30/10/2026
𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍𝐄𝐑’𝐒 𝐌𝐀𝐓𝐄𝐑𝐈𝐀𝐋 (𝐏𝐋𝐌) 𝐈𝐍 𝐌𝐀𝐀𝐒𝐈𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘
Mula sa matagumpay na orientation noong nakaraang Setyembre 19, 2026, opisyal nang isinagawa ang mga Teaching Demonstrations para sa PhilHealth Learner’s Material (PLM) noong October 15, 2026 sa mga napiling pampublikong paaralan sa ilalim ng DepEd Maasin City Division.
Ipinamalas ng mga piling MAPEH teachers mula sa Hinapu Daku National High School at Lunas National High School ang epektibong pagtuturo at paggamit ng PLM modules sa kanilang mga silid-aralan upang ibahagi sa mga mag-aaral ang mahahalagang kaalaman ukol sa Universal Health Care (UHC), wastong pangangalaga sa kalusugan, at mga benepisyo ng PhilHealth.
Taos-pusong nagpapasalamat ang PhilHealth Maasin LHIO at PhilHealth Region VIII sa pamunuan, g**o, at mag-aaral ng Hinapu Daku NHS at Lunas NHS, pati na rin sa DepEd Maasin City Division sa inyong patuloy na suporta at dedikasyon sa pagsusulong ng kalusugan ng ating mga kabataan.