RHU Polangui Page

Directions

RHU Polangui Page Dedicated to keeping Polangueños healthy with quality healthcare.

Your health is our priority, caring for you from birth and beyond.

📍Zone 1, Gabon, Polangui, Albay (beside Polangui BIGGS)
📩 Message us for inquiries and appointments
🕐 8:00am - 5:00pm

‼️ASHFALL HINDI ORDINARYONG ALIKABOK; PWEDENG MAKASIKIP SA PAGHINGA‼️Protektahan ang sarili sa ash fall:✅ Manatili sa lo...
31/10/2026

‼️ASHFALL HINDI ORDINARYONG ALIKABOK; PWEDENG MAKASIKIP SA PAGHINGA‼️

Protektahan ang sarili sa ash fall:

✅ Manatili sa loob ng bahay
✅ Magsuot ng mask (N95 kung mayroon) o ng basang tela
✅ Protektahan ang mga mata, magsuot ng salaming panangga
✅ Takpan ang katawan, magsuot ng damit na mahaba ang manggas, pantalon at sumbrero
✅ Hugasan ang mga kamay, mukha at bahaging nalantad ng balat pagkagaling sa labas
✅ Limitahan ang pagbyahe
✅ Maging alerto sa balita

Mapanganib kung malalanghap ang abo mula sa bulkan. Alagaan ang sarili at ang iba.

Ipaalam sa publiko ang tamang impormasyon at mga dapat gawin para maging ligtas ang kalusugan. ‘Wag gawing biro ang kahit anong sakuna.



PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INIT ☀️Ang El Niño ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karagata...
31/10/2026

PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INIT ☀️

Ang El Niño ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karagatang Pasipiko. Dahil dito, mas mainit ang panahon at mas kaunti ang ulan sa loob ng ilang buwan. May ulan pa rin, pero hindi ito kasing-dalas ng karaniwan.

Kung nakararanas ng pagkahilo, lagnat, pangangalay, mainit at namumulang balat, o pagkawalang-malay, agad na gawin ang mga sumusunod:
✅Ilipat ang pasyente sa lugar na malilim, malamig, at iwas sa tirik na araw.
✅Tumawag agad sa Emergency #911 o kumonsulta sa pinakamalapit na health center.
✅Tanggalin ang mga damit na nakadadagdag sa init ng katawan.
✅Palamigin ang katawan gamit ang ice packs, pamaypay, at tubig.

Let’s beat the heat sa tulong ng mga reminders sa tag-init. 💪



HUWAG IPAGWALANG-BAHALA ANG SEVERE DENGUE SYMPTOMS 🦟Ang dengue ay maaaring lumala at mauwi sa malubhang kondisyon. Kung ...
31/10/2026

HUWAG IPAGWALANG-BAHALA ANG SEVERE DENGUE SYMPTOMS 🦟

Ang dengue ay maaaring lumala at mauwi sa malubhang kondisyon. Kung nakakaranas ng matinding pananakit ng tiyan, paulit-ulit na pagsusuka, pagdurugo, pagsusuka o pagdumi na may dugo, matinding panghihina, o pagiging balisa, huwag nang maghintay.

Kapag may sintomas, magpatingin agad sa pinakamalapit na health facility. Maagang pagpapatingin at agarang pagkilos ay mahalaga upang maiwasan ang malubhang komplikasyon ng dengue.

Samantala, makiisa sa 4Ts—Taob, Taktak, Tuyo, Takip—upang maiwasan ang pagdami ng lamok na maaaring magdala ng dengue.






📢 PUBLIKONG PAALALA MULA SA RHU POLANGUI 🌿🕯️Sa ating pagtungo sa mga sementeryo ngayong Undas upang alalahanin ang ating...
31/10/2026

📢 PUBLIKONG PAALALA MULA SA RHU POLANGUI 🌿🕯️

Sa ating pagtungo sa mga sementeryo ngayong Undas upang alalahanin ang ating mga mahal sa buhay, prayoridad pa rin ang kalusugan at kaligtasan ng bawat pamilya.

Para sa isang payapa, malinis, at ligtas na pagbisita, pinaalalahanan ang lahat na mag-ingat laban sa iba't ibang sakit at hazard tulad ng dengue, matinding init ng panahon, at posibleng ash fall. Sundin ang mga direktiba ng ating mga health workers at awtoridad sa loob ng sementeryo.

Magtulungan po tayo para sa ligtas na pag-alaala. Ingat po tayong lahat sa ating biyahe at pagbisita! 🙏✨

𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗣𝗢 🩸📍 Barangay Napo📅 October 21, 2026Isinagawa ang Mobile Blood Donation Activity sa ...
30/10/2026

𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗣𝗢 🩸

📍 Barangay Napo
📅 October 21, 2026

Isinagawa ang Mobile Blood Donation Activity sa Barangay Napo upang hikayatin ang mga mamamayan na makibahagi sa boluntaryong pagbibigay ng dugo. Sa pamamagitan ng simpleng gawaing ito, nagkakaroon tayo ng pagkakataong makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo.

Ang bawat donasyon ay may mahalagang ambag sa pagliligtas ng buhay. Maraming salamat sa lahat ng donors at sa mga indibidwal na nakiisa at sumuporta sa gawaing ito.

𝗡𝗖𝗗 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞-𝗨𝗣 | 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 🩺📍 Barangay Cotnogan📅 October 20, 2026Mas inilalapit ang mga serbisyong pang...
30/10/2026

𝗡𝗖𝗗 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞-𝗨𝗣 | 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 🩺

📍 Barangay Cotnogan
📅 October 20, 2026

Mas inilalapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan! Nagsagawa ang RHU Polangui Team ng NCD (Non-Communicable Diseases) Check-Up upang masubaybayan ang kalagayan ng kalusugan ng mga residente at maagapan ang mga karaniwang sakit tulad ng altapresyon at diabetes.

Sa pamamagitan ng regular na pagsusuri at konsultasyon, hinihikayat natin ang bawat isa na pahalagahan ang sariling kalusugan, magkaroon ng malusog na pamumuhay, at maiwasan ang mga komplikasyon dulot ng mga hindi nakahahawang sakit.

𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 🦟📍 Santicon Elementary School, Barangay Santicon📆 October 20, 2026Bilang paghahand...
30/10/2026

𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 🦟

📍 Santicon Elementary School, Barangay Santicon
📆 October 20, 2026

Bilang paghahanda sa isasagawang misting, nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Santicon Elementary School sa pagtutulungan ng BUP, Barangay Council, mga g**o, magulang, at mga miyembro ng 4Ps. Layunin ng aktibidad na linisin ang paligid at alisin ang mga posibleng pinamumugaran ng lamok.

Mahalaga ang paglilinis ng kapaligiran bilang bahagi ng komprehensibong hakbang laban sa dengue. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng paaralan at komunidad, mas napapalakas ang ating pagsisikap na mapanatiling ligtas at malusog ang kapaligiran para sa mga mag-aaral at residente.

𝗦𝗮𝗿𝗮𝗿𝗼, 𝗦𝗮𝗿𝗮𝗯𝗮𝘆, 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗗𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲 𝘀𝗮 𝗔𝗹𝗯𝗮𝘆!

𝐈𝐧 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐬 | PuroKalusugan Program at Barangay Buyo 🩺The PuroKalusugan Program continues to bring essential healthcare se...
19/10/2026

𝐈𝐧 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐬 | PuroKalusugan Program at Barangay Buyo 🩺

The PuroKalusugan Program continues to bring essential healthcare services closer to the community of Barangay Buyo, promoting disease prevention, early detection, and improved access to quality primary healthcare for every family.

The activity was made possible through the collaborative efforts of the Rural Health Unit (RHU) team, barangay officials, Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), and community volunteers, all working together toward a healthier and more empowered community.

We extend our heartfelt gratitude to Sacred Heart Clinic for providing free chest X-ray services, greatly contributing to the early detection of possible health concerns and strengthening our community-based healthcare initiatives.

Our sincere appreciation also goes to the Philippine Dental Association (PDA) – Albay Chapter headed by Dr. Froilan Estiller for their generous donation of free dental kits and food packs, helping promote oral health and providing additional support to our community members.

We are equally grateful to all barangay officials, healthcare professionals, partner organizations, volunteers, and community members whose support and cooperation made this activity successful and meaningful.

Together, through collaboration and bayanihan, we continue to make healthcare more accessible to everyone.

Maraming salamat po sa inyong malasakit at patuloy na suporta para sa kalusugan ng bawat pamilyang Pilipino! 💚






𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 🦟🧹📍 Barangay LourdesBawat sulok na malinis ay dagdag na proteksyon laban sa den...
19/10/2026

𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 🦟🧹

📍 Barangay Lourdes

Bawat sulok na malinis ay dagdag na proteksyon laban sa dengue! Isinagawa ang Clean-Up Drive sa Barangay Lourdes upang alisin ang mga naipong kalat at matugunan ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.

Mahalaga ang patuloy na paglilinis at pag-aalis ng mga naipong tubig upang maiwasan ang pagdami ng lamok na nagdadala ng dengue. Sa simpleng pagkilos at disiplina sa kapaligiran, makatutulong ang bawat isa sa pagpapanatiling ligtas at malusog ng komunidad.

𝗦𝗮𝗿𝗮𝗿𝗼, 𝗦𝗮𝗿𝗮𝗯𝗮𝘆, 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗗𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲 𝘀𝗮 𝗔𝗹𝗯𝗮𝘆!

𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 & 𝗖𝗔𝗦𝗘 𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 🦟🧹📍 Alnay Elementary School and Barangay AlnayNagsagawa n...
19/10/2026

𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 & 𝗖𝗔𝗦𝗘 𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 🦟🧹

📍 Alnay Elementary School and Barangay Alnay

Nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Alnay Elementary School upang mapanatiling malinis ang kapaligiran ng paaralan at maalis ang mga posibleng pamugaran ng lamok. Ang pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan ay mahalagang hakbang upang makatulong na maprotektahan ang mga mag-aaral at kawani laban sa dengue.

Samantala, isinagawa ni Nurse Bianca ang dengue case investigation sa Barangay Alnay bilang bahagi ng patuloy na pagbabantay at pag-iwas sa pagkalat ng sakit. Sa pamamagitan ng paglilinis ng kapaligiran at maagap na pagsasagawa ng mga hakbang pangkalusugan, patuloy na pinapalakas ang kampanya laban sa dengue.

𝗦𝗮𝗿𝗮𝗿𝗼, 𝗦𝗮𝗿𝗮𝗯𝗮𝘆, 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗗𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲 𝘀𝗮 𝗔𝗹𝗯𝗮𝘆!

Address

Zone 1, Gabon, Albay
Polangui
4506

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Polangui Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share