19/01/2026
January 19, 2026
π‘οΈ Ang βChikiting Ligtas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026β ay opisyal nang nagsimula ngayong araw, sa pangunguna ni Mayor Michael A. Piodena sa bayan ng Roseller T. Lim.
Pinagtibay ng Department of Health (DOH) ang kampanyang ito upang sugpuin ang pagtaas ng kaso ng tigdas (measles) at rubella na naitala noong nakaraang taon. Ito ay isang "non-selective" na kampanya, ibig sabihin, babakunahan ang lahat ng batang pasok sa edad, may dati man silang bakuna o wala.
π‘οΈ Mahalagang Detalye ng Kampanya
β’ Sino ang Babakunahan: Mga batang may edad 6 na buwan hanggang 59 na buwan (kulang 5 taon).
β’ Layunin: Mabakunahan ang humigit-kumulang 11 milyong bata sa buong bansa para makamit ang "herd immunity" at maiwasan ang mga outbreak sa komunidad.
β’ Saan Pupunta: May mga vaccination sites sa mga Barangay Health Station, Rural Health Units, Puroks, at mga covered court o mga vaccination posts.
β’ Seguridad at Gastos: Ang mga bakuna ay libre, ligtas, at epektibo. Pinondohan ito ng gobyerno upang matiyak na protektado ang bawat bata.