San Mariano Rural Health Unit

Directions

San Mariano Rural Health Unit RHU San Mariano Health Education and Promotion Unit (HEPU) FB Page

📢 STRENGTHENING PUBLIC HEALTH AND SANITATION IN SAN MARIANO! 🏛️💧On Monday, October 19, 2026, representatives from the Mu...
22/10/2026

📢 STRENGTHENING PUBLIC HEALTH AND SANITATION IN SAN MARIANO! 🏛️💧
On Monday, October 19, 2026, representatives from the Municipal Health Office attended the 62nd Regular Session of the 2025–2028 Sangguniang Bayan of the Municipality of San Mariano, Isabela, to discuss important public health concerns, particularly waterborne and foodborne diseases, sanitary permits, and food handler certificates.
The discussion highlights the importance of strengthening public health measures, ensuring compliance with sanitation standards, and promoting food and water safety to protect the health and well-being of the community.
🤝 Through collaboration between the Municipal Health Office and the Sangguniang Bayan, we continue to work toward a safer, healthier, and more sanitary Municipality of San Mariano.
💚 Ligtas na pagkain, malinis na tubig, malusog na pamayanan!

📣💚 ALAMIN ANG BENEPISYO, ALAGAAN ANG KALUSUGAN! 👩‍⚕️👵👴A healthier tomorrow starts with the right information today! 🩺✨Ye...
22/10/2026

📣💚 ALAMIN ANG BENEPISYO, ALAGAAN ANG KALUSUGAN! 👩‍⚕️👵👴
A healthier tomorrow starts with the right information today! 🩺✨
Yesterday, October 21, 2026, our Municipal Health Officer, Dr. Amelia Zambrano leads an Information, Education, and Communication (IEC) session for our beloved senior citizens, providing valuable information about PhilHealth YAKAP and other RHU Outpatient Department (OPD) Services to help them better understand and access available healthcare services.
💙 Because our Lolos and Lolas deserve not only care, but also the knowledge and support they need to live healthier, happier lives!
🌿 Serbisyong pangkalusugan, kaalamang nagbibigay-lakas, at malasakit para sa ating mga nakatatanda!
💚

PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INIT!Ang El Niño ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karagatang...
21/10/2026

PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INIT!

Ang El Niño ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karagatang Pasipiko. Dahil dito, mas mainit ang panahon at mas kaunti ang ulan sa loob ng ilang buwan. May ulan pa rin, pero hindi ito kasing dalas ng karaniwan.

Kung may makitang palatandaan ng heat stroke, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o dalhin sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar.





GAWIN ANG DALAWANG SIMPLENG HAKBANG PARA MASIGURONG LIGTAS ANG INUMING TUBIG!Detalye sa comment section.
21/10/2026

GAWIN ANG DALAWANG SIMPLENG HAKBANG PARA MASIGURONG LIGTAS ANG INUMING TUBIG!

Detalye sa comment section.



Protect your baby from measles with 2 doses of measles vaccine.1️⃣ In countries where measles is common, it is vital to ...
21/10/2026

Protect your baby from measles with 2 doses of measles vaccine.

1️⃣ In countries where measles is common, it is vital to give the first dose around 9 months of age; in other countries, at 12-15 months of age.
2️⃣ Give the second dose later in childhood to ensure full protection.

Remember: Infants can be vaccinated around 6 months of age if there is an outbreak or before travel to endemic countries.

BAKUNA ESKWELA SA BARANGAY BINATUG! Matagumpay na isinagawa ang Bakuna Eskwela sa Malaya Elementary School at Binatug El...
21/10/2026

BAKUNA ESKWELA SA BARANGAY BINATUG!

Matagumpay na isinagawa ang Bakuna Eskwela sa Malaya Elementary School at Binatug Elementary School, kasama ang ating Municipal Health Officer na si Dr. Amelia P. Zambrano, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral sa Bayan ng San Mariano.

Naglalayon ang programang ito na mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga bata laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng bakunang Td at MR para sa mga kwalipikadong mag-aaral sa Grade 1 at Grade 7, at HPV vaccine para sa mga kwalipikadong babaeng mag-aaral sa Grade 4, patuloy nating pinapalakas ang kanilang resistensya at pangangalaga sa kanilang kalusugan.

💙 Sama-sama nating gawing ligtas, malusog, at protektado ang ating mga kabataang San Marianino!

SanMariano

🦟 INFORMATION EDUCATION CAMPAIGN AT VECTOR SURVEILLANCE SA BARANGAY DARAGUTAN WEST, SITIO UDIAOPatuloy ang ating kampany...
21/10/2026

🦟 INFORMATION EDUCATION CAMPAIGN AT VECTOR SURVEILLANCE SA BARANGAY DARAGUTAN WEST, SITIO UDIAO

Patuloy ang ating kampanya laban sa Dengue! 💪

Nagsagawa ng Information Education Campaign (IEC) at Vector Surveillance sa Barangay Daragutan West, Sitio Udiao upang mapalawak ang kaalaman ng mga residente tungkol sa pag-iwas sa Dengue at matukoy ang mga posibleng pinamumugaran ng lamok na Aedes aegypti, na nagdadala ng sakit na Dengue.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, hinihikayat ang bawat pamilya na panatilihing malinis ang kapaligiran, alisin ang mga naipong tubig, at regular na isagawa ang “Taob, Taktak, Tuyo, Takip” upang maiwasan ang pangingitlog at pagdami ng mga lamok.

Tandaan, ang Dengue ay maiiwasan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagiging responsable sa ating kapaligiran. Huwag hintaying may magkasakit bago kumilos!

Tayo'y makiisa sa pagpuksa at paglaban kontra Dengue!

SanMariano

🦟 KILOS KONTRA DENGUE: PALAKASIN ANG KAALAMAN, PAIIGTINGIN ANG PAG-IWAS!Nagsagawa ang Cagayan Valley Center for Health D...
21/10/2026

🦟 KILOS KONTRA DENGUE: PALAKASIN ANG KAALAMAN, PAIIGTINGIN ANG PAG-IWAS!

Nagsagawa ang Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD), sa pakikipagtulungan ng Isabela Integrated Provincial Health Office (IIPHO) at San Mariano Local Health Unit, ng Pagsasanay sa "Vector Control and Strategic Spraying Training for Community Workers."

Aktibong lumahok sa pagsasanay ang mga barangay tanod, Barangay Health Workers (BHWs), at mga kagawad na gaganap ng mahalagang papel sa pagpapalakas ng mga hakbang pangkalusugan sa kani-kanilang barangay.

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at paunlarin ang kakayahan ng mga kalahok sa wastong pagsubaybay at pagtukoy sa mga lugar na pinamumugaran ng lamok, gayundin sa ligtas at tamang pagsasagawa ng strateging pag-iisprey ng pamatay-insekto sa mga angkop na lugar upang makatulong sa pagkontrol sa pagdami ng mga lamok na nagdadala ng Dengue.

Sa pamamagitan nito, inaasahang mas magiging handa ang mga kalahok na tumukoy ng mga lugar na nangangailangan ng agarang aksiyon, magsagawa ng angkop na hakbang sa pagkontrol ng mga lamok, at makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran. Mahalaga rin ang kanilang papel sa paghikayat sa mga mamamayan na alisin ang mga naipong tubig na maaaring pamugaran ng lamok at isabuhay ang “4 o’clock habit” o regular na paghahanap at pagsira sa mga pinamumugaran ng lamok.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga tagapagsalita, Engr. Arnel P. Noriega at Sir Marvin Valiente , sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman, kasanayan, at karanasan na makatutulong sa pagpapalakas ng ating mga programang pangkalusugan.

Sa pagtutulungan ng mga kawani ng kalusugan, barangay tanod, BHWs, mga kagawad, at bawat mamamayan, mas mapapalakas natin ang ating depensa laban sa Dengue!

💪 Sama-sama sa pagkilos, sama-sama sa pag-iwas, sama-sama nating puksain ang Dengue!

BAKUNA ESKWELA SA SAN JOSE INTEGRATED SCHOOL! Sama-sama para sa mas ligtas at malusog na kinabukasan ng ating mga kabata...
21/10/2026

BAKUNA ESKWELA SA SAN JOSE INTEGRATED SCHOOL!

Sama-sama para sa mas ligtas at malusog na kinabukasan ng ating mga kabataan!

Nakiisa ang San Jose Integrated School sa programang Bakuna Eskwela, kasama ang ating Municipal Health Officer na si Dr. Amelia P. Zambrano, upang maihatid ang mahalagang serbisyong pagbabakuna sa mga mag-aaral.

Naglalayon ang programang ito na mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga bata laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna. Kabilang dito ang Td at MR vaccines para sa mga mag-aaral sa Grade 1 at Grade 7, at HPV vaccine para sa mga babaeng mag-aaral sa Grade 4, alinsunod sa mga itinakdang pamantayan ng programa.

Ang pagbabakuna ay mahalagang hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga bata, maiwasan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit, at masuportahan ang kanilang ligtas na pag-aaral.

Mga magulang, makiisa at magpabakuna! Ang bakuna ay proteksyon, ang kaalaman ay gabay, at ang ating pagtutulungan ay susi sa mas malusog na komunidad.

Tara na sa Bakuna Eskwela! Sama-sama para sa batang protektado, paaralang ligtas, at kinabukasang malusog!

SanMariano

BAKUNA ESKWELA SA BARANGAY DARAGUTAN EAST!Matagumpay na isinagawa ang Bakuna Eskwela sa Daragutan East National High Sch...
21/10/2026

BAKUNA ESKWELA SA BARANGAY DARAGUTAN EAST!

Matagumpay na isinagawa ang Bakuna Eskwela sa Daragutan East National High School at Daragutan East Elementary School bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na maprotektahan ang kalusugan ng ating mga mag-aaral laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna noong October 20, 2026.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng Tetanus-Diphtheria (Td) at Measles-Rubella (MR) vaccines para sa mga mag-aaral sa Grade 1 at Grade 7, at Human Papillomavirus (HPV) vaccine para sa mga babaeng mag-aaral sa Grade 4, alinsunod sa itinakdang programa ng pagbabakuna sa paaralan.

Sa tulong ng pagtutulungan ng mga health worker, g**o, magulang, at komunidad, mas napapalapit natin sa mga bata ang serbisyong pangkalusugan na kailangan nila para sa mas ligtas at malusog na kinabukasan.

📢 Tara na! Makilahok, makiisa, at pabakunahan ang ating mga anak para sa karagdagang proteksyon! Dahil ang batang bakunado ay batang mas protektado!

SanMariano

Address

Barangay Santa Filomena
San Mariano
3332

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Mariano Rural Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share