28/07/2026
𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐇𝐞𝐩𝐚𝐭𝐢𝐭𝐢𝐬 𝐃𝐚𝐲: 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐇𝐞𝐩𝐚𝐭𝐢𝐭𝐢𝐬
Sa temang “Hepatitis: Let’s Break It Down”, ipinagdiriwang ngayon ang World Hepatitis Day na may panawagang basagin ang mga hadlang, maling paniniwala, at kakulangan sa kaalaman tungkol sa hepatitis upang mas maraming tao ang magkaroon ng access sa tamang impormasyon, pagsusuri, at paggamot.
Ang hepatitis ay maaaring maiwasan, matukoy nang maaga, at magamot. Mas mapoprotektahan natin ang ating atay, kalusugan, at kinabukasan sa pamamagitan ng tamang impormasyon at pangangalaga.
Sa Quezon City, mayroong libreng Hepatitis B screening sa ating mga Social Hygiene Clinic at Klinika, kasama ng iba pang STI test at HIV test.
✅ Social Hygiene Clinic:
Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM
✅ Klinika (Sundown Clinic)
Lunes hanggang Biyernes, 3:00 PM hanggang 11:00PM
✅ Klinika Eastwood
Lunes hanggang Biyernes, 12:00 PM hanggang 9:00 PM
Para sa iba pang update, i-follow, at mag-message sa aming page.
☎️ QCESD Hotline:
8703-2759
0962-274-7107
8988-4242 loc. 1609