29/03/2025
𝗦𝗶 𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗜𝗗𝗔!
Bakit Walang Nag-i-inquire sa Video Ads Mo?
bakit kaya mabilis mag-flop ng video ads namin?
Sa TikTok okay siya, pero sa Meta, bagsak.
Alam mo kung saan ako unang tumitingin?
Sa storytelling metrics.
Specifically, video views percentage.
At paano ko siya ina-assess?
Simple lang!
Ginagamit ko si Aling AIDA isang OG framework na makakatulong para malaman kung bakit hindi nagwo-work ang video ad mo.
AIDA Framework for Video Ads
𝐀 – 𝐀𝐭𝐭𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐮𝐡𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐬𝐢𝐧?)
✅ Hook Rate = (3-second video views ÷ impressions)
📌 Goal: Dapat 30% pataas.
👉 Kung mababa, ayusin ang first few seconds!
Baka doon pa lang, hindi na sila interesado.
𝐈 – 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐞𝐬𝐭 (𝐏𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐧𝐨𝐨𝐝 𝐛𝐚 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐥?)
✅ Check Average Watch Time
📌 Example
Kung 1-minute video mo, pero 3 seconds lang ang average watch time, may problema!
👉 Nahook mo sila, pero biglang umalis.
Ibig sabihin, hindi sila interested sa next part ng ad mo.
𝐃 – 𝐃𝐞𝐬𝐢𝐫𝐞 (𝐌𝐚𝐲 𝐠𝐚𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐬𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠-𝐜𝐥𝐢𝐜𝐤?)
✅ Check CTR (Click-Through Rate)
📌 Kung mataas ang watch time pero mababa ang CTR...
👉 Baka kulang sa excitement o persuasion ang video mo!.
Walang strong reason para mag-click sila.
𝐀 – 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐍𝐚𝐠𝐤𝐨-𝐜𝐨𝐧𝐯𝐞𝐫𝐭 𝐛𝐚 𝐬𝐢𝐥𝐚?)
✅ Are they buying?
✅ Are they signing up?
✅ Are they converting?
👉 At the end of the day, lahat ng ginagawa mo dapat may result SALES.
Anong Gagawin Mo Ngayon?
Kung bagsak lagi ang video ads mo, i-check mo si Aling AIDA.
Malaking chance na doon mo makikita ang problema.
🚀 Fix mo to, at baka next ad mo, viral na!
To winning ads & conversions,
Brayan Marcial