16/10/2026
Opisyal nang sinimulan ang Bakuna Eskwela sa bayan ng Unisan!
Para sa linggong ito, narito ang mga paaralang binisita at nabigyan ng libreng bakuna laban sa Measles-Rubella (MR), Tetanus Diphtheria (Td), at Human Papillomavirus (HPV) vaccines:
☑️ Caigdal National High School
☑️ Mabini Elementary School
☑️ Beredo Elementary School
☑️ Caigdal Elementary School
☑️ Cabulihan Ibaba Elementary School
☑️ San Roque Elementary School
☑️ Bonifacio Elementary School
☑️ Rizal Ilaya Elementary School
☑️ Unisan Integrated High School
Ang School-Based Immunization (SBI) na ito ay magtatagal hanggang sa December 15, 2026 kaya't maaari pang humabol ang mga batang nais mabigyan ng libreng bakuna! Para sa mga magulang, lumapit lamang sa inyong mga paaralan upang humingi ng consent.
Para sa may mga katanungan, huwag mag-atubiling lumapit sa mga g**o ng inyong paaralan, mga BHW ng inyong barangay at mga nurses at midwives. Kami ay handang makinig at sumagot sa inyong mga katanungan at agam-agam.
Protektahan po natin laban sa mga sakit ang ating mga anak. Ang bakunang ibinibigay ay libre at ligtas.