27/08/2026
LIBRENG TB MASS SCREENING! 📋
Katuwang ang inyong lokal na pamahalaan,
Ang CITY HEALTH CENTER II ay magsasagawa ng Libreng TB Mass Screening para sa lahat ng kwalipikadong residente.
📍 DETALYE NG AKTIBIDAD
ANO: TB Mass Screening (Libreng Konsultasyon at Pagsusuri)
KAILAN: August 28, 2026 (BIYERNES)
ORAS: 7:00 AM – 2:00 PM
SAAN: COVERED COURT, BRGY. TUNGKONG MANGGA, CSJDM BULACAN
👥 SINO ANG MAARING PUMUNTA?
Bukas ito para sa lahat ng may edad 15 taong gulang pataas, lalo na ang mga sumusunod:
*Mga nakatira sa bahay na may pasyenteng may TB (Close Contacts).
*May mga sakit na nagpapahina ng resistensya (Diabetes, HIV, o Malnutrition).
*Mga nakatira sa siksik na lugar o komunidad.
*Mga nakatatanda (Senior Citizens).
*Mga manggagawang lantad sa alikabok (Silica dust) o Healthcare Workers.
⚠️ PAALALA: Para sa mga batang 0–14 taong gulang, mangyaring kumunsulta muna sa healthcare provider para sa tamang proseso ng pagsusuri.
BAKIT MAHALAGANG MAGPA-SCREEN?
Ang maagang pagtukoy sa TB ay susi sa mabilis na paggaling at pag-iwas sa pagkalat ng sakit sa pamilya at komunidad. Huwag matakot, ang TB ay may lunas!
City of San Jose del Monte - City Health Office