07/10/2026
💉📚 BAKUNA ESKWELA 2026: BAKUNA PARA SA MAS LIGTAS AT MAS MALUSOG NA PAG-AARAL! 🛡️❤️
📣 Mga minamahal na magulang at guardians, hinihikayat po namin kayong hikayatin at suportahan ang inyong mga anak na makilahok sa School-Based Immunization (SBI) na magsisimula sa Oktubre 19, 2026 sa mga paaralan.
👦👧 Sino ang bibigyan ng bakuna?
🔹 Grade 1 at Grade 7 Learners
💉 Measles-Rubella (MR)
💉 Tetanus-Diphtheria (Td)
🔹 Grade 4–5 Female Learners
💉 Human Papillomavirus (HPV) Vaccine
✨ Mga magulang, ang inyong pahintulot at suporta ay mahalaga! Ang pagbabakuna ay isang ligtas at mabisang paraan upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
🤝 Makipagtulungan sa paaralan at health workers. Pakinggan ang orientation, sagutan ang kinakailangang consent form, at hikayatin ang inyong anak na maging BAKUNADO at PROTEKTADO!
💚 Isang bakuna, dagdag proteksyon. Isang hakbang, mas ligtas na kinabukasan!
Tara, magpabakuna! Para sa batang malusog, paaralang ligtas, at komunidad na protektado! 💉🫶