28/06/2024
Ano ang Glutathione?
Ang glutathione ay isang malakas na uri antioxidant na natural na nilalabas ng atay.
Ito rin ay natural na makukuha sa mga prutas, gulay, at mga karne.
Ito ay makikita rin sa bawat cells ng katawan at nagsisilbing proteksyon laban sa mga free radicals. Dahil ito ay isang uri ng antioxidant, tulad ng Vitamin C at Vitamin E, nakatutulong ito na pabagalin ang epekto ng mapanirang free radicals sa mga cells ng katawan.
Ang free radicals ay nagdudulot ng pagkasira ng mga cells at nagdudulot ng pagtanda ng pisikal na anyo ng tao.
Anu-ano ang kayang gawin ng Glutathione?
Nakatutulong ng malaki ang glutathione sa paggana ng husto ng bawat cells sa katawan sapagkat bilang isang antioxidant, pinipigilan nito ang masasamang epekto ng free radicals sa mga cells.
Tinutulungan din ng glutathione ang atay na salain at linisin ang katawan mula sa mga kemikal, at lason na pumapasok sa katawan gaya ng alak, polusyon na nalalanghap, at mga gamot o droga na iniinom.
Epektibo ba ang Glutathione bilang pampaputi?
Ang pagputi ng balat mula sa glutathione ay isang side effect ng gamot na ito.
Ito ay dahil sa reaksyon ng glutathione sa enzyme na Tyrosinase at nakapagpapabagal ng produkson ng melanin sa balat.
Matatandaan na ang melanin ay ang nagbibigay ng kulay sa balat ng tao.