05/10/2026
NEWBORN SCREENING WEEK 2026
Ngayong unang linggo ng Oktubre, nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Subic, sa pangunguna ng Municipal Health Office, sa pagdiriwang ng 30th Newborn Screening Anniversary at National Newborn Screening Awareness Week.
Sa ating Flag Ceremony, sama-sama nating itinaguyod ang kahalagahan ng Newborn Screening upang maagap na matukoy at mabigyan ng tamang lunas ang mga kondisyong maaaring makaapekto sa kalusugan at kinabukasan ng ating mga sanggol.
👶 “Ligtas si baby sa intellectual disability at maagang pagkamatay, ipa-Newborn Screening si Baby!”
💚 Nay, Tay, ipa-Newborn Screening si Baby!