleng pamugaran ng lamok. Layunin ng gawaing ito na maiwasan ang pagdami ng lamok at mabawasan ang panganib ng dengue sa ating komunidad.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tanggapan ng LGU na nakiisa, sa ating mga Barangay Health Station, sa Barangay Poblacion para sa pagpapalaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng bandillo, at sa mga paaralan sa buong Patnanungan na nakikibahagi sa pagsusulong ng kalinisan at kalusugan.

Noong October 8, 2026, nagsagawa rin si Dr. Jomari T. Dioquino ng presentasyon tungkol sa pagpapalakas ng dengue prevention at paghahanda ng munisipalidad sa pagtugon sa mga posibleng karagdagang kaso. Sa kasalukuyan, mayroon tayong isang naitalang kaso ng dengue, kaya mahalagang patuloy nating paigtingin ang surveillance, health education, at mga hakbang sa pag-iwas.

Ang laban kontra dengue ay nagsisimula sa ating sariling kapaligiran. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at regular na paglilinis, makatutulong tayong maiwasan ang pagdami ng lamok at maprotektahan ang kalusugan ng bawat pamilya.

Ugaliing maghanap at magtanggal ng mga naipong tubig. Gawing bahagi ng ating lingguhang gawain ang 4 PM Habit!

PAALALA, MGA KABABAYAN!May naitalang isang kaso ng dengue sa ating bayan ng Patnanungan. Patuloy naman ang ating paalala...
09/10/2026

PAALALA, MGA KABABAYAN!

May naitalang isang kaso ng dengue sa ating bayan ng Patnanungan. Patuloy naman ang ating paalala sa lahat na mag-ingat at huwag balewalain ang sakit na ito.

Alam ba ninyo na aktibo rin ang mga lamok na may dalang dengue sa umaga at bandang hapon? Kaya naman, simulan natin ang 4 PM Habit sa ating mga tahanan!

Tuwing alas-4 ng hapon, maglaan tayo ng ilang minuto para:
✅ Maglinis ng bakuran at mga kanal.
✅ Itapon ang mga bagay na naiipunan ng tubig.
✅ Takpan ang mga drum, timba, at iba pang lalagyan ng tubig.
✅ Siguraduhing walang pinamumugaran ng lamok sa loob at labas ng bahay.

Tandaan din ang 4S Kontra Dengue: Search and destroy, Self-protection, Seek early consultation, at Say yes to fogging kapag kinakailangan.

Kung may lagnat, matinding sakit ng ulo o katawan, at iba pang sintomas, magpakonsulta agad sa Patnanungan Primary Care Facility. Huwag hintaying lumala ang pakiramdam bago humingi ng tulong. Kung may matinding sakit ng tiyan, tuloy-tuloy na pagsusuka, pagdurugo, o hirap sa paghinga, magpatingin agad sa center or sa ating mga Barangay Health Station.

Hindi kailangang hintayin na dumami ang kaso bago tayo kumilos. Sa simpleng paglilinis araw-araw, makatutulong tayo na maiwasan ang pagdami ng lamok sa ating komunidad.

Sama-sama nating labanan ang dengue at panatilihing ligtas ang ating mga pamilya at ang buong Patnanungan.

26/09/2026
POST-MRSIA PROGRAM IMPLEMENTATION REVIEWMatapos ang matagumpay na MRSIA vaccination campaign sa ating mga barangay, nags...
10/09/2026

POST-MRSIA PROGRAM IMPLEMENTATION REVIEW

Matapos ang matagumpay na MRSIA vaccination campaign sa ating mga barangay, nagsagawa ang Patnanungan Primary Care Facility ng Post-MRSIA Program Implementation Review kasama ang ating RHU staff, BHWs, at BNSs mula sa iba’t ibang barangay.

Napag-usapan ang:

• Mga naging best practices ng bawat barangay
• Mga challenges na naranasan at kung paano ito nalampasan
• Mga strategies na maaaring i-adapt at ipagpatuloy sa mga susunod na vaccination activities

Bunga ng ating sama-samang pagsisikap, ang Patnanungan Primary Care Facility ay nakamit ang 2nd highest vaccination accomplishment sa buong Quezon Province para sa MRSIA campaign. 🏆

Bilang pasasalamat at pagkilala sa naging effort ng ating mga health workers, nagkaroon din ng:

1. Pagbibigay ng Certificates of Appreciation sa bawat barangay

2. Pamamahagi ng cash incentives at bigas sa mga BHW mula sa bawat barangay, sa pangunguna ni Mayor Marie Claire A. Larita- Natividad

3. Team building at bonding upang mas mapalakas pa ang samahan at teamwork ng ating RHU family at mga BHW at BNS

Maraming salamat kay Mayor Claire sa kanyang patuloy na suporta, at sa lahat ng ating BHWs, BNS, sa mga masisipag na RHU staff na naging aktibo at naging bahagi ng matagumpay na MRSIA campaign.

Congratulations, Patnanungan!
Ang achievement na ito ay bunga ng sama-samang effort, dedikasyon, at pagtutulungan ng bawat isa. ❤️


ACTIVE CASE FINDING | SEPTEMBER 7–9, 2026Matagumpay nating natapos ang 3-day Active Case Finding para sa Tuberculosis ni...
10/09/2026

ACTIVE CASE FINDING | SEPTEMBER 7–9, 2026

Matagumpay nating natapos ang 3-day Active Case Finding para sa Tuberculosis nitong September 7–9, 2026.

Sa loob ng tatlong araw, 463 patients ang nabigyan ng serbisyo, kabilang ang:

• Chest X-ray
• First Patient Encounter and Consultation
• Health Education and Counseling

Maraming salamat po sa Culion Foundation Inc. sa paghatid ng libreng chest X-ray at TB screening services sa ating mga kababayan.

Taos-puso rin po ang aming pasasalamat kay Mayor Marie Claire A. Larita-Natividad sa patuloy na suporta sa mga health programs ng ating bayan.

At siyempre, maraming salamat sa ating masisipag na RHU staff at Barangay Health Workers na naging katuwang natin sa buong 3-day activity. Ang inyong oras, effort, at serbisyo ay malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito.

Ang Patnanungan Primary Care Facility ay Licensed at PhilHealth Accredited para sa TB-DOTS. Para sa mga nangangailangan ng TB consultation, screening, o gamot, maaari po kayong magtungo sa Patnanungan Primary Care Facility

🩻 LIBRENG CHEST X-RAY SA PATNANUNGANHatid sa atin ng Culion Foundation Inc. ang libreng Chest X-Ray para sa ating mga ka...
06/09/2026

🩻 LIBRENG CHEST X-RAY SA PATNANUNGAN

Hatid sa atin ng Culion Foundation Inc. ang libreng Chest X-Ray para sa ating mga kababayan, sa patuloy na suporta ng ating Mayora Marie Claire A. Larita-Natividad at SB on Health Hon. Arman Malabunga.

Venue: Patnanungan RHU
Time: 8:00 AM – 4:00 PM
Maximum 150 persons/day

Para mas mapagbigyan ang mga residente mula sa iba’t ibang barangay, narito po ang schedule:

📅 Sept. 7 – Poblacion
📅 Sept. 8 – Norte, Amaga & Luod
📅 Sept. 9 – Busdak, Katakian & Kilogan

🫁 Mas hinihikayat po ang:
• Senior Citizens
• Mga naninigarilyo
• May close contact sa confirmed TB case
• May hypertension o diabetes
• Mga manggagawa/Job Order personnel
• Immunocompromised individuals
• Mga miyembro ng 4Ps
• May sintomas gaya ng ubo, plema, pagbaba ng timbang at pagpapawis sa gabi

Okay lang po kahit na-X-ray na dati. Ipaalam lamang po sa ating health workers para ma-assess at ma-guide kayo nang maayos.

Para sa masterlist, makipag-ugnayan po sa inyong BHW o magtungo sa Patnanungan RHU sa araw ng inyong schedule.

Maraming salamat po

Address

Patnanungan

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Patnanungan Rural Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Patnanungan Rural Health Unit:

Shortcuts

Share