MBK-Mga Babaeng May K

Directions

MBK-Mga Babaeng May K Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MBK-Mga Babaeng May K, Alternative & holistic health service, Tuguegarao City.

We are a community of empowered cancer warriors and survivors,committed to uplifting lives and transforming hearts through sisterhood,shared stories,meaningful conversations and life coaching.

16/10/2026
16/10/2026

INVITATION TO ALL: HEALING MASS FOR CANCER WARRIORS, SURVIVORS & THE SICK 🙏

Ngayong Breast Cancer Awareness Month, ang MBK – Mga Babaeng May K (isang komunidad ng cancer warriors, survivors, pamilya, at advocates sa Cagayan Valley), sa pakikipagtulungan sa Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy, ay bukas-pusong inaanyayahan ang buong publiko sa isang Healing Mass.

Ang Banal na Misa ay pangungunahan ng kilalang healing priest mula Tagaytay City na si Reb. Padre William T. Bustamante, OFMCap.

🗓️ Petsa: October 21, 2026 (Miyerkules)
🕛 Oras: 12:00 NN
⛪ Lugar: Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy, Brgy. Leonarda, Tuguegarao City, Cagayan

Dalhin natin ang ating mga panalangin at pag-asa sa Kanyang piling. Inaabangan po namin ang inyong pagdalo! 🕯️

16/10/2026

HEALING MASS 2026 | Inaanyayahan ang publiko na makiisa sa Healing Mass sa Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy sa Leonarda, Tuguegarao City, Cagayan, sa Oktubre 21, 2026, ganap na alas-12 ng tanghali.

Pangungunahan ni Rev. Fr. William T. Bustamante, OFMCap., Kura Paroko ng Ina ng Laging Saklolo Parish, ang banal na pagdiriwang.

Sama-samang manalangin at mag-alay ng pananampalataya, pag-asa, at pasasalamat sa Diyos.

14/10/2026
14/10/2026
🎗️ KAPATID, MAY BREAST CANCER KA BA O MAY MAHAL SA BUHAY NA DUMARANAS NITO?Ngayong Breast Cancer Awareness Month, mahala...
13/10/2026

🎗️ KAPATID, MAY BREAST CANCER KA BA O MAY MAHAL SA BUHAY NA DUMARANAS NITO?

Ngayong Breast Cancer Awareness Month, mahalagang alamin natin hindi lang ang tungkol sa breast cancer—dapat alam din natin kung saan tayo maaaring humingi ng tulong, lalo na sa gastusin sa pagpapagamot.

Alam natin na ang cancer ay hindi lamang laban sa katawan at isip. Isa rin itong mabigat na laban sa pinansiyal na aspeto ng buhay.

Pero, alam mo bang may Z Package Benefit ang PhilHealth na maaaring makatulong sa pagpapagamot ng mga kwalipikadong pasyente?

💗 Ano ang PhilHealth Z Package?
💗 Sino ang maaaring maging kwalipikadong benepisyaryo?
💗 Anong mga gastusin sa paggamot ang maaaring masaklaw ng benepisyong ito?
💗 Paano ito maa-avail at ano ang mga kailangang requirements?

Alamin ang mga sagot at iba pang mahahalagang impormasyon mula mismo sa pamunuan ng PhilHealth!

📺 PANOORIN ANG MBK KAMUSTAHAN!

Kasama natin sina Doc Ernesto Marallag at Sir Buddy de Jesus upang ipaliwanag kung paano maaaring makatulong ang PhilHealth Z Package sa ating mga cancer warriors at survivors.

Dahil ang kaalaman ay hindi lang nagbibigay-linaw—maaari rin itong magbukas ng pinto sa tulong, pag-asa, at mas abot-kayang pagpapagamot.

📢 I-share ang post na ito. Baka ang impormasyong ito ang kailangan ng isang kapatid, kaibigan, o mahal sa buhay na lumalaban sa breast cancer.

Sa laban sa cancer, hindi ka nag-iisa. May pag-asa, may tulong, at may komunidad na handang umalalay! 💗

Kitakits po, mga Ka-MBK!

God bless us all! 🙏🎗️

📣 KA-MBK, ALAMIN ANG BENEPISYONG MAARING MAKATULONG SA IYO! 💚PhilHealth member po ba kayo, mga Ka-MBK, fellow cancer war...
13/10/2026

📣 KA-MBK, ALAMIN ANG BENEPISYONG MAARING MAKATULONG SA IYO! 💚

PhilHealth member po ba kayo, mga Ka-MBK, fellow cancer warriors and survivors? Alam niyo na po ba ang YAKAP Program at ang iba pang benepisyo at serbisyong maaari nating ma-avail mula sa PhilHealth?

💚 Huwag nating palampasin ang impormasyong maaaring makatulong sa atin!

Inaanyayahan po namin kayo bukas sa MBK Kamustahan kasama sina Dr. Ernesto Marallag, Medical Specialist, at Mr. Buddy de Jesus, OIC ng Public Affairs Unit ng PhilHealth Regional Office II.

Pag-usapan po natin ang mahahalagang benepisyo, programa, at serbisyong dapat nating malaman bilang mga PhilHealth member.

Dahil alam natin na sa laban kontra cancer, hindi lang katawan, puso, at isip ang napapagod—pati bulsa! Kaya mahalagang alam natin kung saan maaaring humingi ng tulong at kung anong mga benepisyo ang maaari nating ma-avail.

📻 Kailan? Bukas, 9:00 AM
📍 Saan? FB Live sa 94.9 FM Radio Cagayan

Ang tamang impormasyon ay maaaring magbukas ng pintuan sa tulong at pag-asa. Kaya makinig, magtanong, at ibahagi ang programang ito sa mga kaibigan, kapamilya, at kapwa cancer warriors na maaaring makinabang.

Dahil sa MBK, hindi lang tayo nagbabahagi ng kuwento—nagbabahagi rin tayo ng kaalaman, tulong, at pag-asa. 💚

Kitakits po bukas sa MBK Kamustahan!

God bless us all! 🙏💚

🙏 HEALING MASS: ISANG PANALANGIN, ISANG PAG-ASA, ISANG PANANAMPALATAYA 🙏Inaanyayahan po natin ang lahat ng ating mga kab...
12/10/2026

🙏 HEALING MASS: ISANG PANALANGIN, ISANG PAG-ASA, ISANG PANANAMPALATAYA 🙏

Inaanyayahan po natin ang lahat ng ating mga kababayang dumaraan sa anumang karamdaman—mga cancer warriors, dialysis patients, stroke survivors, at iba pang may pinagdaraanan sa kalusugan—na makiisa sa ating Healing Mass bilang bahagi ng pagdiriwang ng Breast Cancer Awareness Month na gaganapin sa:

📅 Oktubre 21, 2026 (Miyerkules)
⏰ 12:00 NN
📍 Divine Mercy Parish Church, Brgy. Leonarda, Tuguegarao City

Hindi po kayo nag-iisa sa inyong laban. May pag-asa, may pananampalataya, at may Diyos na laging handang makinig sa ating mga panalangin. ❤️

Sama-sama po tayong manalangin, magpatibay ng pananampalataya, at humanap ng lakas at pag-asa sa piling ng ating Panginoon sa Healing Mass. 🙏

Para sa karagdagang impormasyon at gabay, mangyaring makipag-ugnayan sa MBK – Mga Babaeng may K.

Laging tatandaan: sa bawat laban, may pag-asa. Sa bawat panalangin, may lakas. At sa bawat pagsubok, hindi tayo nag-iisa. ❤️

Sama-sama po tayong manalangin! Pls. Share sa alam nating nangangailangan ng mensaheng ito. God bless us all! 🙏❤️

Address

Tuguegarao City
3500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MBK-Mga Babaeng May K posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share