22/05/2026
DOH MEDICAL ASSISTANCE:: Paano makakakuha ng tulong sa gastusing medikal sa pamamagitan ng MAIFIP Program?
Mabigat ba sa bulsa ang nagdaang pagkakasakit o kasalukuyang pagpapagamot?
Basahin ang gabay na ito! π
Ano ang MAIFIP Program?
Ang Medical Assistance to Indigent and Financial Incapacitated Patients (MAIFIP) ay isang programa ng Department of Health (DOH). Layunin nitong magbigay ng tulong-pinansyal para sa mga medikal na gastusin na lumampas na sa saklaw o limitasyon ng iyong PhilHealth.
Saan Maaaring Mag-apply at Paano Malalaman kung may MOA sa DOH?
Pumunta sa pinakamalapit na awtorisadong Health Facility (gobyerno man o pribado). Upang makasiguro kung ang ospital ay may aktibong kasunduan o Memorandum of Agreement (MOA) sa DOH, sundin ang mga ito:
Saan Direktang Lalapit at Magtatanong?
Pwede kang magtanong sa Billing Office o sa Medical Social Services (Social Work Department) ng ospital
Tip: Kahit alin sa dalawa ang lapitan mo, alam nila kung may active MAIFIP program ang ospital. Pero tandaan, ang Medical Social Services pa rin ang magche-check at mag-aapprove ng requirements mo
Paano Magtanong?
Pwede mong sabihin sa Social Worker:
"May active MOA po ba ang ospital na ito sa DOH para sa MAIFIP Program? π
May available pa po bang pondo rito o kailangan pa naming kumuha ng Guarantee Letter (GL) sa DOH Regional Office?"
(Simple tanong pero malaking tulong agad ππ)
Mga Uri ng Ospital na Kadalasang may MAIFIP:
β
DOH Hospitals at Specialty Hospitals
β
Government Hospitals (LGU, SUC, DND, PNP, atbp.)
β
Partner Private Hospitals at pribadong klinika (Dialysis, Eye Center, Dental, atbp. na accredited ng DOH)
Mga Kinakailangang Dokumento (Requirements)
Ihanda ang mga sumusunod depende sa sitwasyon mo π
Para sa In-Patient (Naka-confine):
-Kopya ng Hospital Bill / Statement of Account (SOA)
- Valid ID ng pasyente
(Kung walang valid ID: ID mula sa medical social services, Barangay Certificate of Residence para sa mga nasa GIDA/liblib na lugar, o Certification para sa katutubo mula sa IP representatives)
Katibayan na kwalipikado sa ayuda (Certificate of Eligibility/Social Case Summary mula sa social worker, Barangay Certificate of Indigency, o 4Ps ID)
Para sa Out-Patient:
- Reseta ng gamot, treatment plan, o request para sa laboratory/diagnostic test mula sa doktor
-Valid ID ng pasyente (o alternative proof)
- Katibayan na kwalipikado sa ayuda
Para sa mga Espesyal na Klinika (Ambulatory, Eye Centers, Dental, at Dialysis):
-Reseta, treatment plan, laboratory/dental orders, o referral form mula sa doktor/dentista
-Para sa Dialysis: Reseta para sa hemodialysis at kopya ng PhilHealth certification ng nagamit na sessions
-Valid ID ng pasyente at Katibayan na kwalipikado sa ayuda
Ano-ano ang mga Sakop na Serbisyo ng MAIFIP?
-Mga gamot na aprubado ng FDA
- Laboratory tests, X-ray, ultrasound, scans, at iba pang diagnostic procedures
- Dugo at mga kaugnay na pagsusuri
- Mga operasyon, high-risk na pagbubuntis/panganganak, implants, at medical devices
-Dental services (ayon sa DOH guidelines)
-Dagdag na dialysis sessions na lampas na sa saklaw ng PhilHealth
-Gamutan pagkatapos ma-discharge, rehabilitation, at mental/psychosocial support
- Natitirang bayarin matapos ibawas ang discounts at iba pang tulong
- Professional fees ng doktor (ayon sa DOH guidelines)
TANDAAN: Ang professional fees na sasagutin ng MAIFIP ay para lamang sa mga pribadong doktor na nagbigay-serbisyo sa pasyente. Kapag ward o basic accommodation ang gamit, posible itong ma-waive o hindi na singilin ng ospital.
Simple at Direktang Proseso ng Pagpasa
Kapag kumpleto na ang documents mo, ito ang mga next steps
π
HAKBANG 1: Kung may pondo sa ospital
Dalhin ang requirements sa Medical Social Services o Malasakit Center. Sila na ang bahala mag-evaluate at magproseso ng bawas sa bill mo
HAKBANG 2: Kung walang pondo o walang desk ang ospital
(Gaya ng ilang private hospitals)
Ikaw o kamag-anak mo ang pupunta sa pinakamalapit na DOH Regional Office (CHD) o DOH Satellite Office para magsumite ng requirements at kumuha ng Guarantee Letter (GL) π
HAKBANG 3: Pagbawas sa Huling Bill
Ipasa ang approved papers o Guarantee Letter (GL) sa Billing Office para maibawas na ang tulong-pinansyal sa total bill.
β οΈ MAHALAGANG PAALALA:
Ang MAIFIP Program ay NATIONWIDE
Hindi lang ito para sa NCR β kahit nasa Luzon, Visayas, o Mindanao ka, pwede kang magtanong at mag-avail ng assistance sa pinakamalapit na DOH-retained hospital, provincial/district hospital, o partner private facility.