02/09/2026
𝐁𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐎𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐂𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐔𝐁𝐔𝐍𝐓𝐈𝐒?
Ang folate o folic acid (vitamin B9) ay mahalaga sa paggawa ng DNA at sa mabilis na paghahati ng cells lalo na sa mga unang yugto ng fetal development.
Isa sa pinakamahalagang benepisyo nito ay ang pagbawas ng panganib ng neural tube defects, gaya ng 𝐬𝐩𝐢𝐧𝐚 𝐛𝐢𝐟𝐢𝐝𝐚 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐞𝐧𝐜𝐞𝐩𝐡𝐚𝐥𝐲.
Ang neural tube ay nabubuo at nagsasara sa unang mga linggo pagkatapos ng conception, kaya mahalagang napag-uusapan ang folic acid bago pa man mabuntis.
🥬 Makukuha ang folate sa mga pagkain tulad ng dark leafy vegetables, beans, legumes, avocado, at fortified grains.
💊 Pero hindi pare-pareho ang pangangailangan ng bawat babae. Maaaring mag-iba ang recommended supplementation depende sa medical history, medications, at iba pang risk factors.
Kung nagpaplanong magbuntis o buntis na, 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐬𝐚𝐩 𝐬𝐚 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐎𝐁-𝐆𝐘𝐍 𝐨 𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐜𝐚𝐫𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐯𝐢𝐝𝐞𝐫 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐥𝐢𝐜 𝐚𝐜𝐢𝐝 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐲𝐨.
Huwag basta gayahin ang dose na nabasa online.
📌 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐞𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐦𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐚𝐝𝐯𝐢𝐜𝐞.