BHS Aguit-it Vinzons

Directions

BHS Aguit-it Vinzons Barangay Health Station of Aguit-It Vinzons Camarines Norte

DOH: HUWAG IPAGWALANG-BAHALA ANG MGA SINTOMAS NG DENGUEโ€”MAGPATINGIN AGAD SA HEALTH FACILITYPatuloy ang pag-ulan sa iba't...
15/09/2026

DOH: HUWAG IPAGWALANG-BAHALA ANG MGA SINTOMAS NG DENGUEโ€”MAGPATINGIN AGAD SA HEALTH FACILITY

Patuloy ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa, kaya nananatiling mataas ang panganib ng dengue. Ugaliing gawin ang Taob, Taktak, Tuyo, at Takip upang maiwasan ang pagdami ng lamok at alisin ang mga naipong tubig sa paligid ng bahay.

Kung ikaw o miyembro ng inyong pamilya ay may lagnat, lalo na kung may kasamang matinding sakit ng ulo, pananakit ng katawan, pagsusuka, o pagkakaroon ng pantal, magpatingin agad sa pinakamalapit na health facility. Ang maagang pagpapatingin at tamang gamutan ay mahalaga upang maiwasan ang malubhang komplikasyon ng dengue.

Habang patuloy ang pag-ulan, sama-sama nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran at maging alerto sa mga sintomas ng dengue.




๐ŸฆŸ DENGUE IEC DISTRIBUTION | BANDILLO โ€“ BRGY. AGUITITKahapon, Setyembre 15, 2026, isinagawa ang pamamahagi ng Dengue (IEC...
15/09/2026

๐ŸฆŸ DENGUE IEC DISTRIBUTION | BANDILLO โ€“ BRGY. AGUITIT

Kahapon, Setyembre 15, 2026, isinagawa ang pamamahagi ng Dengue (IEC) materials at pag bandillo sa Brgy. Aguitit, Vinzons, Camarines Norte, upang mapalakas ang kaalaman at kamalayan ng mga residente tungkol sa pag-iwas at pagkontrol sa dengue.

Binigyang-diin ang 5S Strategy Kontra Dengue:

๐Ÿ”Ž SEARCH AND DESTROY BREEDING SITES โ€“ Hanapin at alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.

๐Ÿฅ SEEK EARLY CONSULTATION โ€“ Agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center kung may sintomas ng dengue.

๐ŸฆŸ SELF-PROTECT โ€“ Gumamit ng insect repellent, magsuot ng mahahabang damit, at gumamit ng kulambo.

๐Ÿšซ SAY NO TO FOGGING โ€“ Iwasan ang fogging maliban sa panahon ng outbreak.

๐Ÿ’ง SUSTAIN HYDRATION โ€“ Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.

Kasabay nito, ipinaalala ang 4Ts โ€” Taob, Taktak, Tuyo, at Takip โ€” upang mabawasan ang mga lugar na maaaring pamugaran ng Aedes aegypti.

โฐ ALAS-KWATRO KONTRA MOSQUITO!
Gawing regular ang paglilinis ng kapaligiran tuwing 4:00 ng hapon. Taob, Taktak, Tuyo, at Takip!

Sa sama-samang pagkilos ng bawat pamilya at ng buong komunidad, makatutulong tayo upang maiwasan at mapigilan ang pagkalat ng dengue.

Protektahan ang sarili, pamilya, at komunidad. Sama-sama tayong kontra dengue! ๐ŸฆŸ๐Ÿ’ช

19/08/2026

๐€๐๐Ž ๐๐†๐€ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐Œ๐„๐€๐’๐‹๐„๐’-๐‘๐”๐๐„๐‹๐‹๐€ ๐’๐”๐๐๐‹๐„๐Œ๐„๐๐“๐€๐‹ ๐ˆ๐Œ๐Œ๐”๐๐ˆ๐™๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐€๐‚๐“๐ˆ๐•๐ˆ๐“๐˜ (๐Œ๐‘ ๐’๐ˆ๐€)?

Sa dami ng impormasyong kumakalat tungkol sa bakuna, mahalagang malaman ang tama at mapagkakatiwalaang impormasyon. Ang Measles-Rubella (MR) Supplemental Immunization Activity (SIA) ay isang programa na naglalayong dagdagan ang proteksyon ng mga bata laban sa tigdas at rubella sa pamamagitan ng pagbabakuna. Ito ay mahalagang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng mga sakit na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon.

Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at pagbabakuna, nakatutulong tayo sa pagprotekta hindi lamang sa ating mga anak, kundi pati na rin sa buong pamilya at buong komunidad. Huwag magpalinlang sa maling impormasyon. Sa halip, kumonsulta sa mga health workers at umasa sa mapagkakatiwalaang sources upang maging tama at ligtas ang ating mga desisyon tungkol sa kalusugan.

Tara naโ€™t sama-sama nating palakasin ang proteksyon ng bawat bata! Suportahan ang MR-SIA at hikayatin ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak sa mga itinalagang vaccination sites.

Tandaan: Ligtas ang may alam. Ligtas Tigdas, atin ng suportahan!

โœ๏ธ| Kristine Filio
๐ŸŽฅ| Bejay Franz Acunin

โ€‹

๐Ÿ“ข MGA MAGULANG AT GUARDIANS SA BARANGAY AGUIT-IT, VINZONS! ๐Ÿ“ขโ€‹Paparating na ang LIGTAS TIGDAS:Measles-Rubella Supplementa...
09/08/2026

๐Ÿ“ข MGA MAGULANG AT GUARDIANS SA BARANGAY AGUIT-IT, VINZONS! ๐Ÿ“ข

โ€‹Paparating na ang LIGTAS TIGDAS:

Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA) sa ating barangay! Oras na para protektahan ang ating mga chikiting.

โ€‹Sino ang dapat mabigyan ng bakuna kontra tigdas?

โ€‹๐Ÿ‘ถ 6-11 Months old: Sila ay bibigyan ng isang (1) dose ng Measles-Rubella (MR) vaccine, kahit nakatanggap na ng bakuna noon.

โ€‹๐Ÿ‘ง๐Ÿ‘ฆ 12-59 Months old: Sila ay bibigyan din ng isang (1) dose ng Measles-Rubella (MR) vaccine, kahit nakatanggap na ng bakuna noon.

โ€‹Saan at Kailan ang Bakunahan?
๐Ÿ“ Fixed Vaccination Site: Purok 2 Brgy Aguit-it Covered Court

โ€‹๐Ÿ—“๏ธ Vaccination Schedule:
โ€‹August 11, 2026: Ito ay naka-iskedyul para sa mga residente ng PUROK 1 & 2 (Batch 1).

โ€‹August 12, 2026: Ito ay naka-iskedyul para sa mga residente ng PUROK 2 & 3 (Batch 2).

โ€‹๐Ÿ›ก๏ธ Tandaan: Ang bakuna kontra tigdas (MR vaccine) ay ligtas, epektibo at makakatulong upang maiwasan ang tigdas at rubella.

โ€‹I-save ang petsa at dalhin na ang inyong mga anak sa ating covered court! Sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga.
โ€‹

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—จ๐—น๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—•๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐—•๐˜‚๐˜†: ๐—ฅ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต๐˜†, ๐—ช๐—ฒ๐—น๐—น-๐—ก๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฑ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—•๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ณ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด! ๐Ÿคฑ๐Ÿ’šBreastfeeding bene...
07/08/2026

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—จ๐—น๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—•๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐—•๐˜‚๐˜†: ๐—ฅ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต๐˜†, ๐—ช๐—ฒ๐—น๐—น-๐—ก๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฑ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—•๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ณ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด! ๐Ÿคฑ๐Ÿ’š

Breastfeeding benefits babies, mothers, families, and societyโ€”but mothers cannot do it alone. They need supportive policies, responsive health systems, strong communities, breastfeeding-friendly workplaces, sustained financing, and protection from misinformation and inappropriate marketing.

This ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—•๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ณ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต, with the theme โ€œ๐—•๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ณ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜ ๐—ถ๐—ป ๐—Ÿ๐—ถ๐—ณ๐—ฒ: ๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ช๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜€โ€, letโ€™s move beyond simply encouraging mothers to breastfeed. Letโ€™s work together to build and sustain systems that protect, promote, and support breastfeeding.




Mabuhay, Brgy. Aguit-it! ๐Ÿ‘‹ Stay healthy at stay connected tayo๐Ÿฅฐโ€‹Para mas madaling malaman ang mga pinakabagong health up...
07/08/2026

Mabuhay, Brgy. Aguit-it! ๐Ÿ‘‹ Stay healthy at stay connected tayo๐Ÿฅฐ

โ€‹Para mas madaling malaman ang mga pinakabagong health updates, programa, at anunsyo sa ating komunidad, i-follow at i-share na ang ating official page.

I-scan lang ang QR code na nasa aming poster o i-click ang link na ito:
๐Ÿ‘‰ https://www.facebook.com/profile.php?id=61572941380381&mibextid=ZbWKwL

โ€‹Narito ang mga serbisyong inihahatid ng ating Barangay Health Station (BHS) para sa bawat pamilya:

โ€‹๐Ÿฉบ General Health Consultation & Basic Check-ups

โ€‹๐Ÿฉธ Blood Pressure & Blood Sugar Screening

โ€‹๐Ÿคฐ Maternal Care: Prenatal & Postnatal Check-ups

โ€‹๐Ÿ‘ถ Child Health: Growth Monitoring & Nutrition Counseling

โ€‹๐Ÿ’‰ Routine Immunization & Immunizations (Infants, Children's, Pregnants & Senior Citizens)

โ€‹๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘ง Family Planning: Counseling & Provision of Contraceptives

โ€‹๐Ÿซ Tuberculosis (TB) Screening, Referral & Treatment (DOTS)

โ€‹๐Ÿ—ฃ๏ธ Health Education (Nutrition, Hygiene, Disease Prevention)

โ€‹๐Ÿฉบ Monitoring & Management of NCDs (Hypertension, Diabetes)

โ€‹๐Ÿคฑ Breastfeeding Support & Education

โ€‹๐Ÿ’Š Vitamin A Supplementation & Deworming for Children

โ€‹๐Ÿฉน Basic First Aid & Wound Care

โ€‹๐Ÿฅ Referral to Rural Health Unit (RHU) & Hospital

โ€‹โš•๏ธ Distribution of Selected Medicines & Vitamins (Subject to Availability)

โ™€๏ธCancer early detection and referral (Clinical breast Examination and Cervical Cancer screening Visual inspection with Acetic Acid test (VIA)

๐Ÿ‘Eye Care Program

โ€‹๐Ÿ“Š Disease Surveillance and Reporting

โ€‹โš ๏ธ MAHALAGANG PAALALA TUNGKOL SA MGA GAMOT:

Ang pamimigay ng mga libreng gamot ay subject to availability. Mahigpit din po naming ipinapaalala na kailangan ng balidong reseta (valid prescription) mula sa doktor bago makakuha ng gamot. Mangyari po lamang na dalhin ang inyong reseta sa pagbisita sa ating BHS.

โ€‹Kalusugan ng bawat isa, prayoridad ng barangay! I-share ang post na ito para maipaalam sa ating mga ka-barangay. Maraming salamat po! ๐Ÿ’™๐Ÿ’š

๐ŸŽ‰ ISANG MATAGUMPAY NA BUNTIS CONGRESS 2026 NGAYONG ARAW! ๐Ÿคฐ๐ŸŒธโœจโ€‹Taos-pusong pasasalamat sa ating mga beloved mommies na dum...
06/08/2026

๐ŸŽ‰ ISANG MATAGUMPAY NA BUNTIS CONGRESS 2026 NGAYONG ARAW! ๐Ÿคฐ๐ŸŒธโœจ

โ€‹Taos-pusong pasasalamat sa ating mga beloved mommies na dumalo at nakiisa sa ginanap na Buntis Congress 2026 ngayong araw, Agosto 6, 2026, sa Brgy. Aguit-it Covered Court!

โ€‹Sa ilalim ng temang โ€œMalusog na Ina, Ligtas na Sanggol, Matatag na Pamilya,โ€ naging puno ng saya, kaalaman, at inspirasyon ang ating buong araw.

โ€‹๐ŸŒŸ Mga Naging Highlights Kanina:

โ€‹๐Ÿฅ‘ Wastong Nutrisyon: Payo sa tamang pagkain para sa kalusugan ng ina at ng baby sa sinapupunan.

โ€‹๐Ÿฉบ Prenatal & Postnatal Care: Mahahalagang paalala bago at pagkatapos manganak upang makaiwas sa anumang peligro.

โ€‹๐Ÿ‘ถ Paghahanda sa Pagiging Magulang: Gabay sa tamang pangangalaga sa baby at pagpapatatag ng pamilya.

โ€‹๐Ÿ’– Maraming Salamat Po!
โ€‹Lubos ang ating pasasalamat sa matagumpay na kolaborasyon at pagsisikap ngayong araw ng:

โ€‹๐Ÿข BLGU Aguit-it, BLGU Manlucugan, at BLGU Matango

โ€‹๐Ÿ›๏ธ Lokal na Pamahalaan ng Vinzons (LGU Vinzons)

โ€‹๐Ÿฅ Municipal Health Office of Vinzons (MHO Vinzons)

โ€‹๐Ÿฉบ Department of Health (DOH)

โ€‹๐Ÿ‘ฉโ€โš•๏ธ Barangay Nurse, Midwives, Barangay Health Workers (BHW), at Barangay Nutrition Scholars (BNS) na nag-alay ng kanilang dedikasyon at serbisyo.

โ€‹At higit sa lahat, maraming salamat sa ating mga mommies na naglaan ng panahon ngayong araw para matuto at pangalagaan ang kanilang kalusugan at ang kanilang mga sanggol! ๐Ÿ‘ถ๐Ÿ’•

โ€‹Hangad po namin ang inyong ligtas na panganganak at isang masaya't malusog na pamilya. Hanggang sa muling pagkikita, mga mommy!

โ€‹

๐Ÿ“ข MATAGUMPAY NA MR SIA ORIENTATION SA BARANGAY AGUIT-IT NGAYONG AGOSTO 6, 2026! ๐Ÿ‘ถ๐Ÿ’‰โ€‹Magandang araw, mga Kabarangay!โ€‹Isang...
06/08/2026

๐Ÿ“ข MATAGUMPAY NA MR SIA ORIENTATION SA BARANGAY AGUIT-IT NGAYONG AGOSTO 6, 2026! ๐Ÿ‘ถ๐Ÿ’‰

โ€‹Magandang araw, mga Kabarangay!
โ€‹Isang makabuluhang oryentasyon ukol sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) ang matagumpay na naisagawa ngayong araw, Agosto 6, 2026, para sa ating ilang mga nanay at tagapangalaga ng mga chikiting na may edad 6 hanggang 59 na buwan (6 to 59 months).

โ€‹Ang oryentasyon ay masayang pinangunahan ng ating Barangay Nurse ng Barangay Aguit-it, sa pakikipagtulungan at suporta ng ating masisipag na Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholar (BNS).

โ€‹๐Ÿ’ก MGA MAHALAGANG PAALALA MULA SA ATING BARANGAY NURSE:

โ€‹๐Ÿ›ก๏ธ Proteksyon Laban sa Sakit: Ang bakuna ay magbibigay ng karagdagang lakas at immunity sa ating mga chikiting laban sa Tigdas (Measles) at Tigdas-Hangin (Rubella).

โ€‹๐Ÿ’š Ligtas at Libre: Binigyang-diin na ang mga bakunang gagamitin ay subok na ligtas, epektibo, at walang anumang bayad mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH).

โ€‹๐Ÿค Pagtutulungan sa Komunidad: Ang kalusugan ng ating mga anak ay nakasalalay sa ating pagkakaisa at pakikiisa sa bakunahan.

โ€‹๐Ÿ—“๏ธ OPISYAL NA ISKEDYUL AT LUGAR NG PAGBABAKUNA:

โ€‹๐Ÿ“… Petsa: Agosto 11 at 12, 2026
๐Ÿ“ Lugar (Vaccination Post): Barangay Aguit-it Covered Court, Purok 2

๐Ÿ‘ถ Sino ang Babakunahan: Lahat ng batang may edad 6 hanggang 59 na buwan

โ€‹โœ‰๏ธ MAHALAGANG PAALALA SA MGA MAGULANG:

โ€‹๐Ÿ“‹ Listahan ng Babakunahan: Naka-paskil na po sa ating Barangay Health Station (BHS) Aguit-it ang opisyal na listahan ng mga batang kasama sa babakunahan.

โ€‹โœ‰๏ธ Opisyal na Sulat: Magpapadala rin po ang ating Barangay Nurse ng sulat sa tulong at pamamagitan ng ating mga BHWs at BNS para sa lahat ng pamilyang may anak na edad 6 hanggang 59 na buwan.

โ€‹๐Ÿ’ฌ May Katanungan? Kung mayroon pa kayong mga katanungan o nais na linawin, maaari po kayong pumunta sa ating Barangay Health Station (BHS Aguit-it) upang magtanong sa ating health staff.

โ€‹๐Ÿ“Œ MGA DAPAT GAWIN NG MGA NANAY AT MAGULANG:

1๏ธโƒฃ Abangan ang ipapadalang sulat mula sa ating Barangay Nurse na ididirekta/ihahatid ng ating mga BHWs at BNS.

2๏ธโƒฃ Siguraduhing handa ang inyong chikiting na may edad 6โ€“59 months para sa pagpapabakuna.

3๏ธโƒฃ Dalhin ang inyong mga anak sa Barangay Aguit-it Covered Court (Purok 2) sa darating na Agosto 11 at 12, 2026.

โ€‹Maraming salamat sa lahat ng mga nanay na dumalo at nakiisa ngayong araw! Together, let's keep Barangay Aguit-it healthy and safe! โค๏ธโœจ

โ€‹

๐Ÿคฐ๐ŸŒธ BUNTIS CONGRESS 2026 ๐ŸŒธ๐ŸคฐInaanyayahan ang mga  buntis na makiisa sa Buntis Congress 2026, na may temang: โ€œMalusog na In...
04/08/2026

๐Ÿคฐ๐ŸŒธ BUNTIS CONGRESS 2026 ๐ŸŒธ๐Ÿคฐ

Inaanyayahan ang mga buntis na makiisa sa Buntis Congress 2026, na may temang: โ€œMalusog na Ina, Ligtas na Sanggol, Matatag na Pamilya.โ€ Layunin ng gawaing ito na palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa wastong pangangalaga sa kalusugan ng ina at sanggol, tamang nutrisyon, prenatal care, post natal at paghahanda sa responsibilidad bilang ina at magulang.

Gaganapin ang programa sa Agosto 6, 2026, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, sa Brgy. Aguit-it Covered Court. Inihanda ang isang araw na puno ng makabuluhang talakayan, mahahalagang kaalaman, at mga gawaing makatutulong sa pagkakaroon ng ligtas at malusog na pagbubuntis at panganganakโ˜บ

Ang gawaing ito ay pinagsamang pagsisikap ng Barangay Aguit-it, Barangay Manlucugan, at Barangay Matango, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Vinzons at ang Department of Health. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy nating itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng bawat ina at sanggol. Kita-kits, mga mommies! ๐Ÿ’•๐Ÿ‘ถ

๐Ÿ“Œ P.S. Para po sa maayos na paghahanda at limitadong bilang ng mga kalahok, ang programa ay nakalaan lamang sa mga buntis na kabilang sa opisyal na listahan. Sila po ay makatatanggap ng Letter of Invitation. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.










Address

Purok 2, Barangay Hall Of Aguit-it Building
Vinzons
4603

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHS Aguit-it Vinzons posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share