Rural Health Unit- San Francisco, Quezon

Call Directions Contact the business

Rural Health Unit- San Francisco, Quezon Official Page of San Francisco Quezon Rural Health Unit

BAKUNA ESKWELA: PROTEKSYON PARA SA KABATAAN!Patuloy na isinusulong ng Department of Health (DOH), sa pakikipagtulungan n...
25/10/2026

BAKUNA ESKWELA: PROTEKSYON PARA SA KABATAAN!

Patuloy na isinusulong ng Department of Health (DOH), sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) at ng mga paaralan, ang Bakuna Eskwela bilang bahagi ng School-Based Immunization Program upang maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Sino ang mga maaaring mabakunahan?

GRADE 1 AT GRADE 7
Mga bakunang:
Measles-Rubella (MR) – Proteksyon laban sa tigdas at rubella.
Tetanus-Diphtheria (Td) – Proteksyon laban sa tetanus at diphtheria.

GRADE 4 AT GRADE 5 NA MGA BATANG BABAE
Human Papillomavirus (HPV) Vaccine – Tumutulong na maprotektahan laban sa impeksiyong dulot ng HPV na maaaring humantong sa cervical cancer.

Bakit mahalaga ang Bakuna Eskwela?

Ang pagbabakuna ay isang mahalagang hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga bata, maiwasan ang pagkalat ng mga sakit, at makatulong sa pagbuo ng mas ligtas at malusog na komunidad.

Mga magulang at tagapag-alaga, ang inyong suporta ay mahalaga! Makipag-ugnayan sa paaralan at sa mga health worker upang malaman ang iskedyul ng pagbabakuna at ang mga kinakailangang pahintulot para sa inyong mga anak.

Sama-sama nating suportahan ang Bakuna Eskwela para sa mas ligtas, malusog, at protektadong kabataan!




!

HEALTH PROMOTION | RHU SAN FRANCISCO, QUEZONSa mga nakaraang linggo, nagsagawa ang Rural Health Unit (RHU) San Francisco...
25/10/2026

HEALTH PROMOTION | RHU SAN FRANCISCO, QUEZON

Sa mga nakaraang linggo, nagsagawa ang Rural Health Unit (RHU) San Francisco, Quezon ng mga gawaing pangkalusugan na naglalayong palawakin ang kaalaman ng ating mga kababayan tungkol sa kahalagahan ng pag-iwas sa sakit, maagang pagtukoy, at wastong pangangalaga sa kalusugan.

1. Dengue Prevention and Control
Tinalakay ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran, pagsasagawa ng 4S Strategy laban sa dengue, at maagang pagpapakonsulta kapag nakararanas ng mga sintomas ng sakit.

2. Cervical Cancer Screening and Treatment
Binigyang-diin ang kahalagahan ng regular na cervical cancer screening, maagang pagtukoy ng mga abnormalidad, at agarang pagpapagamot upang maiwasan ang paglala ng sakit.

3. Oral Health Preventive Program
Ibinahagi ang wastong pagsisipilyo gamit ang fluoride toothpaste, pagpapanatili ng malusog na ngipin at gilagid, at kahalagahan ng regular na pagpapatingin sa dentista.

Sa pamamagitan ng patuloy na health promotion, layunin ng RHU na hikayatin ang bawat isa na maging aktibong katuwang sa pangangalaga ng sariling kalusugan, ng pamilya, at ng buong komunidad.

👁️ 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔, 𝗞𝗔𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻!Hatid ng 𝘾𝙖𝙩𝙖𝙣𝙖𝙪𝙖𝙣 𝙀𝙮𝙚 𝘾𝙖𝙧𝙚 𝘾𝙚𝙣𝙩𝙚𝙧, katuwang ang PhilHealth, ang 𝘓𝘪𝘣𝘳𝘦...
21/10/2026

👁️ 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔, 𝗞𝗔𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻!

Hatid ng 𝘾𝙖𝙩𝙖𝙣𝙖𝙪𝙖𝙣 𝙀𝙮𝙚 𝘾𝙖𝙧𝙚 𝘾𝙚𝙣𝙩𝙚𝙧, katuwang ang PhilHealth, ang 𝘓𝘪𝘣𝘳𝘦𝘯𝘨 𝘌𝘺𝘦 𝘚𝘤𝘳𝘦𝘦𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘵 𝘍𝘳𝘦𝘦 𝘊𝘰𝘯𝘴𝘶𝘭𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 para sa mga senior citizen at indibidwal na may diabetes, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pangangalaga sa kalusugan ng ating mga mata.

📅 Nobyembre 3, 2026 (Martes)
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM
📍 Municipal Covered Court, Brgy. Poblacion, San Francisco, Quezon

Layunin ng programang ito na makatulong sa maagang pagtukoy ng mga problema sa paningin, kabilang ang Diabetic Retinopathy at Macular Degeneration, upang mabigyang-pansin ang mga kondisyong maaaring makaapekto sa kalusugan ng ating mga mata.

𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: Magdala ng inyong 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐈𝐃 sa araw ng screening.

Hinihikayat ang mga KAbabayan nating kabilang sa mga benepisyaryo na samantalahin ang serbisyong ito. Huwag nating ipagwalang-bahala ang kalusugan ng ating mga mata dahil ang malinaw na paningin ay mahalagang bahagi ng maayos at malusog na pamumuhay.

Para sa mas malusog na San Francisco, sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan! 💖


📢 MGA KARAGDAGANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN SA RHU SAN FRANCISCO!May iba pa kaming serbisyong pangkalusugan na handang ma...
16/10/2026

📢 MGA KARAGDAGANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN SA RHU SAN FRANCISCO!

May iba pa kaming serbisyong pangkalusugan na handang magbigay ng gabay, suporta, at pangangalaga para sa bawat Aurorahin!

Bukod sa regular na OPD tuwing Lunes hanggang Huwebes, narito ang iba pang serbisyong maaari ninyong ma-avail sa Rural Health Unit (RHU) San Francisco, Quezon:

1. Mental Health Counseling
Miyerkules | 1:00 PM – 4:00 PM

2. Cervical and Breast Cancer Screening and Counseling
Huwebes | 1:00 PM – 4:00 PM
📌 By appointment

3. HIV Screening and Counseling
Biyernes | 1:00 PM – 5:00 PM

4. Family Planning Counseling
Biyernes | 1:00 PM – 4:00 PM

Alagaan ang kalusugan, huwag ipagpaliban ang pagpapatingin! Ang maagang pagkonsulta, tamang impormasyon, at regular na screening ay mahalagang hakbang tungo sa mas malusog na pamumuhay.

📍 Bisitahin ang RHU San Francisco para sa karagdagang impormasyon at gabay tungkol sa mga serbisyong ito.

🩷 NATIONAL PREGNANCY AND INFANT LOSS REMEMBRANCE DAY | OCTOBER 15 🩷Ngayong araw, inaalala at pinararangalan natin ang mg...
15/10/2026

🩷 NATIONAL PREGNANCY AND INFANT LOSS REMEMBRANCE DAY | OCTOBER 15 🩷

Ngayong araw, inaalala at pinararangalan natin ang mga inang pumanaw, ang mga sanggol na hindi man lamang nagkaroon ng pagkakataong yakapin at makasama nang matagal ng kanilang mga magulang, at ang bawat pamilyang nakaranas ng masakit na pagkawala.

Sa likod ng bawat pagkawala ay may pagmamahal na hindi kailanman maglalaho, mga pangarap na mananatili sa puso, at mga alaalang habang-buhay na iingatan. Yakap at panalangin para sa mga magulang at pamilyang patuloy na nagdadalamhati. Nawa’y matagpuan ninyo ang lakas, pag-asa, at kapayapaan sa kabila ng sakit.

Hindi man naging mahaba ang panahon ng inyong pagsasama, ang pagmamahal ay mananatili magpakailanman. 🕯️🤍





Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!Kasalukuyang isinasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela n...
08/10/2026

Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!
Kasalukuyang isinasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela na naglalayong magbigay proteksyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga paaralan laban sa mga vaccine preventable diseases (VPDs) tulad ng:
✅ measles;
✅ rubella;
✅ diphtheria; at
✅ human papillomavirus.
Ang Bakuna Eskwela ay para sa mga mag-aaral na kabilang sa mga itinakdang baitang, alinsunod sa mga inirerekomendang bakuna:
Para sa Grade 1 at Grade 7:
✅ Measles-Rubella
✅ Tetanus-Diphtheria
Para sa Grade 4 at Grade 5 na babae:
✅Human Papillomavirus (HPV)
Magpabakuna Na!



!

KAMPANYA PARA SA MENTAL HEALTH, HIV, AT TEENAGE PREGNANCY 2026 🧠❤️Isinagawa ng Rural Health Unit – San Francisco, Quezon...
08/10/2026

KAMPANYA PARA SA MENTAL HEALTH, HIV, AT TEENAGE PREGNANCY 2026 🧠❤️

Isinagawa ng Rural Health Unit – San Francisco, Quezon ang Mental Health, HIV, at Teenage Pregnancy Awareness Campaign mula Setyembre 21–25, 2026 sa iba’t ibang paaralan sa ating bayan.

🏫 Mga paaralang nakiisa sa kampanya:

📍 Lualhati Edano National High School
📍 Pagsangahan National High School
📍 Butanguiad National High School
📍 Pugon National High School
📍 Casay National High School
📍 Renato E. Vicencio National High School
📍 Madagoldol National High School
📍 Huyon-Uyon National High School
📍 Sto. Niño National High School
📍 Jacinto Esplana National High School
📍 Marcial B. Villanueva National High School

Taos pusong pasasalamat sa aming mga speaskers na nagbahagi ng kanilang kaalaman at mahahalagang impormasyon para sa ating mga kabataan na sina:

Ms. Hannah D. Patag, RMT
Mr. Michael Francis Velarde, RN, LPT

Lubos ang aming pasasalamat kay Nurse Dianne Maricar L. Galang, SF2 District Nurse, bilang organizer ng makabuluhang kampanyang ito. Sa mga District Supervisors, School Heads, at mga G**o, maraming salamat sa inyong dedikasyon at patuloy na pagsisikap na maihatid ang mahahalagang impormasyon at serbisyong pangkalusugan sa ating mga kabataan

Ang kabataan ay mahalagang katuwang sa pagbuo ng malusog, ligtas, at maunlad na komunidad. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at suporta, mas magiging handa silang pangalagaan ang kanilang sarili at gumawa ng mga desisyong makabubuti sa kanilang kinabukasan.

Kabataan ay Gabayan, Kalusugan ay Pangalagaan!




ALAS KWATRO KONTRA MOSQUITO! Kontra Dengue, Sama-Sama Tayo!Kaugnay ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue, nagsagaw...
22/09/2026

ALAS KWATRO KONTRA MOSQUITO!
Kontra Dengue, Sama-Sama Tayo!

Kaugnay ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue, nagsagawa ang Sanitary Office ng Rural Health Unit (RHU) San Francisco, sa pangunguna ni Sanitary Inspector Frank Robert Aguila, ng misting operations sa mga lugar na may naiulat na kaso ng dengue upang makatulong na makontrol ang pagdami ng lamok at mabawasan ang panganib ng dengue transmission.

📍 Mga lugar na isinagawa ang misting operation:
• Brgy. Poblacion – Purok 3, 4, 7 at AES
• Brgy. Nasalaan
• Brgy. Pagsangahan

Gayunpaman, tandaan na hindi sapat ang misting lamang upang tuluyang maiwasan ang dengue. Ang pinakamahalagang hakbang ay ang patuloy na paglilinis ng ating kapaligiran at pagsugpo sa mga pinamumugaran ng lamok.

TAOB – Itagilid o alisin ang mga bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig.
TAKTAK – Itapon ang mga kalat at bagay na maaaring pamugaran ng lamok.
TUYO – Panatilihing tuyo ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.
TAKIP – Takpan nang maayos ang mga lalagyan ng tubig.

Alas Kwatro Kontra Mosquito!
Maglinis. Magtapon. Magtakip. Maging alerto laban sa dengue.

Sama-sama nating sugpuin ang dengue! Para sa ligtas at malusog na San Francisco!


PHILHEALTH YAKAP CARAVAN | Bringing Healthcare Closer to Our Community! 📅 September 17, 2026The PhilHealth YAKAP Caravan...
22/09/2026

PHILHEALTH YAKAP CARAVAN | Bringing Healthcare Closer to Our Community!

📅 September 17, 2026

The PhilHealth YAKAP Caravan was successfully conducted through the collaborative efforts of the Municipal Health Office of San Francisco and PhilHealth, bringing essential healthcare information and services closer to our community.

The activity was headed by Program Coordinator Nurse Ann Lorraine Palma, in partnership with PhilHealth, and was graced by an inspiring Welcome Message from our Sangguniang Bayan Committee Chairperson on Health, Dra. Ruby Aguila and Doctor to the Barrio, Dr. Yves Jethro Reyes.

Through the YAKAP Program, we continue to strengthen access to quality, affordable, and preventive healthcare services for every Filipino. Together, we move closer toward a healthier and more empowered community.


📢 NOTICE TO THE PUBLICTEMPORARY UNAVAILABILITY OF PHYSICIANS / NO OPD CONSULTATIONPlease be informed that there will be ...
21/09/2026

📢 NOTICE TO THE PUBLIC
TEMPORARY UNAVAILABILITY OF PHYSICIANS / NO OPD CONSULTATION

Please be informed that there will be NO OPD CONSULTATIONS from September 22–25, 2026 (Tuesday–Friday) as our physicians will be attending official trainings.

Regular OPD consultations will resume on September 28, 2026 (Monday).

We apologize for the inconvenience.

FOR EMERGENCIES AND URGENT CASES:
All medical emergencies, serious injuries, acute illnesses, and life-threatening conditions are advised to proceed immediately to the nearest hospital.

Thank you for your understanding and cooperation.

Address

Jorquia Street Corner Galicano Ner, Poblacion
San Francisco
4315

Telephone

+639150144797

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rural Health Unit- San Francisco, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Rural Health Unit- San Francisco, Quezon:

Shortcuts

Share

Nearby health & beauty businesses